OPERASYON NG PUV SA NCR NORMAL NA

NAGBALIK na sa normal na operasyon ang public utility vehicles (PUV) sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng may isolated o nakahiwalay na presensiya ng mga raliyista na makikita sa ilang bahagi ng metropolis. Sa ulat ng Inter-Agency Task Force on Tigil Pasada, ang mga ruta na ibinigay para sa Libreng Sakay ay nasa ilalim na ng normal na operasyon at wala namang naiulat na stranded na mga mananakay. Base sa naging pagtataya ng task force, ang mga protester ay naka-monitor sa Heritage sa Baclaran, Old Terminal sa Alabang,…

Read More

PAGHARAP NG PAMILYA NG WOD VICTIMS SA ICC HINAHARANG

ALAM ng administrasyon Marcos Jr. at ni Vice President Sara Duterte na dehado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaya hinaharang ng mga ito ang pagharap ng pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa nasabing korte. Ito ang opinyon ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares matapos hilingin umano ng Marcos-Duterte administration sa ICC na huwag payagan ang mga pamilya ng mga biktima na sumali sa proseso at magharap ng ebidensya. “Ex-Pres. Duterte and the Marcos-Duterte government are losing the ICC the…

Read More

CHA-CHA VIA CONCON APRUB NA SA KAMARA

TULAD ng inaasahan, tuluyan nang pinagtibay kahapon sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na nagpapatawag ng Constitutional convention (Concon) na siyang mag-aamyenda sa 1987 Constitution. “With three hundred one (301) voting in affirmative, six in the negative and one abstention, Resolution of Both House (No. 6) is hereby adopted,” deklarasyon ni House Speaker Martin Romualdez. Bago ang sesyon, dakong alas-dos ng hapon ay nagpatawag ng caucus ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni Romualdez kung saan inanunsyo ni Majority Leader Manuel Jose…

Read More

MASTERMIND SA DEGAMO SLAY TUKOY NA

(BERNARD TAGUINOD) MAY mukha na kung sino ang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Ito ang kinumpirma kahapon ni House Speaker Martin Romualdez subalit tumanggi itong magbigay ng detalye ukol sa umano’y mastermind. “May mga importanteng leads na ang mga imbestigador kung sino ang mastermind ng krimen na ito. They are working round the clock at the moment for case build up,” ani Romualdez. Noong Sabado, Marso 4, ay pinasok ng armadong kalalakihan ang compound ng pamilya Degamo sa Brgy. San Isidro, Sto. Nueve, Pamplona at pinagbabaril…

Read More

MGA LANSANGAN HINDI NAPARALISA SA TRANSPO STRIKE

HINDI masyadong naramdaman ang unang araw ng transport strike na ikinasa ng mga operator at tsuper nationwide dahil marami pa rin ang bumiyahe. Ayon kay Joel Bolano, Technical Division Chief ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 10 percent lamang ng ruta sa National Capital Region (NCR) ang naapektuhan habang 5 percent sa buong bansa. Maliban sa NCR, bahagyang naapektuhan ang biyahe sa Region 4-A o Calabarzon subalit wala namang iniulat na stranded na mga commuter dahil agad nakapagpadala ng rescue vehicle ang mga Local Government Unit. Nauna nang…

Read More

ALL OUT WAR LABAN SA GUN FOR HIRE PINAKAKASA

(DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Francis Escudero ang mga awtoridad na maglunsad ng all-out war laban sa gun-for-hire syndicates at dito gamitin ang intelligence funds. Sa gitna ito ng paggiit ni Escudero na tanging pagtukoy at pagbuwag sa grupo ng hired killers ang makakapigil sa serye ng assassination na nangyayari ngayon sa bansa. Ayon kay Escudero, ang brutal na pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng kanilang tahanan ay isa sa mga senyales na nagiging cottage industry sa bansa ang gun for hire. Kaya kahit mahuli…

Read More

SABAH PAG-UUSAPAN NG PH, MALAYSIA

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng foreign ministries ng Pilipinas at Malaysia ang isyu ng Sabah kasunod ng naging pagbisita sa bansa ni Prime Minister Anwar Ibrahim. Tiniyak ng Pangulo na masinsinan ang magiging pag-uusap sa nasabing isyu. “Napag-usapan din namin yung isyu ng Sabah, alam niyo naman mayroon tayong claim diyan at sa ngayon, sila ang administrator sa Sabah. Kaya sabi namin kailangan namin mapag-usapan nang masinsinan yan,” ani Pangulong Marcos. “‘Yung foreign affairs secretary namin ay mag-uusap tungkol diyan kung ano pa ang pwede nating…

Read More

UVs, multi-cab kasama sa phaseout? CORPORATE TAKEOVER SA PUBLIC TRANSPORT

BUBUSISIIN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “corporate takeover” sa public transport sa Pilipinas at kung sinong kumpanya ang makikinabang sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 816 na inaka ng Makabayan bloc sa Kamara dahil hindi lang ang mga Public Utility Jeep (PUJ) ang sakop ng programang ito kundi maging ang mga UV Express at Filcabs (multi-cabs). “The program in the guise of modernization is simply a corporate takeover of the public utility jeepney (PUJ) sector that would not only result to…

Read More

TRUCKERS, TNVS, TRIKE SASAMA SA TIGIL-PASADA

HINDI lang mga jeepney at UV express drivers at operators ang lalahok sa malawakang tigil-pasada ngayong araw kundi maging ang mga trucker, Technology- and app-based transport network vehicle service (TNVS) at maging mga tricycle driver. Sa huling pagtaya, inaasahang mahigit 100,000 jeepney at UV Express drivers at operators ang lalahok sa isang linggong transport strike. Ayon kay Manibela National President Mar Valbuena, nagpahayag na rin ng suporta sa gagawin nilang tigil-pasada ang PISTON at ilang grupo ng mga trucker, TNVS at tricycle drivers. Kasabay nito, muling iginiit ni Valbuena na…

Read More