PAGTATAYO NG SPECIALTY HOSPITAL SA SENIOR CITIZEN, PINAMAMADALI

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na iprayoridad ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Geriatric Medical Center para sa mas maayos na pangangalaga sa kalusugan ng may 10 milyong senior citizen sa bansa. Sa kasalukuyan, nasa walo ang pending bill para sa pagtatayo ng pagamutan kasama na ang Senate Bill 979 o ang proposed Senior Citizens’ Hospital Act ni Pimentel. “These pending bills only show that a lot of our colleagues also give urgency to the matter. That’s why we…

Read More

URBAN FARMING TUGON SA MATAAS NA PRESYO NG PAGKAIN

ITINUTULAK ng pamahalaan ang urban farming bilang bahagi ng pagsisikap nito na tugunan ang tumataas na presyo ng pagkain at kasalatan sa suplay. Ang “Hapag Kay PBBM,” inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa Rizal Park, Manila ay hinikayat ang urban barangay at sambahayan na maglaan ng “small patches” ng lupain para pagtaniman ng mga prutas at gulay. “Ang ginagawa natin dahil nagkakaproblema tayo sa bilihin at tumataas ang presyo ay sinasabi natin, bakit hindi ang ating mga kababayan ay sila na…

Read More

PUJ PHASEOUT SISILIPIN NG KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) NAGKASA na ng imbestigasyon ang mababang kapulungan ng Kongreso sa phase out program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep dahil sa posibleng epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Sa kanyang House Resolution (HR) 801, inatasan ni Albay Rep. Joey Salceda ang House committee on transportation na siyasatin ang programang ito ng LTFRB upang makagawa ng batas dahil P102 billion income ang inaasahang mawawala kapag tuluyang ipinagbawal ang pamamasada ng mga tradisyunal na jeep. Ang nasabing halaga ay ibinase ni Salceda…

Read More

HEROES WELCOME PARA SA PH CONTINGENT MULA TÜRKIYE

BINIGYAN ng “heroes welcome” ang 82 man Philippine contingent na ipinadala sa Turkiye para tumulong sa disaster response sa mga naging biktima ng magnitude 7.8 earthquake doon. Ginanap ito kamakalawa ng gabi sa pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon. Tinawag naman bayani ng Turkish government ang RP contingent. “They have gone through a lot, they have been to a very difficult place. They have been witnesses to great human suffering, so it was…

Read More

GOBYERNO NAGLAAN NG P4-B FUEL SUBSIDY SA DRIVERS, MAGSASAKA

NAGLAAN ang gobyernong Marcos ng 4 bilyong piso ngayong taon para makapagbigay ng fuel subsidy sa mga driver at magsasaka habang ang bansa ay bumabangon at bumabawi mula sa pandemya. Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Budget and Management na ang pondo ay huhugutin mula sa regular budget ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA). “As directed by President Ferdinand Marcos Jr., this administration will continue providing fuel subsidies to our kababayan, especially in the most vulnerable sectors…

Read More

SPECIAL POWER NG KAMARA TINABLA NI PBBM

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para hiritan ang Kongreso ng special powers para tugunan ang inflation. Kumpiyansang sinabi nito na sinimulan na ng kanyang administrasyon ang interbensyon para pagaanin ang nakapanghihinang epekto ng inflation. Sa isang chance interview sa Pangulo matapos ang paglulunsad ng Hapag Kay PBBM (HAlina’t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement) sa Open Air Auditorium sa Rizal Park, Manila, sinabi nito na “I do not think that it is necessary…

Read More

PRES. MARCOS JR. INAWAT TIGIL-PASADA SA MARSO 6-12

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa transport groups na huwag munang ituloy ang nakatakda nitong tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12 bilang protesta sa modernization program ng gobyerno. Sa isang chance interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Hapag Kay PBBM (HAlina’t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement) sa Luneta, sinabi ng Pangulo na magdurusa lamang ang mga mananakay kapag natuloy ang nasabing tigil-pasada. Ito’y sa kabila ng sinabi ng Department of Transportation na mayroong contingency plans ang pamahalaan sakali’t…

Read More

PROSESO SA PAGBIBIGAY NG BACKWAGES NG 10K DATING OFWs SA SAUDI PINABUBUSISI

NABAHALA si Senador Raffy Tulfo sa hindi pa nababayarang back wages at separation pay ng libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Saudi matapos magdeklara ng bankruptcy ang kanilang mga kumpanya dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil dito, inihain ni Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers ang Senate Resolution (SR) No. 505 na naglalayong imbestigahan ang impormasyon na marami sa mga dating OFW ang bigo nang irehistro ang kanilang claims para sa back pay sa kabila ng pangako ng gobyerno ng Saudi na aayusin ang mga…

Read More

KABATAAN PINASUSUPORTA SA TRANSPORT STRIKE

UMAPELA ang kinatawan ng Kabataan party-list sa Kamara sa mga kabataan at estudyante na suportahan ang isang linggong transport strike na ikinasa ng iba’t ibang transport group laban sa pag-phase out sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep. Ayon kay Rep. Raoul Manuel, kailangang suportahan ang mga Public Utility Jeepney (PUJ) operators at drivers kapag tuluyang pinuwersa ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang modernisasyon sa kanilang hanay. Nilinaw ni Manuel na wala silang tutol sa pagmodernisa sa PUJ subalit kailangang tiyakin na abot kaya ng mga PUJ operator…

Read More