HIHILINGIN ng Land Transportation Office (LTO) sa Kongreso na magpasa ng batas para sa mas mabigat na parusa sa mga masasangkot sa road rage. Sa pagharap sa pagdinig ng Senado para sa proposed 2024 budget ng Department of Transportation, inihayag ni LTO chief Vigor Mendoza na sa kasalukuyang batas ay hindi sila maaaring magpataw ng parusang higit pa sa apat na taong suspensyon ng lisensya. Sinabi ni Mendoza na magsusumite sila ng proposal sa Kamara at Senado upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa road rage.…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Nang kuwestyunin sa confi funds VP SARA PARANG BATANG PIKON SA PLAYGROUND -GURO
“PARA palang batang napikon sa playground.” Ganito inilarawan ni dating ACT Party-list Rep. Antonio Tinio ang inasal ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa isang forum kaugnay ng P125 million confidential funds na ginastos nito sa loob lamang ng 19 araw noong 2022. Kasabay nito, hindi na ikinagulat ni Tinio ang pahayag ni Duterte na gawa ng terorista ang pagpapakalat umano ni Rep. France Castro ng kasinungalingan sa kanyang confidential funds na illegal na ilipat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang tanggapan. Ayon…
Read More‘Ngipin’ sa pagpatupad ng SIM registration law susi sa pagsugpo ng online fraud — GlobeTel official
ANG SUBSCRIBERS Identity Module registration ay nagtutukoy lamang ng pagkakakilanlan ng may-ari ng SIM cards upang matiyak ang pagtunton sa mga dapat papanagutin kapag ginamit ang mga ito sa paggawa ng cybercrimes. “And it is only the first step towards an intricate and highly technical approaches which aimed at curbing online scams,” wika ni Atty. Froilan Castelo, ang general counsel ng Globe Group. Gayunman ay naiuulat na ang talamak na pagsasagawa ng iba’t-ibang panloloko at krimen sa online ay sa pamamagitan ng over- the-top (OTT) messaging at SIM cards na…
Read MorePCSO, Magkakaloob ng Tulong sa Lalawigan ng Camarines Norte
Patuloy ang pagtugon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na abutin ang bawat sulok ng bansa upang makapaghatid ng tulong sa mga kababayan nating mahihirap at nangangailangan lalo’t higit yung mga biktima ng mga sakuna at kalamidad. Noong ika-15 ng Agosto 2023, pinangunahan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles kasama si PCSO Director Jennifer E. Liongson – Guevara ang 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺 na ginawa sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Magkakaloob ang ahensiya ng dalawang libong (2,000) pirasong food…
Read MoreUniversal meal program mungkahi ni Gatchalian upang sugpuin ang malnutrisyon
Iminumungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng isang universal meal program upang sugpuin ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan pagdating sa nutrisyon, kabilang ang stunting, wasting, at undernutrition. “Pangarap ko na tulad ng ibang bansa, magkaroon tayo ng isang universal meal program na titiyaking may sapat at masustansyang pagkain ang bawat mag-aaral. Kakailanganin nito ng malaking pondo, ngunit hindi tayo titigil na gumawa ng paraan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education. Ayon sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute’s (DOST-FNRI)…
Read More6 NPA PATAY SA SERYE NG SAGUPAAN
HABANG nasa kasagsagan ng isinasagawang National Simultaneous Earthquake drill ang mga taga lalawigan ng Bohol ay napasabak naman sa matinding sagupaan ang mga tauhan ng AFP-Visayan Command sa isang grupo ng nalalabing New People’s Army na ikinamatay ng anim na communist terrorist cadre. “The six (6) NPA members died separately, two (2) were killed during the 2nd and 3rd encounter, one (1) was killed during the 5th encounter. While three (3) NPA members were killed during the 6th encounter,” ito ang ulat na ipinarating kay VISCOM commander, Lt. General Benedict…
Read More8 PULIS NA SABIT SA PAGPATAY KAY JEMBOY SINIBAK
TULUYAN nang ipinasibak sa serbisyo ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang walong pulis na isinasangkot sa pagpatay sa teenager na si Jemboy Baltazar na sinasabing biktima ng mistaken identity sa Navotas City. Inirekomenda ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo ang pagsibak sa walong police officers, kabilang ang dalawang team leaders nila. Nabatid na kabilang sa pinagbasehan ng nasabing rekomendasyon ang pag-amin ng anim na pulis na lahat sila ay nagpaputok ng baril sa direksyon ng 17-anyos na si Jemboy. Samantala, sa paliwanag ng IAS, ang…
Read MoreBUILDING MAINTENANCE STAFF, PATAY SA BUMAGSAK NA ELEVATOR
PATAY ang 38-anyos na building maintenance staff nang bumulusok sa ground floor ang nagkaaberyang elevator sa isang gusali sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Tomas Mapua Street, Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Joseph Abellera, may asawa, at residente ng Caloocan City. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Ayon sa isang kasamahan ng biktima, huling nakitang buhay si Abellera dakong alas-4:00 ng…
Read MoreTIRADOR NG KITA NG JEEPNEY, TIKLO
BUNSOD ng maagap na aksyon ng mga tauhan ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, natimbog ang isa sa dalawang menor de edad at nabawi ang inagaw na money box mula sa jeepney driver sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng umaga. Laking pasasalamat ng driver ng jeep kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, at sa mga tauhan nito sa pagkakadakip sa isang suspek at nabawi ang kita niya sa pamamasada. Ayon sa driver, pumapasada siya ng jeep galing Divisoria papunta sa Sta. Mesa, ngunit pagtawid…
Read More