NADAKIP ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang angkas habang tuluyang nakatakas ang driver ng motorsiklo makaraang hablutin ang cellphone ng isang biktima noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Rizal Avenue at Tayuman Street, Sta. Cruz, Manila Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bernardo”, 23, residente ng Sta. Cruz, Manila habang tuluyang nakatakas ang kasabwat nito na si alyas “Kenneth”, ng Balut, Tondo Batay sa ulat nina Police Executive Master Sergeant Peter Joseph Villanueva ng Sector 2 ng Station 3,…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Showbiz personality iniugnay sa krimen MOTU PROPRIO PROBE SA MGA PULIS NA SABIT SA MISSING SABUNGEROS SINIMULAN NA
IPINAG-UTOS na ni Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, Vice Chairperson at Executive Officer ng National Police Commission (NAPOLCOM) na masimulan na ang motu propio investigation kaugnay sa mga pulis na dawit umano sa pagkawala ng sinasabing mahigit 100 sabungero na inilibing sa Taal lake. Ang kusang imbestigasyon ng Napolcom ay bunsod ng pahayag ng isang alias “Totoy,” isa sa mga akusado, na nagsasabing 20 police officers ang sangkot sa kidnapping case ng nawawalang mga sabungero. Ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ang inatasan ni Calinisan na magsagawa ng sariling…
Read More9 SOUTH KOREAN NATIONALS TIMBOG SA ONLINE LOAN FRAUD SCHEME
SIYAM na South Korean nationals na sangkot umano sa online loan fraud scheme ang inaresto sa isinagawang joint operation sa pangunguna ng Bureau of Immigration (BI) sa Parañaque City. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang operasyon noong Miyerkoles ng gabi hanggang noong Huwebes ng madaling araw. Nadiskubre ang ilegal na aktibidad ng BI operatives, at ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) personnel, na agad nagpatupad ng mission order laban sa mga suspek sa isang condominium sa lungsod. Ang siyam na South Korean nationals, may…
Read MoreWELGA NG KAWASAKI LABOR UNION NAGPAPATULOY
PATULOY na nakapuwesto sa harap ng planta ng Kawasaki Motors Philippines Corporation (KMPC) sa Lungsod ng Muntinlupa ang mga opisyal ng Kawasaki United Labor Union habang pumapasok na sa ika-36 na araw ang kanilang welga. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng KMPC para sa pagkakaisa, bukas na komunikasyon, at makatarungang kasunduan para sa kapakanan ng lahat ng manggagawa. Ipinaglalaban ng unyon ang 11.5% dagdag-sahod, ngunit ayon sa kompanya na patuloy pang bumabangon mula sa mga pagkaluging dulot ng pandemya ng COVID-19, tanging 5% lamang ang kaya nitong…
Read MoreIKATLO AT PINAKAMALAKING KABATAAN CENTER SA LAS PIÑAS PINASINAYAAN NI INCOMING SEN. VILLAR
PINANGUNAHAN ni Incoming Senator Camille Villar ang inagurasyon ng ikatlo at pinakamalaking Kabataan Center sa lungsod ng Las Pinas na isa sa mga proyekto ng mambabatas sa kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso. Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sa Kabataan Center Doña Manuela Subdivision, sina Pamplona Tres Barangay Chairman Mori Riguera, Kgd. Romy Bautista, Don̈a Manuela Subdivision HOA President Kagawad Romy Bautista at SK Chairman Thirdy Torres. Ang naturang kabataan Center ay pasilidad na nag-aalok ng ligtas, moderno, at naa-access na espasyo para sa pag-aaral, pakikipagtulungan, at…
Read MoreMGA PULIS NA SANGKOT SA MISSING SABUNGEROS, ‘DI SASANTUHIN NG PNP
ITO ang pagtiyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pahayag ng Department of Justice na may sangkot na mga tauhan ng gobyerno, kabilang ang ilang pulis, sa kaso ng nawawalang mga sabungero. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, “Wala tayong sasantuhin—sibilyan man, opisyal, o kapwa pulis.” Pahayag ng tagapagsalita na wala silang palalampasin sa imbestigasyon sa pagkawala ng 34 na sabungero matapos ang pahayag ng isa sa mga akusado na umano’y may sangkot na mga pulis sa krimen. Kinumpirma naman ni Justice Secretary Jesus Crispin…
Read MoreCHINESE TIMBOG SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA SASAKYAN
KALABOSO ang isang Chinese national makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group dahil sa pagbebenta nito ng nakaw na sasakyan. Ayon kay PLt. Dame Malang, spokesperson ng HPG, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, inaresto ang suspek sa parking area ng isang gusali sa Paco, Manila. Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa natanggap na reklamo na nagbebentang ito ng sasakyan na nasa hold order list. Kapag ang sasakyan ay nasa hold order list ay bawal itong ibenta dahil posibleng mayroon itong pending investigation o sangkot sa…
Read MoreSa unang BARMM Parliamentary election ARMY 6TH INFANTRY DIVISION AT JTFC FULL SUPPORT SA COMELEC
TINIYAK ng pamunuan ng Joint Task Force Central (JTFC) at ng Philippine Army 6th Infantry (Kampilan) Division, na nasa ilalim ng pamumuno ni Major General Donald M. Gumiran, sa Commission on Election na higit pa nilang paiigtingin ang security preparation para sa gaganaping kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary election. Tiniyak ng mga sundalo na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila para masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang gaganaping parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na Oktubre 13, 2025. Ipinarating…
Read MoreGABUNDOK NA BASURA SA MAYNILA ‘DI NAHAHAKOT
TILA naging siyudad ng basura na ang Lungsod ng Maynila dahil sa tambak at gabundok na basura na naipon at hindi nahahakot ng service provider sa maraming lugar nito. Bagama’t aminado si Manila Department of Public Service (DPS) Officer-in-Charge Jonathan Garzo na nabigo ang service provider na Metro Waste Solid Management Corp. at Philippine Ecology Systems Corp. (PhilCo), na matugunan ang nilagdaang kontrata na nagkakahalaga ng P842.7 milyon, para sa paghahakot ng basura sa Maynila, sinabi niya na sinisikap pa rin nilang makatulong sa paghahakot ng basura. Aniya ang street…
Read More