TUGUEGARAO CITY- Lumalakas ang posibilidad ng pagbabalik sa city hall ni dating mayor Jefferson Soriano. Patunay rito ang mainit na suporta ng mga taga-lungsod na tinaguriang GRAND COMEBACK ang muling pamumuno ng dating alkalde. Si Soriano ay natalo ni Maila Ting-Que noong 2022 pagkatapos nitong mamuno ng siyam na taon. Si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor ng lungsod. Dinadagsa ng napakaraming taga-suporta gabi-gabi ang kampanya ni Mayor Soriano. “Iba talaga nung si Soriano ang nakaupo…malalapitan at makatao!” sigaw ng isang taga-suporta mula Barangay Carig. Sa init ng araw at init…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
12 PATAY SA KARAMBOLA SA SCTEX
LABING DALAWA ang kumpirmadong namatay habang hindi bababa sa dalawampu’t anim ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan malapit sa tollgate ng SCTEX sa Lapaz, Tarlac. Lumitaw sa paunang imbestigasyon, dakong alas-12:10 ng tanghali habang nakapila ang mga sasakyan pa-exit ng Lapaz SCTEX nang araruhin ng Solid North Bus. Kaagad dinala sa pagamutan ang mga sugatan kabilang ang driver ng bus na hindi pa nakilala. Sa ulat, sa labing dalawang nasawi ay anim ang bata. Samantala, ipinag-utos naman ni DOTr Sec. Vince Dizon sa LTFRB na mag-isyu ng suspension order…
Read MorePAYOUT SA BAHAY NI HARESCO INIUGNAY NG 2 BARANGAY CAPTAIN SA VOTE BUYING
INAKUSAHAN ng dalawang barangay captain na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco na ginagamit nito ang kanyang bahay para sa “vote buying” na itinatago bilang “payout”. Ayon kina Henry Olid at Shirly Lagradante, kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawa sa mismong bahay ni Haresco ang pamimigay ng pera na sinasabing ayuda. Ayon kay Lagradante, nagpapapunta ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bahay ni Haresco. “Ganito rin ang nangyari noong nabisto namin ang ginagawa nilang…
Read MoreOPERASYON NG MOVE IT SA CEBU AT CDO PINAHIHINTO
PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It — ang motorcycle taxi service na pinatatakbo ng Grab – dahil sa patuloy nitong paglabag sa regulasyon ukol sa fleet limit at kabiguang sumunod sa mandatory reporting rules sa iallim ng motorcycle taxi pilot study. Sa inilabas na kautusan, inatasan ng TWG ang Move It na itama ang bilang ng kanilang mga rider batay sa inilaan sa kanila ng gobyerno at ihinto ang operasyon sa mga lugar kung saan wala itong pahintulot, partikular sa Cebu…
Read MoreANAK NI ANSON QUE NILINIS NG PNP SA KIDNAP-SLAY CASE
NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng anak ng negosyanteng si Anson Tan o Anson Que sa pagkakadawit nito sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama na unang ibinase sa salaysay ng isa pang Chinese national na unang nadakip ng mga awtoridad. Kahapon, inihayag ng PNP na walang direktang ebidensya na nag-uugnay kay Ronxian Gou o Alvin Que, 42-anyos, sa pagdukot at pagpatay sa kanyang amang si Anson Que. Ayon kay PNP spokesperson, B/Gen. Jean Fajardo, nakatakdang magsumite ngayong Biyernes ng mosyon sa Department of Justice ang PNP Anti-Kidnapping…
Read MoreJOBLESS PINATAY SA SAKSAK SA MAYNILA
AGAD nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na jobless matapos pagsasaksakin sa panulukan ng J Marzan at J Fajardo Street, Sampaloc, Manila, Martes ng umaga. Ang biktima ay si Romulo Ferraro, alyas “Oneng”, ng Barangay 447 Zone 44 Sampaloc. Nakatakas naman ang suspek na si Ramil Tuazon, 37, alyas Boy Negro, Muslim at Ismael, ng Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon Province. Sa ulat ni Det. Derick Magpale kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 10:30 ng umaga nang atakihin ng suspek ang biktima. Sa…
Read MoreSITG BINUO SA PAMAMASLANG KAY JOHNNY DAYANG
INUMPISAHAN na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang pag-backtrack sa mga CCTV na posibleng dinaanan ng salarin sa pamamaril sa dating mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang. Sa ulat sa Kampo Crame, dakong alas-8:00 ng gabi, nakahiga sa kanyang rocking chair habang nanonood ng TV nang pasukin at pagbabarilin si Dayang sa kanyang bahay sa Villa Salvacion, Andagao, Aklan. Nagawa pang maisugod sa Aklan Provincial Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang biktima bunga ng tama ng bala sa kanyang leeg at likod. Samantala, sa press briefing sa Camp…
Read MoreMGA APLIKANTE BILANG ASSOCIATE JUSTICE NG SC INILABAS NG JBC
INILABAS ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga aplikante para sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na papalit kay Associate Justice Mario V. Lopez, na magreretiro sa Hunyo 4, 2025. Ito ay alinsunod sa Seksyon 2, Alituntunin 7 ng 2020-01 Revised Rules of the Judicial and Bar Council, magkakaroon ng pampublikong panayam para sa mga sumusunod na kandidato na isasagawa ng JBC sa Session Hall ng Korte Suprema o ng Court of Appeals. Mayo 14, Miyerkules – Nina Antonio Valenzuela – Ramon Bato Jr. –…
Read More3 NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA CHECKPOINT
ARESTADO ang tatlong indibidwal na umano’y nagpanggap na mga pulis, sa inilatag na checkpoint sa Binondo, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Zoren”, 28, dating pulis, ng Bulacan; “Kenjie”, 26, ng Navotas City, at “Eduardo”, 36, ng Quezon City. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Ryan Tumanlao ng Gandara Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Meisic Police Station 11, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang masakote ang mga suspek sa ipinatutupad na checkpoint sa Binondo, Manila.…
Read More