HINDI natuloy ang nakatakdang Manila City Hall Reporters’ Association Balitaan kahapon ng umaga kasunod ng paglikida ng riding in tandem kay Leninsky Bacud, second nominee ng Ang Bumbero Party-list na isa sana sa mga panauhin. Agad kinondena ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pataksil na pagbaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin kay Barangay Chairman Bacud na kasalukuyang inaalam din ng Philippine National Police at Commission on Elections kung election-related. “Hindi natin papayagang mamayani ang takot at karahasan sa ating lungsod. Maninindigan tayo para sa katarungan at kaayusan sa Lungsod…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
ABSENTEE VOTING UMARANGKADA SA CAMP CRAME
UMARANGKADA nitong Lunes ang tatlong araw na local absentee voting ng mga pulis na ginanap sa General Headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame. Mismong si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang nanguna sa pagboto bandang alas-8:21 ng umaga at natapos ng alas-8:26 ng umaga. Magsisimula ang local absentee voting ngayong Abril 28 hanggang Abril 30, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Ayon sa PNP-Public Information Office, nasa 1,471 na mga personnel mula command group, directorial staff at national support unit ang nakatakdang bumoto para…
Read MoreMANGATAREM LOCAL OFFICIALS INIREKLAMO SA OMBUDSMAN
NAHAHARAP sa patung-patong na kaso sa tanggapan ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Mangatarem sa Pangasinan na kinabibilangan nina Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal at Municipal accountant Kenaz Bautista. Ito ay matapos silang ireklamo ni Ricardo Bachar Luciano, Jr. Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ay Malversation of Public Funds dahil umano sa misappropriation with consent at kapabayaan, technical malversation, paglabag sa local government code at tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Pilipinas, paglabag sa procurement law at…
Read MoreNANGUNGUNANG ABACA PRODUCER SA MUNDO BINISITA NI CAMILLE
MULING iginiit ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar ang kanyang suporta sa lokal na industriya ng abaca sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Catanduanes, ang abaca capital ng Pilipinas, kamakailan. “Congratulations po sa pagiging ‘world’s top producer of abaca’, at dahil dyan ay buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan,” ani Camille. “Talagang proud po tayo sa industriya na yan dito sa inyo dahil sa abaca ay tinatawag na ‘world’s strongest fiber’,” aniya pa. Ang Pilipinas ay nananatiling nangungunang producer ng pinakamatibay na hibla sa mundo, na…
Read MoreNOMINEE NG BUMBERO PARTY-LIST INAMBUS
TINAMBANGAN ng mga hindi pa tukoy na mga suspek ang dating chairman at nominee ng Ang Bumbero Partylist na si Leninsky Bacud. Nangyari ang pamamaril sa P. Guevarra St., Brgy. 435, Zone 44, Sampaloc, Manila bandang alas-6:00 ng gabi ngayong Lunes, April 28. Ayon sa mga saksi, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek at nakipagbarilan pa sa pulis na residente sa lugar. Dinala sa pinakamalapit na ospital at inaalam pa ang kondisyon ni Bacud. Sa palitan ng putok ay tinamaan ng bala ang ilang sasakyan sa lugar. Nagsasagawa na ng…
Read MoreTREASON SA PR FIRM NA ‘BAYARAN’ NG CHINA
IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na agad kasuhan ng treason o pagtataksil sa bansa ang mga may-ari at tauhan ng Infinitus Marketing Solutions na nakabase sa Makati City na kinontrata ng China para sirain ang mga opisyal ng gobyerno at ang ating bansa sa kabuuan. Kasabay nito, nais ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez na dapat alamin kung sinu-sinong mga social media personality ang kinontrata naman ng nasabing kumpanya para magpakalat ng fake news at ipagtanggol ang China imbes na ang Pilipinas upang makasuhan din ang…
Read More‘ILLEGAL’ CAMPAIGN MATERIALS PINABAKLAS NI ISKO
AGAD ipinabaklas ni Manila mayoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang kanyang mga campaign material na nakalagay sa hindi designated area matapos matanggap ang show cause order ng Commission on Elections (Comelec). Partikular sa Welcome Arc sa Legarda St., Brgy. 410 Zone 12 sa Sampaloc umano makikita ang mga campaign poster. Inilabas ng komisyon ang show cause order kaugnay sa R.A 9006 o Fair Election Act noong Abril 14. Bagamat kapansin-pansin na mangilan-ngilan lamang ang makikitang campaign posters ni Yorme, agad nitong ipinag-utos sa kanyang mga tagasuporta ang pagbaklas bilang…
Read More40 MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL ISINUKO SA 601ST BRIGADE
UMABOT 40 matataas na kalibre ng baril ang isinuko sa pamunuan ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo. Mismong si Brig. Gen. Edgar L. Catu, commander ng 601st Brigade, ang nagpresinta ng nasabing mga kagamitang pandigma kina Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, commander ng Western Mindanao Command at Maj. Gen. Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division. Kabilang sa isinukong mga armas ang mga sumusunod: pitong M14 7.62mm rifle, anim na M16 5.56mm rifle, limang Garand Cal. 30 rifle, dalawang Ultimax…
Read More5 NPA PATAY SA NEGROS OCCIDENTAL ENCOUNTER
LIMANG kasapi ng isang dismantled guerilla front, ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Infantry Division nitong Linggo ng umaga, Abril 27, 2025, sa lalawigan ng Negros Occidental matapos ang serye ng habulan at sagupaan, ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, 3ID spokesman. Kabilang sa mga napaslang si Pungkol o alyas “Putol”, ang kilabot na lider ng remnant ng Southern West Front, Komiteng Rehiyon, NCBS (Negros, Cebu, Bohol and Siquijor) sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental. Ayon sa report na isinumite ng Army 302 Infantry Brigade, bukod…
Read More