TUGUEGARAO CITY- Lumalakas ang posibilidad ng pagbabalik sa city hall ni dating mayor Jefferson Soriano.
Patunay rito ang mainit na suporta ng mga taga-lungsod na tinaguriang GRAND COMEBACK ang muling pamumuno ng dating alkalde.
Si Soriano ay natalo ni Maila Ting-Que noong 2022 pagkatapos nitong mamuno ng siyam na taon. Si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor ng lungsod.
Dinadagsa ng napakaraming taga-suporta gabi-gabi ang kampanya ni Mayor Soriano.
“Iba talaga nung si Soriano ang nakaupo…malalapitan at makatao!” sigaw ng isang taga-suporta mula Barangay Carig.
Sa init ng araw at init ng emosyon, walang makapipigil sa mga loyalista ni Soriano. Lahat gustong makita at marinig ang bagong plataporma nito. Kahit init, hindi naging hadlang.
Dahil sa mainit na pagtanggap sa muling pagtakbo ni Soriano, ang mga kalaban umano nito ay panay parinig sa social media tungkol sa alyansang Team Tuguether ni Jefferson Soriano.
