HINDI NASE-ZERO ANG PHILHEALTH SA KONTROBERSYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG merong pinaka-kontrobersyal na Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ay parang wala nang tatalo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil hindi sila nase-zero sa kontrobersya. Pero ang nakapagtataka, sa rami ng kontrobersyang kinasasangkutan ng PhilHealth ay wala pa tayong narinig na may naparusahan lalo na sa mga katiwalian sa pamamahala ng pondo, na kinakaltas buwan-buwan sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor ng lipunan. Noong 2015, nabuko ang cataract scam na nagsimula noong 2014 kung saan magbayad ang PhilHealth ng P325 million sa…

Read More

MOVE IT PWEDENG MASUSPINDE – LTFRB

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGLABAS ng Show Cause Order (SCO) para pagpaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang motor taxi na Move It kaugnay sa alegasyon na lumampas ito sa itinakdang rider cap at nabigong i-report ang activation, deactivation at reactivation ng kanilang mga rider. Nag-ugat ang SCO mula sa pag-amin ng isang kinatawan ng Move It sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, na nabigo ang kumpanya na ipaalam sa ahensya ang pagbabago o pagtaas ng bilang ng kanilang riders. Binigyan ni LTFRB chairperson…

Read More

Nasaan ang mga prayoridad? ZERO BADYET PARA SA PHILHEALTH, P138 MILYON PARA SA ISANG OKASYON

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG PhilHealth na isang government health insurance provider, ay nakatakdang tumanggap ng zero budget para sa 2025. Ang desisyong ito ay nagdulot ng galit, dahil ang milyon-milyong Pilipino ay umaasa sa PhilHealth para sa abot-kayang pangangalaga sa pangkalusugan. Ang masaklap nito, naglaan ang PhilHealth ng P138 milyon para sa kanilang 30th anniversary. Ang pagkilos na ito ay nagtataas ng mga seryosong tanong tungkol sa mga prayoridad at pananagutan. Para sa maraming Pilipino, ang PhilHealth ay isang lifeline. Nakatutulong itong masakop ang gastos ng mga…

Read More

AKAPan sa PULITIKA at KORAPSYON

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari MATAPOS mabuyangyang ang detalye ng P6.352 trillion badyet ng gobyerno para sa taong 2025, kasunod ding naglabasan ang samu’t saring mga isyu sa iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa kanilang pondo. Mula sa P822.2 billion badyet nitong 2024, lumobo ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa P1.1 trillion para sa susunod na taon sa kabila ng patuloy na pagbaha ng mga alegasyon ng korapsyon sa nasabing departamento. Tampok na batikos sa DPWH ang naganap na malawakang…

Read More

‘WAG MAINIP, MALAPIT NA, BABALIK NA SI YORME ISKO (Part 1)

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ITO ang katotohanang tiyak na darating: Sa Mayo 12, 2025 midterm elections, mawawalis na ang nagpadugyot sa Maynila. Sa 2025, maibabalik na ang matinong pamamahala sa lungsod na pinabayaan ng kasalukuyang dugyot na pamamahala sa city hall. Alam ng Manilenyo, kailangan nang bumalik si Yorme, at sila ay patuloy ang paglakas ng panawagan sa kagustuhan na maupo uli si dating mayor, Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa city hall. Kaya ang social media ay namumulaklak sa panawagang “ISKOmeback” at hashtags na tulad nito: #YormeBumalikKaNa and…

Read More

ANG MAKABAGONG PAGLILINGKOD NI CONG. BRIAN YAMSUAN

TARGET NI KA REX CAYANONG SA panahon kung kailan tumataas ang bilang ng mga kaso ng mental health disorders sa bansa, mahalagang kilalanin ang mga hakbang na naglalayong tugunan ang lumalaking pangangailangan para sa serbisyong pangkalusugan sa isip. Kamakailan, inihain ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang House Bill No. 11086 o ang Comprehensive Mental Health Benefit Act. Layunin ng panukalang ito na masiguro ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa isip, maging inpatient o outpatient, para sa bawat Pilipino. Ang mungkahing isama ang mental health package sa benepisyo ng Philippine…

Read More

DUSA ANG PAG-UWI SA PROBINSYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD TUWING holiday season ay nag-uuwian ang karamihan sa mga tao sa Metro Manila sa kanilang probinsya at kasama ang mga taga-Norte riyan tulad ng mga taga-Cagayan Valley region o Region 2. Matindi rin ang galawan ng mga produkto na dinadala sa Metro Manila at inuuwi naman sa mga probinsya ng Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino at Cagayan kapag holiday season at may mga nagro-road trip para mamasyal sa mga probinsyang ito. Pero marami ang nasisiraan ng loob dahil patindi nang patindi ang trapik sa Nueva Vizcaya dahil…

Read More

TALENTADONG PINOY

At Your Service ni Ka Francis MARAMI sa ating mga Pilipino ay talaga nga namang pinagpala ng talento at galing. Tulad halimbawa ni Sofronio Parojinog Vasquez III na itinanghal na kampeon sa katatapos na Season 26 ng American talent competition “The Voice.” Si Sofronio ay ipinanganak noong Nobyembre 9, 1992, sa kanyang mga magulang na sina Aida Parojinog at Oniol Vasquez ng Misamis Occidental. Siya ay residente ng Utica, New York at ang kanyang propesyon ay bilang isang dentista simula noong 2022. Naging team coach ni Sofronio ang kilalang magaling…

Read More

BANGAYANG PULITIKA SA MARIKINA LUMALALA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang umiinit ang bangayan ng mga politiko sa Marikina City sa pagitan ng kampo nina Mayor Marcy Teodoro, Sen. Koko Pimentel at 2nd District Rep. Stella Quimbo. Bakit sinabi natin ‘yan? Nitong nakaraan, nakatanggap tayo ng impormasyon na ang nagsampa raw ng kaso sa Commission on Election (Comelec) laban kay Mayor Teodoro ay tao ni Rep. Quimbo. Sa record ng Comelec, si Leighrich James Estanislao ang unang nagsampa ng kaso laban kay Teodoro sa Comelec, sinundan nina Sen. Koko Pimentel, Katrina Marco, Angelu Estanislao…

Read More