HAKA-HAKA NI GADON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TINALBUGAN ng ‘haka-haka’ ni Gadon ang ‘hindi ko maalala’ ni Alice Guo. Katunayan, ang dami nang meme na bumubuhos sa social media na may kinalaman sa haka-haka ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon. Naturingan kasing adviser at czar hinggil sa kahirapan pero ang solusyon para mabawasan kung hindi man mawala ang naghihikahos sa buhay, ay ang kontrahin ang mga nagsasabing napakahirap ng kanilang buhay. Ayon kay Gadon, hindi totoo ang sinasabing napakahirap ng buhay sa bansa dahil kung titingnan ay napakaraming tao sa…

Read More

DAPAT TIYAKIN NG GOBYERNO SEGURIDAD AT KABUHAYAN NG MGA MANGINGISDA

IBINULALAS ng mga mangingisda sa Masinloc, Zambales ang kanilang hinaing at hirap sa patuloy na panggigipit na ginagawa ng China sa West Philippine Sea. Sa isang espesyal na sesyon ng House of the Representatives sa Masinloc, Zambales, ipinabatid ng mangingisdang si Nolly delos Santos ang kanilang daing at saloobin, na humantong sa paglabas ng emosyon na may pasaring sa mga mambabatas na kilala lang sila kapag eleksyon at pagdating sa problema ay nakalilimutan na sila. Ayon kay Delos Santos, ang ayuda ay band-aid lang, at ang kailangan nila ay malayang…

Read More

SEN. ZUBIRI, ‘DI MATANGGAP GINAWA NI SEN. BATO SA KANYA

RAPIDO NI PATRICK TULFO NAPAKASAKIT ang nangyari kay Sen. Juan Miguel Zubiri dahil bukod sa pagbaba niya sa pwesto bilang Senate president, ay tinalikuran pa siya ng isa sa inakala niyang tapat sa kanya. Isa pala sa mga pumirma sa petisyon para mapalitan siya sa pwesto ay si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na sinaluduhan pa nito sa kanyang talumpati matapos na bumaba ito sa pwesto. Hindi sukat akalain ni Sen. Zubiri na kasama si Sen. Bato sa mga pumirma sa petisyon, dahil isang dahilan umano ng kanyang pagkakaalis sa…

Read More

POSIBLENG MAPURUHAN SA CYBER LIBEL SI DOC LEACHON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MADALING mag-post online, ngunit kailangang tiyakin at patunayan muna ang impormasyon bago ito ibahagi o isapubliko. Kahit siguro maganda ang intensyon at walang halong malisya ang itinataguyod ay kailangang timbangin ang gustong sabihin dahil baka akalain na ito ay paninirang-puri. May katapat itong cyber libel dahil sa epekto nito sa indibidwal o organisasyon lalo’t peke ang pahayag na nakasisira sa reputasyon ng indibidwal o grupo. Tulad nito: Si Dr. Tony Leachon ay sinampahan ng kasong cyber libel sa National Bureau of Investigation ng Bell-Kenz Pharma Inc.…

Read More

FRANCHISE RENEWAL NG MERALCO MABUTI SA ATING EKONOMIYA

MY POINT OF BREW ni JERA SISON ITO ang bungad na pahayag ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa unang pagdinig sa planong renewal ng prangkisa ng Meralco na igagawad ng Kongreso, ayon sa ating batas. Ang Bicolanong mambabatas ang author ng HB No.9793, nakasaad na “The case for renewing Meralco’s franchise is plain and simple: it has complied with the conditions of the franchise law and it is good for the economy and the consumer.” Hindi matatawaran ang galing ni Salceda kung ang pag-uusapan ay tungkol sa ekonomiya.…

Read More

KAPAKANAN NG MAMAMAYAN PRAYORIDAD NI AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY LAGON

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG kamakailang pamamahagi ng tulong pinansyal at kagamitan ng Ako Bisaya Party-list sa mga residente ng Cordova, Cebu at TESDA scholars sa Cebu City ay patunay ng malalim na malasakit at dedikasyon ng mga kinatawan ng ating pamahalaan sa kapakanan ng mamamayan. Sa pangunguna ni Congressman Sonny “SL” Lagon ng Ako Bisaya Party-list at Congresswoman Daphne Lagon ng ika-6 na distrito ng Cebu, ang 660 motorkad drivers sa Cordova ay nakatanggap ng tig-P3,000 bawat isa sa ilalim ng programang “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program”…

Read More

‘YAN ANG PULITIKA SA PINAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako nagulat sa turn of events sa Senado nang tanggalin si Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Senate President at maging ang pagsama ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Migz dahil ganyan ang pulitika sa ating bansa. Lalong hindi na ako magugulat kung may kamay ang Malacañang sa kudeta sa Senado dahil open secret naman na may basbas talaga ang Pangulo ng bansa kung sino ang nais niyang maging Speaker of the House at Senate President. Hindi naman talaga independent ang Legislative Branch sa…

Read More

SINONG MAY ‘LAM’ SA PAGBITIW NI ZUBIRI BILANG SENATE PRESIDENT?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NOONG Mayo 20, 2024, mismong huling Linggo ng sesyon ng Senado, inihayag ni Senate President Migz Zubiri ang kanyang pagbibitiw sa pwesto. Hindi raw umano siya nakasunod sa instruction sa kanya mula sa mga makapangyarihang tao ng bansa, para itigil ang hearing ng Senado sa PDEA leaks, ang dahilan ng pagbibitiw ng senador. Ito ay tungkol sa pagdinig na pinangunahan ni Senador Bato dela Rosa, kung saan ay ginisa si dating PDEA agent Jonathan Morales. Layunin ng pagdinig ay para alamin ang katotohanan sa isyu…

Read More

SIGALOT SA SENADO, UMIIGTING!

RAPIDO NI TULFO KAMAKAILAN nga ay nagbitiw sa pagiging Senate President si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri sa gitna ng kaliwa’t kanang isyu sa Senado. Ayon sa mga “tambay” sa Senado, majority ng mga kapwa senador ni Zubiri ang bumoto upang palitan ang kanilang liderato, pito (7) lamang tutol dito. Palaisipan ngayon sa taumbayan ang dahilan sa biglaang palitan ng liderato sa Senado na humahawak ngayon sa malalaking mga isyu sa bansa. Kabilang sa iniimbestigahan ngayon ng Senado ang tinatawag na PDEA leaks kung saan dawit ang pangalan ni Pangulong…

Read More