BAGONG PILIPINAS MOBILE CLINIC, BAGONG PAG-ASA SA QUEZON

TARGET NI KA REX CAYANONG

LUBOS ang pasasalamat ni Gov. Helen Tan kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Louise “Liza” Marcos, at sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa kanilang ipinagkaloob na Bagong Pilipinas Mobile Clinic sa Quezon.

Ayon kay Tan, ang hakbang na ito ay isang malaking ambag upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong komunidad.

Ang bagong mobile clinic na ito ay kargado ng mga makabagong medical na kagamitan.

Halimbawa na lamang dito ang ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spirometer, infrared forehead thermometer, at generator.

Ang mga ito ay magbibigay daan upang agad na masuri at magamot ang mga pasyente sa malalayong mga lugar na hirap makarating sa mga ospital.

Sa kabilang banda, sa pangunguna ng Quezon Provincial Government, naihatid kamakailan ang AICS Payout at Medical Mission sa bayan ng Mauban at Pagbilao.

Pinangunahan ito nina Gov. Tan, Vice Governor Third Alcala, at mga opisyales ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng programang ito, nakatanggap ng pinansyal na tulong ang mamamayan at natamasa rin nila ang libreng serbisyong medikal tulad ng medical check-up, dental extraction, minor surgery, eye checkup, ultrasound, X-ray, ECG, tuli, vaccination, at iba pa.

Ang nasabing mga gawain at programa ng pamahalaang panlalawigan ay bahagi ng Universal Healthcare na inakda ni Gov. Tan.

Ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng mga serbisyong ito ay bunga ng mga pinagtibay na ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang mga inisyatibong ito ay patunay ng pagkakaisa ng ating mga lider upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

Sa patuloy na suporta ng national at local government, hangad natin ang mas masigla at mas malusog na bayan.

Ang Bagong Pilipinas Mobile Clinic ay simbolo ng bagong pag-asa para sa bawat Pilipino.

Nawa’y magpatuloy ang ganitong mga programa at serbisyong tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa bawat sulok ng bansa.

178

Related posts

Leave a Comment