CLICKBAIT ni JO BARLIZO NATULOY na nga ang kudeta sa Senado kahapon kaya bumaba si Senador Juan Miguel Zubiri bilang lider ng Mataas na Kapulungan. Pinalitan siya ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na agad ding nanumpa. Hindi na bago ang coup rumors kay Zubiri, ika nga naging suki siya nito. Pebrero pa lang ng taong ito, umugong na ang usapang ikukudeta siya pero agad itong pinabulaanan ng mga kapwa niya senador. Ipinagtanggol pa nga siya nina Senate Pro-Tempore Loren Legarda at Senate Majority Leader Joel Villanueva na kapwa nagsabing suportado…
Read MoreCategory: OPINYON
AKAP NG DSWD AT RECORD-BREAKING PERFORMANCE NG PAGCOR
TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na hamon ng mataas na inflation at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, isang malaking hakbang ang isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 6 (DSWD FO-6) sa paglulunsad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Sinasabing sa programang ito, mahigit 20,000 na near poor families sa Western Visayas ang nakatanggap ng kabuuang P62.8 milyon na tulong. Ang AKAP ay naglalayong tulungan ang mga pamilyang may mababang kita na hindi sakop ng 4Ps o social pension programs.…
Read MorePANATILIHING INDEPENDENT ANG SENADO
EDITORIAL NALUKLOK bilang bagong pinuno ng Senado si Senador Francis “Chiz” Escudero. Bago inihalal si Escudero, nagbitiw muna sa puwesto si Sen Juan Miguel Zubiri bilang Senate President na kanyang inupuan mula noong Hulyo 2022. Nagbitiw ba si Zubiri para hindi humantong sa kudeta ang pagbaba niya sa puwesto? Lumitaw noong Marso 2023 ang usap-usapan na patatalsikin siya sa pwesto dahil sa umano’y mabagal ang Senado sa ilalim ng kanyang liderato at ang kanyang posisyon hinggil sa Charter change (Cha-cha). Naramdaman na ni Zubiri ang planong kudeta kaya inunahan niya…
Read MorePINOY CANDIDATES ‘DI NA NAKAPOPORMA
DPA ni BERNARD TAGUINOD PINAGLARUAN sa social media si Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo na nasa gitna ngayon ng matinding kontrobersya, na kahit ang international media tulad ng British Broadcasting Corporation ay naging headline siya. Paanong hindi paglalaruan eh walang naniniwala na hindi niya maalala ang lugar kung saan siya ipinanganak, saan siya tumira, wala siyang medical at school record at kapag tinanong siya ay “Hindi ko po maalala” ang isasagot. Tayong lahat, alam natin kung saan tayo nag-aral at hanggang sa pagtanda ay siguradong hindi mo makalilimutan kung…
Read MoreMAY AASAHAN PA BA TAYONG BABA-PRESYO NG MGA BILIHIN?
PUNA ni JOEL O. AMONGO TATLONG buwan na lang mula ngayong Mayo bago sumapit ang ‘ber months’ ngunit hindi pa rin bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Pagkatapos ng Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto ay papasok na ang unang buwan ng ber months na Setyembre 2024, ngunit tila malabo nang makatikim ang mga Pilipino ng kaginhawaan sa murang presyo ng mga bilihin. Hindi pa man nakahihinga ang mamamayan sa sobrang mahal ng presyo ng pangunahing mga bilihin, tila ang kanilang aasahan ay mas mataas pa na presyo ng mga bilihin…
Read MoreMAG-INGAT SA SCAMMERS
At Your Service Ni Ka Francis PAGDATING ng gadgets sa Pilipinas na may kasamang internet, kasabay nito ang kaliwa’t kanang pagkalat ng scams o scammers. Iba’t ibang klaseng scam na ang ginagawa at tinawag na scammers ang nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Tulad halimbawa ang scammers na nagpapanggap na mga empleyado sila ng Bureau of Customs, na gagamit ng pangalan na nakabase sa opisinang ito. Gamit ang kanilang cellphone at laptop, maghahanap sila ng kanilang mabibiktima at magpapakilala na isa siyang empleyado ng Customs at sasabihin sa kanyang kausap na may…
Read MoreBE WAIS AT MAGDUDA PARA HINDI MALOKO ONLINE
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI na bago sa atin ang mga balita tungkol sa mga nabibiktima ng pandaraya at scam, lalo na’t gamit na gamit natin ang online channels sa komunikasyon at pang-araw-araw na transaksyon. Dahil sa vulnerability sa mga panloloko, mahalaga ang mga programa kagaya ng kalulunsad lamang na “Be Wais at Magduda” na kampanyang naglalayong protektahan ang mga Pilipino laban sa mapanlinlang na mga gawain online. Ayon sa 2023 Asian Scam Report, nanguna ang Pilipinas sa bilang ng mga nabibiktima ng scam sa buong rehiyon na may…
Read MorePATUTSADA NI ABANTE SA BI, SABLAY
BISTADOR ni RUDY SIM SA kabila ng mainit na usapin patungkol sa sitwasyon ngayon ng mga dayuhang Chinese sa bansa partikular ang pagsilip ng administrasyong Marcos sa paghigpit sa pagpasok at pagbibigay ng resident at student visa sa mga ito ng Bureau of Immigration (BI), ay ilan namang pulitiko ang nakikisawsaw sa isyu. Nanawagan itong si Manila 6th District Representative Benny Abante sa kanyang privilege speech sa plenary hall ng mababang kapulungan ng Kongreso, na imbestigahan daw itong hepe ng Immigration Regulations Division na si Rogelio Gevero Jr. na siyang…
Read MorePEATC HEAD ESTEBAN IPINAGTANGGOL NG PRA CHIEF
TARGET NI KA REX CAYANONG SA harap ng mga alegasyon at kasong isinampa laban kay Dioscoro Esteban Jr., officer-in-charge ng Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC), mariing ipinagtanggol ito ng Philippine Reclamation Authority (PRA) chairman na si Alexander T. Lopez. Naniniwala si Lopez na ang mga hakbang ni Esteban ay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino, lalo na sa usapin ng pamamahala at operasyon ng Cavitex. Ang pangunahing isyu na kinahaharap ni Esteban ay ang kanyang paghahain ng Petition for Mandamus sa Korte Suprema upang mabawi ng PEATC ang pamamahala at…
Read More