KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI NAGULANTANG ang buong bansa sa dalawang malaking pangyayari sa Senado nitong nakaraang Lunes. Ang isa ay itinuturing kong komedya ng mga payaso at ang pangalawa naman ay isang makabuluhang pagbabago. Bakit hindi ko babansagang komedya? Sa naganap na hearing noong umaga ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senador Rodante Marcoleta, dumalo ang mag-asawang Pacifico “Curlee” Discaya II and Cezarah “Sarah” Discaya, ang kontrobersyal na kontratista na nakakopo ng multi-bilyong pisong proyekto sa DPWH partikular sa mga flood control. Sa siyam na…
Read MoreCategory: OPINYON
Sama-samang pagtulong para sa bayan, itinataguyod ng PCSO
TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang papel ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ang nalalapit na Charity Summit 2025 na gaganapin sa Manila Hotel ay hindi lamang pagtitipon ng mga opisyal at institusyon, kundi isang malinaw na pahayag na mas malayo ang mararating ng pagtutulungan kaysa nag-iisang pagkilos. Ang tema ng summit na “Serving More Through Greater Collaboration” ay akmang-akma sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Sa harap ng iba’t ibang suliranin—mula kalusugan, edukasyon, at sakuna—hindi sapat…
Read MoreHUWAG NATING TANTANAN
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI natin dapat tantanan ang isyu sa katiwalian sa flood control projects na nagpayaman, hindi lamang sa mga kontraktor kundi maging sa mga corrupt official ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kailangang tiyakin natin na may mananagot, may makukulong at may mababawian ng yaman na mga sangkot sa anomalyang ito at nagpakasasa sa P450 billion flood control projects, hindi lamang ngayong administrasyon kundi maging sa nakaraang administrasyon. Eto na lamang ang paraan para makamit natin ang katarungan dahil hindi tayo China, hindi tayo Singapore,…
Read MoreHINDI LAHAT TRAPO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahong ang pulitika sa Pilipinas ay mistulang walang katapusang ingay — siraan dito, intriga doon — madali nang mawalan ng pag-asa. Ngunit sa gitna ng magulong entablado, may dalawang pangalan na nangingibabaw hindi dahil sa kontrobersiya, kundi dahil sa kanilang trabaho: DBM Secretary Amenah Pangandaman at DPWH Secretary Vince Dizon. Si Pangandaman, maituturing na bagong bantay ng kaban ng bayan. Taon-taon, ang pambansang budget ay tila laruan ng mga makapangyarihan: biglaang insert, misteryosong dagdag, at kung anu-anong palusot. Para tayong nanonood ng palabas sa perya…
Read MoreMAG-ASAWANG CURLEE AT SARAH DISCAYA KUMANTA NA!
PUNA ni JOEL O. AMONGO IKINANTA na ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado kahapon, kung sinong mga opisyal ng Department of Public and Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas ang nanghihingi sa kanila ng komisyon sa kanilang mga kontrata sa gobyerno. Kabilang sa mga nanghihingi umano ng 10 hanggang 25 porsyento sa kanilang mga nakuhang kontrata sa flood control projects sa iba’t ibang lugar ay sina Pasig City Cong. Roman Romulo; Cong. Jojo Ang ng USWAG Ilongo Party-list; Cong. Michael Patrick…
Read MoreENGR. ALCANTARA ET AL PASOK SA ADMINISTRATIVE CASE
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SINABI ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na pasok sa kasong administratibo si DPWH Engineer Henry Alcantara sa nangyaring maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Si Engr. Alcantara ay dating District Engineer (DE) ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, na nadawit sa nasabing maanomalyang proyekto sa lalawigan ng Bulacan. Binigyang-diin ng bagong talagang kalihim ng DPWH sa kanyang pitong pahinang desisyon, na napatunayang may pananagutan si Engr. Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to…
Read MorePANANAGUTAN
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MUKHANG bagong normal na itong nararanasan natin na kapag umulan nang malakas, siguradong magkakaroon ng matinding pagbaha. At kung dati, hindi naman basta-basta binabaha kung kaunti o sandali lamang ang ulan, parang ngayon hindi na konsiderasyon ito. Kaya siguro mas matindi ang pagkadismaya ng marami sa patuloy pa rin na usapin tungkol sa mga kinurakot na flood control projects. Ang nagakagalit kasi, may solusyon naman sana ang problema. Hindi naman kulang ang pondo dahil bilyun-bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sa mga proyektong pinakikinabangan natin…
Read More‘WAG MAKUHA SA SORRY NG MGA SABLAY SA GOBYERNO
Clickbait ni Jo Barlizo PINAKAMAHIRAP na kataga ang sorry. ‘Di nga? Sa tipikal na takbo ng buhay, madalas marinig ang paghingi ng paumanhin, ng pasensya o tawad sa nagawang kasalanan, pagkakamali, pananakit sa anyong pisikal, emosyonal at tabas ng dila. Pero, ginagasgas na ata ang katagang ito, at ginagawang dahilan upang makaiwas pa sa gusot at pagiging tampulan ng mainit na parunggit. Teka, sumasakay rin sa sorry ang mga politiko at mambabatas. Kasi ba naman, magbibintang, gagawa ng hindi tama pero kakambyo ng sorry kapag ang kaepalan ay nag-brouhaha. Tama…
Read MoreTOP JOBY AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN
SA gitna ng patuloy na pakikibaka ng mga overseas Filipino worker (OFW) para sa mas maayos na kinabukasan, isang bagong kaso ng pang-aabuso at kapabayaan ang muling umalingawngaw. Kinilala ang OFW na si Anna Rose Diaz, 33-taong gulang, tubong Sta. Maria, Bulacan, at kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia bilang isang domestic worker. Dumating siya sa Saudi noong Agosto 8, 2025 sa pamamagitan ng lokal na ahensyang Top Joby Agency Inc. at foreign agency na Worldwide Agency. Ngunit sa halip na makahanap ng maayos na hanapbuhay, isang bangungot ang kanyang naranasan.…
Read More