LIFESTYLE CHECK KAY BI COMM. JAIME MORENTE

MARAMING beses nang mali ang mga impormasyon at pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iwinawasto ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na ng kanyang tagapagsalita na si Secretary Harry Roque Jr. Kaya, hindi na ako nagulat nang iwasto ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Duterte hinggil sa maling impormasyon nito sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI). Isa sa mga ibinida ni Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ay ang pagkakasibak daw ng 43 kawani ng BI. May kinalaman sa kampanya ni Duterte laban sa…

Read More

2021 PH Tokyo Olympic delegation, pinakamatagumpay

NOONG Sabado, walong araw bago ibaba ang telon ng XXXII Games of the Olympiad sa Tokyo, nalampasan na ng pambansang delegasyon ang 89 taong historic medal win noong 1932. Ang 64 na bilang ng atleta at 25 opisyal na nagdala ng ating bandila sa Xth Summer Games ay nakapag-uwi ng tatlong medalyang tanso (bronze) kung kaya’t kinilala silang pinakamatagumpay sa tuwing ika-apat na taong paligsahan, simula nang sumali ang Pilipinas noong 1924 sa Paris. Maganda ang simula ng 19 atletang Pinoy sa Tokyo Games nang mapanalunan ni weightlifter Hidilyn Diaz…

Read More

MALING IMPORMASYON NAKARATING SA PANGULO

PINANINIWALAANG hindi nabigyan ng tamang impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kaso ng ilang immigration officials patungkol sa “Pastillas scheme”. Nauna nang ipinahayag ng pangulo na ang mga nasabing opisyal ay nasibak sa serbisyo matapos ang 6-month preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman (OMB) na ngayon ay nakabalik sa serbisyo habang patuloy ang pagdinig sa kanilang kaso. Kaugnay nito, pinupuri natin sina Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara at Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval sa pagtutuwid sa sinabi ng pangulo na ang mga…

Read More

KAPE AT TINAPAY ANG PAGKAIN ARAW-ARAW

ISANG sumbong ang ipinarating sa AKOOFW ni Marilyn Cabantugan na nagtatrabaho sa Abdul Azis Ibn Ray, Riyadh, Saudi Arabia. Sabi ni Marilyn, nakarating siya sa Saudi, sa pamamagitan ng I-Excell Manpower Corporation. Tapos na ang 2-taong kontrata ni Marilyn noong Mayo 15 ng taong kasalukuyan. Ngunit, hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang payagan ng kanyang amo na makauwi sa Pilipinas. Sabi ni Marilyn, “nu’ng 6 months pa lang po ako rito ay pinagbintangan na po nila akong kumuha ng pera. Pinapulis po ako, kaya ako natakot, kaya humingi po…

Read More

PILIPINAS NAGPAKITANG GILAS SA 2020 TOKYO OLYMPICS

GUMAWA ng kasaysayan ang mga atletang Filipino na kumatawan sa bansa sa 2020 Tokyo Olympics. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapag-uwi ang bansa ng gintong medalya dala ng weightlifter at two-time Olympic medalist na si Hidilyn Diaz. Ito rin ang unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon na muling makapag-uuwi ng higit isang medalya ang bansa dahil sa kahusayang ipinamalas ni Pinay Boxer Nesthy Petecio na lalaban para masungkit ang ikalawang ginto ng Pilipinas. Tinalo ni Diaz ang walong weightlifter sa Women’s 55-kg category, kabilang ang world record holder na si Liao…

Read More

WALANG DELTA VARIANT SA CHINA? IMPOSIBLE!

HINDI maarok ng aking isip na walang Delta Variant sa China kung saan nagmula ang coronavirus disease – 2019 o COVID – 19. Ano sila, tanging bansa at lahi na pinagpala sa buong mundo? Nagsimula ang Delta Variant sa India na katabi lang ng China. Kumalat na rin ang Delta Variant sa iba’t ibang panig ng mundo at ito ang variant na kinatatakutan ng lahat dahil wala raw itong sintomas at mas delikado kaysa sa unang virus na unang kumalat sa Wuhan, China. Sa ating bansa, marami na ang nagkaroon…

Read More

REP. GUICO BINANATAN SI BG LAMBINO

INANUNSIYO kamakailan nina Representative Ramon Guico III at Bise – Gobernador Mark Lambino na tatakbo silang gobernador at bise – gobernador ng Pangasinan. Tinawag na AGUILA ang kanilang tambalan na ang kahulugan ay “Alyansa nina Guico at Lambino”. Pokaragat na ‘yan! Si Guico ay ang kinatawan ng ikalimang distrito ng Pangasinan, samantalang kasalukuyang bise-gobernador naman si Lambino. Nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang kandidatura, malinaw ang sinabi ni Guico na tatakbo siyang gobernador dahil kailangang magkaroon ng totoong pagbabago at pag-angat ang lalawigan. Idiniin niya na ang Pangasinan ay nagpag-iiwanan…

Read More

Hidilyn may misyon pa sa 2024 Paris Games

ANG gintong medalyang handog ni Hidilyn Diaz sa bansa at sa kanyang mga kababayan ay pinuhunanan niya ng ‘di mapapantayang mahigit isang dekadang tiyaga, tatag ng loob, tibay ng pag-iisip, determinasyon, dedikasyon at marubdob na paniniwala sa Panginoon. Nagsimula ito noong 2008 sa Beijing Games sa edad na 17, at sa sumunod na apat na taon sa London. Sa dalawang pagkakataong nabanggit, kinatawan niya ang bansa bilang wild card entry sa Olympics. Walang nangyari sa kanyang kambal na partisipasyon sa Beijing at London. Ang mas masaklap, nawalan pa siya ng…

Read More

DUTERTE NADUTERTE SA BI?

NABANGGIT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ng ­pagpapatawag nito sa immigration officials sa Palasyo noong nakaraang taon na nasangkot sa pastillas scheme. Matatandaang naging kontrobersyal ang isyu ng pastillas na nagdiin sa immigration officials upang sila’y makasuhan at naharap sa 6-month preventive suspension. Pero, ano nga ba ang tunay na layunin ng mga lumutang na whistleblower at ng mga pulitikong nakisawsaw sa isyu? Ito ba ay para sa bayan, o kagagawan ng malaking sindikato upang mahawakan ang iligal na gawain sa airport?…

Read More