OFW NABIKTIMA NG ‘TICKET SCAM’ NI CLARRISE GUZMAN?

ISANG OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Dammam, Saudi Arabia ang dumulog sa aming ­programa sa DWDD na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran (UP UP Pilipinas) nitong Miyerkules kung saan isinumbong ang panloloko umano ng isang nagpakilalang travel agent na si ­”Clarrise Guzman”. Ayon kay Jocelyn Bahigting, pinayagan siya ng kanyang employer na makauwi sa Pilipinas dahil sa kanyang karamdaman. Ngunit, ang tagubilin ng kanyang employer ay papayagan lamang ito kung makabibili ng murang tiket ng eroplano. Dahil sa kanyang kagustuhang makauwi agad sa Pilipinas, naghanap siya sa social media ng…

Read More

ALTERNATIBO BA ANG TAMBALANG LACSON-SOTTO?!

NAPAKATINDI ng baha sa maraming bahagi ng Metro Manila nitong Hulyo 21, tapos inanunsiyong siguradong tatakbo sina Senador Panfilo Lacson sa pagkapangulo at Senate President Vicente Sotto III sa pagkabise – presidente. Walang problema riyan. Tapos, inihayag din ni Sotto ang kanilang sampung kandidato sa pagiging senador. Hindi problema ‘yan. Ang problema ay ang iwinasiwas ni Sotto na “alternatibo” ang tambalang Lacson-Sotto. Pokaragat na ‘yan! Kailan naging alternatibo kung ang mga kakandidato sa pagiging pangulo at pagiging pangalawang pangulo ay parehong beteranong politiko at ang mga patatakbuhing mga senador ay…

Read More

SAP FUND SA CALOOCAN IBIBIGAY NA

BIGLANG nag-anunsyo sa kanyang social media account si Caloocan City Oscar “Oca” Malapitan na mayroong Social Amelioration Program (SAP) pay-out sa lungsod. Hulyo 16 nang ilabas ng ­alkalde na may manual pay-out mula sa lumabas na listahan ng mga pangalan na ­makatatanggap ng SAP second-month at waitlisted beneficiaries ng lungsod. Ayon pa kay Malapitan, ang listahan ay ibinaba sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay mula sa mga nakaraang pay-out na unsuccessful at unclaimed ng GCash at Starpay. Nakapaloob pa sa anunsyo ni Malapitan na…

Read More

‘DI BA TALAGA KAYA ANG OIL COMPANIES?

ISA sa mga negosyo na hindi apektado sa panahon ng pandemya ay ang mga kumpanya ng langis dahil kahit lugmok ang mga tao dahil nawalan, kundi man mababawasan ang kanilang income, tuluy-tuloy ang kanilang lingguhang oil price increase. Laging sinasabi ng mga oil company na nalulugi sila, pero ‘yung sinasabi nilang lugi ay ‘yung target na income na hindi nila nakuha dahil nalimitahan ang paggamit ng mga tao ng krudo dahil sa pagtigil ng ilang negosyo. Katunayan, ang Petron ay nagdeklara ng P1.73 ­bilyong profit sa unang tatlong buwan ng…

Read More

‘COSA’ KOLEKTOR SA IMMIGRATION

NAPAKAPALAD naman ng isang nilalang na matatagpuan sa Bureau of Immigration (BI) dahil kundi papel ang hawak nito, pera. Akala mo tuloy kubrador sa jueteng ang taong ito na tawagin nating “Cosa”. Pero, hindi siya kubrador ng jueteng, o anumang ilegal na sugal dahil bawal ito sa BI. Ayon sa tao na masasabi nating kabisado ang BI, si alyas Cosa ay kolektor daw sa BI. Pokaragat na ‘yan! Ang kinokolekta ng nasabing Cosa ay pera mula sa ilang nagtatrabaho sa BI. At ipinapadala raw ang kanyang nakukolekta sa kanyang ‘amo’…

Read More

PONDO NG HEALTHCARE SA QUEZON, TINAPYASAN?

LUMABAS na rin ang katotohanan na kaya pala malala ang sitwasyon ng healthcare sa North ­Quezon, lalo na sa munisipalidad ng Panukulan Quezon dahil sa diumano’y binawasan ang pondo ng healthcare ng lalawigan. Lumalabas sa deliberasyon ng 2021 badyet ng ­Quezon, natuklasan ni Bokal Sonny Ubana, majority floor leader at pito pang board members ng Sangguniang Panlalawigan na diumano’y tinapyasan ni Quezon Governor Danny Suarez ang pondo para sa mga hospital ng ­mahigit 20 porsiyento. Kailangan yata ng ­paliwanag dito ng ama ng Quezon kung bakit binawasan pa ang pondo…

Read More

OFW NA LIMANG BUWAN NANG MINAMALTRATO

NAGPARATING ng sumbong hinggil sa pagmamaltrato si Michelle Viola na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, sa pamamagitan ng kanyang pamilya. Ayon kay Michelle, nakarating siya sa Saudi Arabia noong Enero 22 ng taong kasalukuyan, sa pamamagitan ng Ozims Manpower Agency. Isinumbong ni Michelle ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang amo na halos ­parang kalabaw na siyang ituring dahil hindi man lang daw siya binibigyan ng pagkakataon na makapag-pahinga. Hindi rin diumano naibibigay sa kanya ang kanyang buwanang sahod. Ngunit, ang mas labis na ikinasasama ng kanyang kalooban ay ang pananakit…

Read More

P160-B AYUDA SA HALALAN

NAPAKARAMI pang pera ang administrasyong Duterte hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, mayroon pang P160 bilyon ang pamahalaan para sa 2020, ngunit hindi pa inilalabas ng Department of Budget and Management (DBM). Sabi ni DBM Secretary Wendel Avisado, “for later release” (FLR) ang kategorya ng P160 bilyon. Idiniin ni Avisado na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte ang mayroong kapangyarihan na magpalabas sa DBM ng P160 bilyon. Aniya, inaantay niya ang utos ni Duterte na ilabas ng DBM ang nasabing multi-bilyong pera ng pamahalaan. Ibinatay ni Avisado ang kanyang paliwanag sa prosesong itinakda…

Read More

TWO-PARTY SYSTEM AYAW NG MGA POLITIKO

KAHIT itanggi ng mga politiko, ayaw nilang bumalik sa two-party system dahil napakaraming pagtatangka na ang ginawa ng iilang mambabatas na ibalik sa dating sistema ng pulitika sa bansa, pero nahihimbing sa archieve ng Kongreso. Mula nang mawala si dating Pangulong Ferdinand Marcos, naging multi-party na ang sistema ng pulitika sa bansa. Kanya-kanyang tayo ng partido ang mga politiko, kaya isa tayo sa mga bansa sa mundo na napakaraming partido. Noong panahon ng mga tatay at lolo natin, dalawa lang ang political party sa Pilipinas… ang Nacionalista at Liberal, pero…

Read More