PIHADONG masayang-masaya ang pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica dahil isa siya sa mga nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng tumakbong senador sa tiket ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban). Siyempre, malaki ang bentahe kapag tumakbong senador sa tiket ng administrasyon dahil posibleng manalo kahit tablado at kinamumuhian ng mamamayan ang kandidato. Hindi ba’t mayroong mga nanalo noong halalang 2019 na kakampi ng administrasyong Duterte kahit hindi karapat-dapat na maging senador? Pokaragat na ‘yan! Kasama na sa PACC si Belgica…
Read MoreCategory: OPINYON
Unang Olympic silver medal nakamit ng Pilipinas sa Tokyo
TAONG 1964 unang dumating sa Asya ang Olimpiyada. Oktubre 10-24 nang taong iyon idinaos ang ika-15 Olimpiyada sa Tokyo. Kasama ang Pilipinas sa 93 bansang nagpadala ng kabuuang 5,151 atleta. Animnapu’t apat (64) na atleta, kabilang ang flag bearer na si Winefredo Alipala, ang nagmartsa sa harap ni Emperador Hirohito at lumahok sa 163 event sa 19 sports na pinaglabanan. Sa Tokyo unang nakilala ang boksingerong Amerikano na si Joe Frazier, na naging kampeon sa heavyweight nang maiuwi ang gintong medalya. Sa Tokyo rin nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang medalyang…
Read MoreOFW NG NEW FRONTIER RESOURCES, NAGING ALIPIN SA SAUDI
NAKATANGGAP na naman ako ng reklamo ng OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Sa kanyang sulat, ikinuwento ni Pahmia Bukol ang matinding paghihirap na kanyang dinaranas mula sa kanyang among babae. Literal na pang-aalipin ang ginagawa sa kanya ng kanyang amo dahil maging ang kanyang pagkain ay ipinagdaramot sa kanya. Si Pahmia ay dumating sa Khamis Mushait, Abha, Saudi Arabia noong Pebrero 12 ng taong kasalukuyan, sa pamamagitan ng New Frontier Resources, Inc. Ayon kay Pahmia: “Noong una maayos pa sila makisama, pero noong umabot na ako ng 2 months…
Read MoreKOTONGERO NG DAYUHAN SA AIRPORT SAMPAL SA SONA NI DUTERTE
TILA sampal sa huling State of the Nation Address, o SONA, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananatili ng isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na garapalang kinokotongan ang mga Chinese national na hinaharang ang pagpasok sa bansa ng mga immigration officers. Ayon sa ating nakalap na impormasyon, si alyas “GL” na isang immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) sa NAIA – Terminal 3 ay inilipat lang sa Terminal 1, imbes na ito ay tanggalin sa airport upang maiwasan na…
Read MoreLOKAL NA TRANSMISYON NG DELTA VARIANT, NAGSIMULA NA
KASUNOD ng balita ukol sa pagkakaroon ng lokal na kaso ng Delta Variant ng COVID -19 sa bansa noong nakaraang linggo, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang lokal na transmisyon nito noong ika-22 ng Hulyo. Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing na hindi raw mapipigilan ang pagpasok ng Delta Variant sa bansa. Ang ipinatupad na travel ban ng Pilipinas sa mga bansang may naitalang mataas na kaso ng Delta Variant ay hakbang lamang upang mabigyan ng karagdagang panahon ang pamahalaan upang mapaghandaan ang…
Read MoreKULANG ANG SUPPLY NG BAKUNA
NAWALA na ang pag-aalinlangan ng mga tao sa bakuna kung ang pila sa mga vaccination center ang pagbabasehan na kahit nakalusong sila sa baha ay hindi sila umaalis sa pila. Hindi lang sa Metro Manila mahaba ang pila sa vaccination centers, kundi sa mga probinsya, pero hindi lang naiuulat sa media dahil malayo sila sa kabihasnan at hindi sila natututukan. Indikasyon ito na payag na ang mga tao na mabakunahan dahil lumalala ang kanilang anxiety sa COVID – 19 na nagsimula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo dahil…
Read MoreTAMANG GIBAIN ANG MGA GUARD HOUSE SA PRIVATE SUBDIVISIONS SA QC
NAGTAPOS na rin ang matagal nang modus na paniningil ng bayad sa mga motoristang dumadaan sa mga gate ng mga pribadong subdibisyon sa Quezon City makaraang ipag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang paggiba sa mga ito. Sinimulan noong nakaraang linggo ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga guard house sa mga pribadong subdivision na sakop ng Brgy. San Bartolome sa Novaliches, Quezon City. Ito ay ang mga California Village, Kingspoint Subdivision, Goodwill Subdivision at Sierra Vista Subdivision kung saan ang mga guard house nito…
Read MoreBakit mananalo si Pacquiao kay Spence?
WALANG dudang mas bata ng 11 taon ang Amerikanong may-ari ng WBC at IBF welterweight belts na si Errol Spence Jr. kaysa kay eight-division champ Manny Pacquiao. Ito ang dahilan kaya marami ang nagsasabing mapapaganda pa ni Spence ang 27-0 rekord niya. Ngunit hindi rin maikakaila na mas malawak ang karanasan sa ring ng fighting senator at ama ng limang anak niya kay dating Bise Gobernador Jinkee Pacquiao. Ang wala pang talong Amerikano ay may 21 KOs sa 27 laban, habang si Manny ay may rekord na 71-ring fight sa…
Read MorePONDO NG SENATORIABLE KATAS NG KOTONG NI MACHO CHIQUITO?
ISANG ambisyosong opisyal ng pamahalaan na pinuno ng isang anti-corruption kuno ang napabalitang posibleng kasama sa listahan ng mga tatakbong senador sa darating na halalan na, ayon sa bulung-bulungan, ay suportado ito ng isang tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si alyas “Macho Chiquito”. Ayon sa nakalap nating impormasyon, kaya nananatili sa puwesto si Macho Chiquito ay dahil sa suporta sa kanya ng opisyal ng Malacañang na kasama sa listahan ng senatorial line-up bukod pa sa isang congressman sa Lungsod ng Maynila. Hindi maiwasan na isipin ng mga…
Read More