RADIO PROGRAM NI ‘BOY UMBAG’, ‘DI PATOK

SI Ces Drilon ang isa sa mga broadcaster na nawalan ng magandang trabaho nang hindi na bigyan ng Kamara de Representantes ng bagong 25-taong prangkisa ang ABS – CBN Corporation noong 2020. Mahal ni Ces ang pagiging broadcaster, kaya nagpatuloy siya. Nagkaroon ng panibagong raket si Ces kung saan kasama niya si Ang Probinsiyano party-list Rep. Alfred delos Santos. Pokaragat na ‘yan! Kilala ng ­napakaraming tao si Ces dahil sikat na broadcaster ito. Ngunit, hindi natin kilala si Delos Santos kahit mambabatas ang taong ito dahil hindi naman kasing sipag…

Read More

OFW NAGSUMBONG NG RAPE PARA MAKAUWI SA PILIPINAS

SUNUD-SUNOD na sumbong mula sa mga OFW ang ating natanggap nitong linggo. Kabilang dito ang sumbong na ipinarating ni Norhata Bidul, sa pamamagitan ng ­volunteer advocate na si Zean. Ayon kay Norhata, duma-ting siya sa Riyadh, Saudi Arabia upang magtrabaho bilang kasambahay. Hindi siya naging mapalad sa kanyang una at ikalawang amo, kaya siya ay inilipat sa ikatlong employer. Halos wala siyang natanggap na suweldo mula sa kanyang mga naging amo. Sa unang amo, tatlong buwan siyang hindi pinasuwedo, samantalang sa ikalawang amo ay siyam na buwang hindi siya sumahod.…

Read More

P11-M SUHOL SA 28 CHINESE?

TINATAYANG humigit 11 ­milyong piso ang kinita umano ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na responsable sa pagbawi sa “exclusion” ng 28 Chinese nationals na hinarang kamakailan sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa ating source, patago umano ang ginawang “Recall of Exclusion Order” upang payagan ang 28 Chinese na makapasok sa bansa matapos silang harangin sa airport ng immigration officers dahil sa kakulangan ng travel documents. Isang maimpluwensyang Chinese handler umano na si alyas “Charlie” ang lumakad ng papeles ng mga ito…

Read More

PAGHAHANDA KONTRA DELTA VARIANT NG COVID-19

MAHABA na ang pinag-daanan ng bansa sa laban kontra COVID-19 matapos nitong sakupin ang mundo noong Marso 2020. Bagamat may bahagyang pagbaba sa bilang ng dumadagdag na mga positibong kaso kada araw, nananatiling matindi ang laban kontra sa naturang virus. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), nitong ika-17 ng Hulyo ay umabot na sa 1,502,359 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabuuang bilang na ito, nasa 47,257, o 3.1%, ang naitalang aktibong kaso. Ang pagbuti ng ating sitwasyon ay hindi nangangahulugang maaari na tayong…

Read More

BORDER CONTROL SA MINDANAO HIGPITAN

HIGPITAN ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng border control sa Tawi-tawi at Gen. Santos City sa Mindanao para hindi makapasok sa bansa ang mga taong posibleng tinamaan ng “Delta ­variant” ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Ang mga lugar na ito ay malapit sa Indonesia at makararating na sa bansang ito, sa pamamagitan lamang ng bangkang de motor. Batay sa report, ang Indonesia ngayon ang ­matinding tinamaan ng Delta variant. Sa natanggap ng PUNA na impormasyon, nasa 40,000 kada araw ang nagkakaroon ng COVID – 19 sa nasabing…

Read More

ANTI-DYNASTY LAW MALABO

HINDI na ako umaasa na magkakaroon ng batas na nagbabawal sa dinastiya sa larangan ng pulitika sa ating bansa kung ipapaubaya ang paggawa nito sa mga mambabatas. Pero, sinisisi ko ang Constitutional framers, o ang mga gumawa ng 1987 Constitution, kung bakit hindi pa kasi nila siniguro nang isulat nila ang konstitusyon na bawal ang pami-pamilya na nagpapalitan lang ng puwesto. Nakasaad sa Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law”. Nangangahulugang kailangang…

Read More

Laban pa rin si EJ kahit ‘di na flag bearer

MALIBAN sa katawanin ang kani-kanilang bansa sa sports na kanilang lalahukan, ang isang Olympian ay may dagdag na responsibilidad sa pagdadala ng bandila sa tuwing ika-apat na taong palaro sa pagitan ng mga pinaka-mahuhusay na atleta sa 102 miyembro ng International Olympic Committee (IOC). Ang isang atleta ay maaaring maatasang lumahok sa mga palabas na regular na idinaraos upang ipakilala sa buong mundo ang mayamang kultura ng kanyang bansa, gaya ng pagsasayaw at pag-awit sa saliw ng katutubong musika at iba pang pagkakakilanlan ng bansang kanyang kinakatawan. Isa pang karagdagang…

Read More

ANG LIHIM NI MACHO CHIQUITO SA LOOB NG APARADOR

HINDI lamang pala sa pangongotong sa mga travel agency magaling itong isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si alyas “Macho Chiquito” kung saan ay malakas ang bulung-bulungan na mayroon itong nakatagong lihim sa kanyang aparador. Kung niyanig ng malakas na lindol ang ahensya sa pambibisto natin sa kabila ng laki ng katawan ni Macho Chiquito at sa sukat ng underwear nito na extra small na isiniwalat ng kanyang senior citizen na jowa na si “Mama L” ay mas lalong magugulantang malamang ang karamihan kapag nalaman nila na ang…

Read More

PANAGHOY NG INA SA ANAK NA NAKAKULONG SA SAUDI

ISANG tawag sa telepono ang aking natanggap mula sa nanay ng isang kabayani sa Riyadh, Saudi Arabia. Hindi mapigil ni nanay Regina ang mapahagulgol nang husto para matulungan ang kanyang anak na si Frederica Darjuan. Si Frederica ay namasukan bilang caregiver sa Saudi Arabia. Ayon kay nanay Regina, mahigit dalawang taon nang nakakulong ang kanyang anak sa Malaz Deportation Jail. Hindi niya batid ang tunay na dahilan ng pagkakakulong ng kanyang anak. Labis–labis ang pag-aalala niya sa kanyang anak dahil iniinda niya ang karamdaman ng anak. Mayroong nakitang pitong malaking…

Read More