KARAMIHAN pa rin sa mga lugar sa Pilipinas ay walang asenso, lalo na sa mga bayan-bayan, dahil hindi makapasok ang mga negosyante na gustong mamuhunan sa mga ganitong lugar. Bakit ito nangyayari? Dahil sa kagahaman ng mga pulitiko at ng kanilang pamilya na namumuno sa isang munisipalidad. Hindi naman siguro lahat, pero marami sa local executives sa mga lugar na ito ang gahaman. Magmasid kayo sa inyong bayan at magtanong kung sino ang may-ari ng mga malalaking negosyo at tiyak na sasabihin sa inyo na pag-aari ni mayor ‘yan, o…
Read MoreCategory: OPINYON
MASAHOL ANG DROGA AT ILEGAL NA SUGAL SA CALABARZON
LUMANG balita na ang talamak ang ilegal na droga at ang ilegal na sugal sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Ito’y dahil matagal nang nangyayari ito sa Calabarzon. Kumikilos naman ang yunit ng Philippine National Police (PNP) sa rehiyon hanggang kasalukuyan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang bagong balita ay ang madalas na naibabalita sa mga pahayagang tabloid, kasama na ang SAKSI Ngayon, na panay huli lang ng PNP sa Cavite sa ilegal na droga. Nakakahuli ng mga taong sangkot sa droga ang mga tauhan ng…
Read MoreDRAMA LANG!!!
POSIBLE kayang palabas lang nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) at Senador Manny Pacquiao ang diumano’y hidwaan sa pagitan nilang dalawa? Kung inyong matatandaan noong inuudyukan para tumakbo noon bilang pangulo ng bansa si PRRD ay palagi niyang sinasabi na hindi siya kakandidato, pero noong last hour, o huling sandali, ay bigla niyang tinanggap ang hamon para tumakbo bilang pangulo ng bansa. ‘Yang kanyang patutsada kay Senador Pacman ay hindi kaya drama na naman para sa kanyang pagtakbo bilang vice president sa 2022 national at local elections? At huwag na…
Read MoreIBIG NANG MAKABALIK NI KABAYANI HANNA SA PILIPINAS
IPINARATING sa akin ng aking kaibigang volunteer advocate na si Marilou Cabotage ang pakiusap at sumbong ng isang Hanna Grace Mendoza. Si Hanna ay OFW na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia mula noong Hunyo 28, 2019, sa pamamagitan ng Jobstar International Manpower. Natapos niya ang dalawang taong kontrata, kaya inaasahan niya na makauuwi na siya sa Pilipinas upang kanyang maalagaan ang kanyang mga anak. Ang kasalukuyang nag-aalaga sa mga anak niya ay ang kanyang ama na na-diagnose mula sa sakit na tuberculosis. Ngunit, kahit na tapos na ang kanyang kontrata…
Read MoreTALO ANG MGA DUMAGAT SA DENR – BLUE STAR MOA
MATAGAL nang nanini-rahan ang mga Dumagat sa Lungsod ng Antipolo hanggang bayan ng Baras sa Rizal dahil pag-aari nila ang lupaing kanilang tinitirahan. Ang tawag natin sa lupain ng mga katutubo tulad sa Dumagat ay “ancestral domain”. Huwag tayong magtaka kung igigiit at ipaglalaban ng mga Dumagat ang pamayanang tinitirahan nila sa napakahabang panahon, sapagkat ancestral domain nila ito. Ngunit, tila nawalan ng karapatan at kapangyarihan ang pangkat ng Dumagat sa kanilang lupain. Noong si Regina “Gina” Lopez pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), biglang…
Read MorePUMAPANGIT ANG RECORD NG PINAS
PUMAPANGIT ang record ng Pilipinas na nakakaapekto hindi lang sa imahe ng ating bansa sa international community, kundi maging sa mga foreign investor na hinihikayat nating maglagak ng negosyo rito sa atin. Nitong mga nakaraang linggo, tatlong pangit na record ang inilabas ng mga international organization na hindi ko naman ipinagtaka dahil wala naman talagang ginagawang maayos na solusyon ang mga namumuno sa atin. Una, ang pagkakasama (ulit) ng Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF) sa money laundering at terrorist financing na kinokontra pa, e totoo…
Read MorePNP GINAMIT NG BLUE STAR LABAN SA MGA DUMAGAT
OBLIGADONG kumilos si General Guillermo Lorenzo Eleazar laban sa grupo ng mga pulis ng Rizal na ginamit ng Blue Star Construction and Development Corporation laban sa mga Dumagat na nakabase sa Lungsod ng Antipolo hanggang bayan ng Baras. Ang Dumagat ay mga katutubo na walang dudang kapwa nating mga Filipino. Ang Philippine National Police (PNP) na pinamumunuan ni Eleazar mula noong Mayo ay armadong yunit ng pamahalaan na itinakda ng batas na maglingkod at protektahan ang mamamayang Filipino. Syempre, kabilang ang mga Dumagat at lahat ng mga katutubong Filipino na…
Read MoreStar-studded delegation, ipadadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics
LIMAMPU at pitong taon na ang nakalilipas (1964) nang ang Pilipinas ay unang nagkamit ng medalyang pilak sa Olimpiyada sa kagandahang loob ng boksingerong si Anthony Villanueva, na tinalo ng Rusong si Stanislav Stepaski sa kontrobersiyal na desisyon sa finals ng featherweight division para sa gold medal na ginanap sa tanyag na Korakuen Stadium sa Tokyo. Kauna-unahang pagkakataon na ang pangunahing siyudad ng bansang Hapon ay naging lupong abala sa Olimpiyada na noon ay nasa XVII edisyon. Unang pagkakataon din iyon na ang isang bansang Asyano ay nakapag-host na kada…
Read MoreINILUNSAD NA ANG PROGRAMANG PAGBABAKUNA NG MVP GROUP
NOONG ika-27 ng Hunyo, opisyal nang inilunsad ng MVP Group, sa pamumuno ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan, ang kanilang programang pagpapabakuna para sa mga empleyado nito na may kabuuang bilang na 60,000. Noong Biyernes, ika-2 ng Hulyo ay inilunsad ang programa sa pangangasiwa ng MVP Group Vaccine Task Force. Matapos ang maikling programang idinaos sa Meralco Compound sa Lungsod ng Pasig, namahagi rin ng bakunang gawa ng Moderna sa unang batch ng mga empleyadong miyembro ng MVP Group. Ang Meralco Compound ay isa lamang sa mga lugar…
Read More