MULING PAGBUBUKAS NG LOKAL NA TURISMO SA PILIPINAS

ANG industriya ng turismo ang isa sa mga industriyang pinaka-naapektuhan ng pandemya, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Malaki ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng bansa, kaya naging matindi rin ang epekto ng pagsasara nito sa kalagayan ng ating ekonomiya. Bilyun-bilyong pisong halaga ng potensyal na kita ang nawala sa bansa dahilan na rin sa resulta ng pandemya. Ayon sa datos ng ­Philippine Statistics ­Authority (PSA) nitong Hunyo, ang ­kontribusyon ng turismo sa ekonomiya noong 2020 ang naitalang pinakamababang kontribusyon nito sa loob ng dalawang dekada. Noong…

Read More

11-TAONG NAGDUSA SI OFW PEPITO BAGO MAKAUWI SA PILIPINAS

LABIS-LABIS ang aking kaligayahan nang malaman ko na ilan sa mga OFW na dumulog sa atin ay nakauwi na sa Pilipinas. Kabilang sa kanila si Tatay Pepito Siaton na OFW sa Jeddah, Saudi Arabia. Noong Marso 4 ng taong kasalukuyan, tinalakay ko rito sa aking kolum na may titulong “OFW na Senior Citizen Nanawagan ng Tulong” ang panawagan ni Tatay Pepito. Sa kanyang pagsasalaysay ng kanyang panawagan at paghingi ng tulong, sinabi niya na siya ay nakarating sa Saudi Arabia noong Abril 26, 2007. Ngunit, hindi nagtagal ang kanyang kumpanya…

Read More

PBA 46th Season, simula na sa Biyernes

MATAPOS makakuha  ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang Philippine Basketball Association (PBA) ay magbabalik para ipagdiwang ang ika-46 season nito apat na araw mula ngayon (Biyernes) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Ito ang ikalawang beses na nabigyan ng pahintulot ang PBA na magbukas ng season sa gitna ng COVID-19 pandemic makaraan ang matagumpay na paglulunsad ng liga ng isang conference na bubble tournament sa Clark noong 2020. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, malaking utang na loob ito ng PBA at…

Read More

PNP, LGU AT BRGY SINISI SA RUGBY BOYS SA MALOLOS CITY

HINDI raw dadami ang gumagamit ng rugby, o ‘rugby boys’, sa Barangay Bangkal sa Malolos City sa Bulacan kung hindi nagpabaya ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), local government unit (LGU) at barangay sa lugar na ito. Pumutok ang balitang dumami ang rugby boys sa Brgy. Bangkal nitong mga nakaraang linggo. Makikita sa ilang lansa-ngan ang mga batang may dala-dalang plastic na rugby ang nakalagay na kanilang sinisinghot hanggang maubos. Ang rugby ay isang uri ng chemical na ginagamit pandikit ng sapatos at iba pang bagay na ang…

Read More

KAYA PALA

LALONG isusuka ng sambayanang Filipino ang pag-amyenda sa Saligang-Batas dahil sa rebelasyon ni Speaker Lord Allan Velasco na kung sila ang masusunod ay gusto nilang magkaroon ng ekstensyon ang termino ng kanilang among si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kulang daw ang 6 na taon. Nakapasa na ang economic charter change sa Kamara de Representantes at naghihintay na lamang ang mga kongresista ng aksyon ng Senado para mawala ang mga economic provision na sinasabing hadlang sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas. Pero, tinuran ni Velasco na walang kasiguraduhan na…

Read More

OFWs, ‘DI PINAUUWI DAHIL TAKOT ANG MGA AMO NA MAWALAN NG KAPALIT

DUMULOG sa AKOOFW si Juhardin Sandigan upang manawagan sa gobyerno na siya’y mapauwi na sa Pilipinas mula sa Jordan. Si Juhardin ay ­nakarating sa Amman, Jordan kung saan ipinasok siya ng Yazeed Kokash Manpower bilang domestic helper. Ayon kay Juhardin, gustung-gusto niyang makauwi sa Pilipinas dahil siya ay labis-labis nang nahihirapan. Dagdag ni Juhardin: “Gusto ko na umuwi, pero ang problema ko wala ako pangbili ng ticket. Nakakulong po ako hihingi po ako ng tulong po sa inyo maraming salamat po sa inyo”. Ang sumbong na ito ni Juhardin ay…

Read More

DUTERTE SINISIRA NG TIWALING BI-NAIA OFFICIALS

TILA desperado na ang sindikato ng mga kumag na tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sina alyas “GL” at “Macho ­Chiquito” makaraang pagplanuhan ang Bistador ng isang trap. Noong nakaraang Lunes, nagtungo ako sa National Press Club (NPC) sa Intramuros upang kitain sana ang ating importante, ngunit upang makita natin kung may panganib ay malayo ako sa lugar at nakita ko nga sa tapat ng NPC building na mayroong isang kumag na nagmamasid kung dumating na ako. Hindi alam ni GL na nasa ‘di kalayuan sa kanyang kinatatayuan…

Read More

MATATALO SI LENI, LUMARGA NA SI ISKO

SINAMANTALA nina Bise – Presidente Maria Leonor Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang patutsadahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Emmanuel Pacquiao. Ikinasa ni Robredo ang kanyang programang baksinasyon sa Visayas at ­Mindanao upang makatulong siya sa pagbibigay proteksyon sa mga kababayan natin mula sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Inanunsiyo ni Robredo ang kanyang programa habang hindi pa nababakunahan ang lahat ng residente ng Camarines Sur. Pokaragat na ‘yan! Kung hindi pangangampanya ang tawag diyan, hindi ko alam kung ano ang tamang tawag sa pagkilos ni…

Read More

HERD IMMUNITY MALABONG MAKAMIT SA DISYEMBRE

LAGING ipinagmamalaki ng gobyerno, lalo na ng Department of Health (DOH), na pagdating ng Disyembre 2021 ay magkakaroon na ng herd immunity ang mga Filipino. Tila suntok sa buwan ang statement na ito dahil hanggang ngayon ay wala pa sa 1/4 ng kabuuang populasyon ang nababakunahan. Batay sa data Philippines coronavirus (COVID – 19), ang nagamit pa lang hanggang Hulyo 5 ay 11.4 milyong dosis ng bakuna. Kaya, aabot lamang sa mahigit limang milyong katao ang nabakunahan sa buong bansa. Dalawang beses dapat mabakunahan ang bawat isa, kaya kalahati lang…

Read More