P1-M SUHOL SA BI-NAIA OFFICIALS PARA SA 3 CHINESE NA HINARANG?

MATAPOS ang matapang na pahayag ni Senador Manny Pacquiao na baka mahilo ang pangulo sa dami ng katiwalian sa ­gobyerno ay nakiisa naman ang ilan ­nating mga kababayan upang ipa-rating natin sa senador ang garapalang korapsyon sa Bureau of Immigration (BI) na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noong June 9, tatlong Chinese nationals ang lumapag sa NAIA Terminal 3 flight No. SY8301 na hinarang ng immigration at naisama sa listahan ng excluded passengers na sina Luo Zhiping, Yang Weirin at Zhou Qiang. Sumunod na araw, sumulat ang kanilang…

Read More

ABS – CBN, KIKILOS LABAN KAY SARA

MASASABING matinding pampanguluhang halalan ang magaganap sa susunod na taon dahil pihadong mayroong tutulong sa sinomang kandidatong tatapatan si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio. Kung hindi si Sara D. Carpio, siguradong gagawin pa rin ng makakalabang kandidato ni Pangulong Rorigo Duterte ang lahat ng paraan upang matalo nito ang huli sa eleksyon. Pokaragat na ‘yan! Kahit sino kina Bise – Presidente Maria Leonor Robredo, Mayor Isko Moreno at Senador Emmanuel Pacquiao ay siguradong susuporta ang mga malalaking negosyante upang matiyak ang panalo ng gusto nilang pangulo na ipapalit…

Read More

PAGHAMAK NG EMPLOYER

ISANG uri ng paghamak sa pagkatao, o diskriminasyon, ang ginawa ng employer sa kanyang worker na nagbayad ng P1,056 halaga ng mga barya para sa suweldo ng kanyang manggagawa. Ang tinutukoy po natin ay ang hindi magandang pagtrato ng Nexgreen Enterprises na pag-aari ni Jasper Cheng So sa kanilang manggagawa na si Russel Mañoza. Kamakailan, nag-viral sa social media ang isang post na may manggagawa na pinasahod ng mga ­barya ng ­kumpanyang ­kanyang ­pinaglilingkuran. Tapos na raw kasi ang limang buwang kontrata ni Mañoza sa nasabing ­kumpanya, kaya kailangang bigyan…

Read More

YUMAYAMAN SILA SA PANDEMYA

MALAKI ang dapat ipinagpapasalamat ng mga may-ari ng mga malalaking pharmaceutical company sa China dahil naging multi-billionaire sila (US dollar) sa coronavirus disease – 2019 sa maiksing panahon lang. Mantakin mo, sa loob lamang ng isang taon, nadagdagan ng 9 ang multi-billionaire sa mundo at pawang mga may-ari ng mga pharmaceutical company na gumawa ng COVID – 19 vaccines. Nanguna sa kumita nang husto sa COVID – 19 pandemic ang CEO ng Moderna na si Stéphane Bancel na biglang umabot sa US $4.3 billion ang kanyang net worth sa loob…

Read More

MACHO CHIQUITO NG BI UNTOUCHABLE KAY DUTERTE

MAINIT ngayon ang tila banggaan ng Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao at ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos hamunin ng pangulo si Pacman na maglabas ng katibayan na mayroong katiwalian sa mga ahensya ng administrasyon. Agad namang tinanggap ni Pacquiao ang hamon at sinagot ang paratang ng administrasyon na namumulitika lamang ito at iginiit na walang bahid ng katiwalian ang kanyang pagkatao na dumaan sa hirap at nagtagumpay sa larangan ng boxing na siyang nagbigay karangalan sa ating bansa. Sa aking pananaw, hindi hangad ni Pacquiao na siraan ang…

Read More

INAPING OFW SA SAUDI, MAKAUUWI NA SA PINAS

NOONG Hunyo 28, tinalakay ko rito sa Ako OFW ang ­paghingi ng saklolo ni Lyn Malag na nagtatrabaho sa Najran Saudi Arabia. Sumbong ni Lyn, siya ay ­sobra nang nababahala sa kanyang kaligtasan dahil ilang beses na siyang pinagbantaang papatayin ng kanyang amo. Naranasan din niya sa kanyang amo na hampasin ng kutsilyo at putulan ng buhok gamit ang kutsilyong laging ipinapanakot sa kanya. Nanawagan ang AKOOFW sa ahensyang EJM Global Manpower Corporation at pati na rin sa ahensya sa Saudi Arabia na Kawader Alkha Recruitment Office. Ating ipinakiusap sa…

Read More

GUSTONG MAGING PANGULO NI PACQUIAO, PALPAK NAMAN

NAKATITIYAK akong hindi tayo ipinanganak kahapon. Kaya, hindi dapat pagdudahan ang plano ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo sa eleksyong Mayo 2022. Ang regular na paglabas ng mga patutsada ni Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa media hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at ang napakatalamak na korapsyon sa pamahalaan ay mga ebidensyang tatakbo siya sa eleksyon. Ang paglabas ng pahayag ng sino mang senador, kongresista, o opisyal ng alinmang ahensiya ng pamahalaan ay natural lamang na pangyayari. Layunin nitong iparating sa publiko ang pananaw…

Read More

KAWAWANG OFW, AYAW PAUWIIN NG AMO

ISANG sumbong ang ­aking natanggap mula sa OFW na nasa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ay si Aileen Planco na nakarating sa nasabing bansa noong Mayo 7.2019, sa pamamagitan ng High Mark Manpower Agency at ang ahensya naman sa Saudi Arabia ay ang Al Enjaz Al Sarea Recruitment Agency. Sa simula pa lamang ng kanyang pagdating sa kanyang among Arabo ay sobra siyang nanibago sa pagtatrato nito na taliwas sa sinabi ng ahensya na mabuti ang kanyang magiging kalagayan at trabaho. Ayon kay Aileen, masyadong madamot ang kanyang amo na maging…

Read More

IMBESTIGAHAN: BARILAN SA MPD PARA SA KATOTOHANAN

KAHIT sinong umupo bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ay may lumilihis talaga sa kanilang chain of command. Tulad na lamang halimbawa nitong Biyernes kung saan isang pulis na lasing ang namaril sa Manila Police District (MPD) sa UN Avenue, Maynila. Sa info na nakuha ng PUNA, dakong 12:45 ng madaling-araw ng nasabing araw ay dumating na lasing si P/EMS Reynante Dipasupil sa MPD headquarters at nagtuloy ito sa opisina ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) at kinuha niya ang kanyang service firearm na mahaba at maikli. Ilang…

Read More