NASAAN kaya ang ‘di umano’y maraming kaibigan at kaalyado ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa panahon ng sila’y kailangan ng dating pangulo? Kung totoong mahal nila at nagmamalasakit sila sa sinasabi nilang kaibigan na si PNoy, bakit namatay ang dating pangulo na wala man lang medical expert, o healthcare professional, na nangalaga rito? Kung yaman lang naman ang pag-uusapan, kaya ng mga kaibigan, kaalyado at pamilya ng dating pangulo na magbayad ng kahit ilang nurse, o healthcare professional, para mag-alaga, o magbantay sa dating pangulo, para lamang matiyak…
Read MoreCategory: OPINYON
BUMILIS ANG INTERNET SA PANAHON NI DUTERTE
HINDI maipagkakailang popular at mataas pa rin ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit malapit nang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30,2022. Ito’y dahil maraming nagawa si Duterte tulad ng programang Build, Build, Build (BBB), libreng matrikula sa mga unibersidad at kolehiyo ng pamahalaan, pagkakaroon ng peace and order at pagpapakita ni Duterte ng “strong leadership”. Kasama rin sa mga nagawa ni Duterte ay ang pagpapabilis ng internet connectivity na pihadong hindi makalilimutan ng mamamayan. Batay sa rekord ng pamahalaan, noong Marso 2020 ay tumaas hanggang 500% ang…
Read MoreILAN ANG NATUSOK NA WALANG GAMOT?
MAHIGIT 8 milyong Filipino na ang nabakunahan ng COVID – 19 vaccines mula noong magsimulang magbakuna ang gobyerno noong Marso 7 at ang tanong ngayon ay ilan sa mga ito ang natusok ng karayom na walang gamot? Hindi ko masisisi ang netizens sa social media na itanong ito dahil sa viral video na nagpapakita na tinusok nga ng nurse ang isang pasyente, pero hindi itinulak ang heringilya para pumasok ang gamot sa balikat ng tinusukan. Nabuo ang pagdududa kung may pumasok ba na bakuna sa kanilang katawan, o tinusok lang…
Read MoreREKLAMO LABAN SA CONVERGE ICT SOLUTIONS INC.
HINDI ko pinapansin ang mga reklamong nababasa ko na dumaraan sa Facebook account ko laban sa CONVERGE ICT Solutions Inc. dahil hindi naman ito ang gamit kong internet. Ang reklamo nila ay pugak-pugak ang internet connection ng CONVERGE. Ilan sa mga ‘pumitik’ sa kapalpakan ng CONVERGE ay mga mamamahayag. Mabuti na lang hindi ako lumipat noon sa CONVERGE – noong bago pa lamang itong inaalok sa publiko, kundi’y isa rin ako sa mga madidismaya at magrereklamo laban sa CONVERGE. Sa internet connection nga ng PLDT ay buwisit na buwisit ako…
Read MoreMayamang tradisyon ng basketbol, sasariwain ng Team Pilipinas
KAHULI-HULIHANG nakapaglaro ang Pilipinas sa Olimpiyada 49 taon na ang nakalilipas noong 1972 sa Munich. Ngayong ika-XXXII Games of the Olympiad sa Tokyo, muling tatangkain ng bansa na makapagpadala ng kinatawan sa larong pinaka-paborito pa naman ng mga Pilipino sa pag-asang buhayin ang mayamang tradisyon ng Philippine basketball sa tuwing ika-apat na taong palaro sa pagitan ng mga magagaling na 11,091 atleta mula sa 205 bansang miyembro ng International Olympic Committee. Ang basketball ay isa lamang sa 339 events sa 33 kabuuang sports (50 disciplines) na paglalabanan mula Hulyo 23…
Read MoreCONGRESSMAN, KASABWAT NI MACHO CHIQUITO SA KATIWALIAN?
NITONG mga nakaraang araw ay ilang mga ordinaryong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nakipagtulungan at nagsumbong sa Bistador sa umano’y garapalang korapsyon na nangyayari sa loob ng tanggapan ni Macho Chiquito at ito ay patunay lamang na hindi lahat ng mga kawani ng BI ay masama. Isiniwalat sa atin na kaya umano “untouchable” si Macho Chiquito kay “Sir” ay bukod sa ibinibigay nitong “tara” ay protektado ito sa kanyang raket ng isang aktibong congressman at kinakasangkapan ang isang mataas na opisyal na binigyan ng kapangyarihan ng Malacañang laban…
Read MoreKAILANGANG UMAKSYON ANG EJM GLOBAL SA MINALTRATONG OFW
NAGPADALA ng sumbong at video ang ating kabayaning OFW na kasalukuyang nasa Khadara Najran Region, Saudi Arabia. Ang nasabing OFW ay si Lyn Malad na naideploy ng EJM Global Manpower Corporation sa nasabing bansa. Noong una siyang makarating sa Saudi Arabia ay nagtrabaho siya sa Riyadh sa kanyang employer na si Hatem Ahmed Mossed Zahrani. Ngunit, nang matuklasan ng kanyang employer na hindi siya tunay na Muslim, taliwas sa inilagay na relihiyon ng kanyang ahensya sa kontrata nito ay ibinalik siya ng kanyang amo sa ahensyang Kawader Alkha Recruitment Office.…
Read MorePATULOY NA PAGHAHATID NG RAISE NG TULONG SA GITNA NG PANDEMYA
GAANO man ka-moderno ang panahon, basta’t may krisis tayong kinakaharap, tiyak na lalabas ang diwa ng Bayanihan. Ito’y isa sa mga kaugaliang Filipino na patuloy nating maipagmamalaki sa ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit sa kabila ng pandemya ay pinipili ng mga pribadong kumpanya na ipagpatuloy ang mga programa nitong nakatutulong sa mga komunidad. Isang halimbawa ay ang programang Relocatees and Informal Settlers (RAISE) ng Meralco. Layunin ng programang ito ang matulungan ang mga komunidad na kapos sa badyet na magkaroon ng serbisyo ng kuryente. Bahagi ito ng…
Read MoreEXEMPTED SI GOV’T OFFICIAL?
ROUND the clock ngayon ang pagdarasal ng mga local official sa isang bayan sa Mindanao na huwag dumami ang magpositibo sa COVID – 19 sa kanilang lugar dahil sa tila pangangampanya ng isang government official. Sa report na nakarating sa inyong Deep Penetration Agent, as in DPA, sumakit ang ulo ng local officials dahil inatasan ang mga ito na magpatawag ng maraming tao dahil darating ang government official. Ginawa ang nasabing event sa gitna ng pagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) against COVID – 19 ng maramihan pagtitipon para hindi…
Read More