HULIDAP NG PULIS – MEYCAUAYAN PINAIIMBESTIGAHAN NI ELEAZAR

ININDORSO ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga biktima ng “hulidap” ng ilang tauhan ng Sto. Niño Meycauayan – Police Detachment sa Bulacan provincial director na si Colonel Lawrence Cajipe para imbestigahan ang nasabing hulidap. Sa kanyang text message sa PUNA, inindorso ni General Eleazar kay Cajipe ang insidente para makunan ng mga salaysay ang limang biktima ng hulidap. Noong nakaraang buwan naganap ang hulidap sa limang biktima, banggit ng isa sa kanila sa PUNA. Ayon sa isa sa mga biktima, lumabag umano sila sa…

Read More

PBA 46th Season, depende sa IATF kung kailan magsisimula

IPINAAABOT ng Sala Sa Init, Sala Sa Lamig ang pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino, sa kanyang ‘di inaasahang pagpanaw kahapon. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. oOo Ang planong pagbubukas ng ika-46 season ng PBA sa susunod na buwan ay nasa ibabaw na ng lamesa ng Inter-Agency Task Force (IATF). “Na naman!” ang may halong ismid na reaksiyon ng ilang panatiko ng PBA na aming nakausap. Matatandaang ganito rin ang sitwasyon noong magbukas ang ika-45 season ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na ilang beses naipagpaliban…

Read More

MACHO CHIQUITO MAY FANS CLUB NA

MULA nang sunud-sunod nating ibinisto ang katiwalian ni alyas “Macho Chiquito” ng Bureau of Immigration (BI) ay dinagsa rin tayo ng tawag at text mula sa ating mga tagasubaybay, partikular ang mga empleyado sa ahensya. Maraming nagtatanong kung sino nga ba si Macho Chiquito sa totoong buhay at ito naman ay agad na pinagkakaguluhan ngayon ng kanyang mga tagahanga at malamang isang araw ay dadagsa ang mga tao sa harap ng BI ­building upang magpa-autograph? Aba’y hindi po, kundi upang mambato ng bulok na kamatis! Ops, grabe naman kayo ‘di…

Read More

PANAWAGAN NG OFW SA I-EXCELL MANPOWER

NAGPADALA ng sumbong ang ating Kabayani na si Gliceria Aguado na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Nakarating siya sa nasabing bansa, sa pamamagitan ng i-Excell Manpower Corporation, noong Setyembre 7,2019. Bagamat hindi nakararanas ng pagmamaltrato mula sa kanyang amo, si Gliceria ay nakiusap sa AKOOFW na matulungan siyang makauwi sa Pilipinas. Isa sa kanyang dahilan ay natapos na ang kanyang kontrata noong Mayo ng taong kasalukuyan. At ang masaklap pa rito ay sinumbong ni ­Gliceria na siya ay ‘ibinebenta’ ng kanyang amo sa ibang employer upang mabawi nito ang ­ginastos,…

Read More

KORAPSYON, BASURA SA MGA ESTERO AT ILIGALIDAD SA MAYNILA

MAYROONG mga nagawa si Mayor Isko Moreno simula nang maging alkalde ito ng Maynila. Sobra naman kung hindi natin malaman ang mga ginawa at patuloy na ginagawa ni Moreno, samantalang ipinarating ito ng kanyang media operators sa mainstream media at social media. Hindi ba’t ipinatanggal ni Moreno ang vendors sa Carriedo? Hindi ba’t ipinatanggal niya ang terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Liwasang Bonifacio? Hindi ba’t pinaganda ni Moreno ang dalawang underpass malapit sa Manila City Hall? Hindi ba’t kinompronta niya noon ang ilang traffic enforcers ng pamahalaang lungsod na…

Read More

ILANG PULIS – MEYCAUAYAN HULIDAP ANG LAKAD?

NAKATANGGAP ng reklamo ang PUNA na biktima raw sila ng “hulidap” ng ­ilang pulis ng Sto. Niño Police Community Precinct (PCP) sa Meycauayan, Bulacan na naganap isang buwan na ang nakalipas. Ayon sa sumbong, hinuli raw sila ng mga pulis – ­Meycauayan dahil sa motorcycle drag racing malapit sa kanilang police detachment. Dakong alas-4 ng hapon hanggang alas-10 kinabukasan ng umaga sila ikinulong sa nasabing istasyon ng pulisya. Sa ganyang katagal na pagkulong ng mga pulis sa kanilang mga hinuli ay mayroong silang pananagutan, kasi “arbitrary detention” ‘yan. Wala silang…

Read More

NAPAKASARAP NG BUHAY NI IMMIGRATION CHIEF MORENTE

PATULOY ang paggampan ni retiradong police general na si Jaime Morente sa kanyang sinumpaang mga gawain, tungkulin at obligasyon bilang pinuno ng Bureau of Immigration (BI). Sigurado akong napakasarap ng buhay ni Commissioner Morente dahil matagal-tagal na ring hindi nag-iimbestiga ang Senado hinggil sa napakatalamak na korapsyon sa BI. Pokaragat na ‘yan! Ang huling korapsyon sa BI na tinalakay sa Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Equality ay tungkol sa pagpapalabas ng mga Filipina sa ibang bansa kapalit ang P50,000 kada isa. Ayon sa impormasyon ng pinuno ng…

Read More

OFWs IUWI SA KANILANG MGA PAMILYA

HALOS magkakasunod ang aking natanggap na liham na humihingi ng tulong para sa mga OFW na may malubhang karamdaman. Kabilang ang pamilya ni Romano Domingo na OFW sa Jeddah, Saudi Arabia. Dumating sa Saudi si ­Romano noong Agosto 8, 2017. Maayos ang pinagtatrabahuan niyang pamilya bilang family driver. Ngunit, may malungkot na balitang natanggap kamakailan ang kanyang pamilya na sinabing si Romano ay inatake sa puso at na-stroke. Ayon sa kanyang anak na si Lawrence Domingo: “Na-stroke po ang aking tatay at siya ay naparalyze ang kalahating katawan at lubhang…

Read More

PANDEMYA SA HUDIKATURA

SINIGURO ni Supreme Court Chief Justice (CJ) ­Alexander Gesmundo na mabantayan ang kalusugan ng mga kawani ng hudikatura laban sa COVID – 19. Ito ang inihayag ng nasabing bagong upong CJ sa kanyang kauna-unahang “virtual” na pulong-balitaan sa mga ­Justice beat reporter, kasabay sa pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng hudikatura. Sabi ni Gesmundo, umabot sa halos dalawang libo ang nahawahan ng COVID – 19 na mula sa 1,994 na mga ­empleyado ng hudikatura ay 1,846 ang gumaling, o recoveries, pero 33 ang mga namatay at 115 na lang ang…

Read More