IPINUWESTO si Brig. Gen. Antonio Yarra bilang direktor ng Quezon City Police District (QCPD) dahil tila siya ang nababagay sa puwesto. Galing si Yarra sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na pinanggalingan din ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Major General Vicente Danao, Jr. Napansin ng PUNA na nananatiling talamak ang ilegal na droga sa iba’t-ibang barangay ng QC. Kahit mahigit na ipinatutupad ang lockdown sa Quezon City (QC) ay araw-araw pa ring may mga naaarestong sangkot sa ilegal na droga. Hindi napipigilan…
Read MoreCategory: OPINYON
GENOCIDE VS CHINA?
PALINAW nang palinaw ang mga ebidensya na nakalabas mula sa laboratoryo ng Wuhan, China ang pinag-aaralan nilang virus na pumatay sa 3.7 milyong tao sa buong mundo. Habang isinusulat ko ito, mahigit 174 milyong tao ang nagkaroon ng COVID-19 sa buong mundo, kasama ang mahigit 3.7 milyon mga namatay. Madagdagan pa ito dahil hindi pa humuhupa ang virus. Pinagana ng China ang kanilang propaganda machine kung saan tinangka nilang ikondisyon ang isip ng mga tao sa buong mundo na wala silang kasalanan tulad ng pagkondisyon nila sa isip ng kanilang…
Read MoreAKSYON AT TAGUMPAY DAPAT IPAGPUGAY
“LIVE your belief and you can turn the world around”, minsang sinabi ni Henry David Thoreau. Ang nasabing pahayag ay puwedeng maging inspirasyon hanggang ngayon dahil sa napakagandang aral nito. Kaya, malaki ang pasasalamat ko dahil habang isinasagawa ang aming programa sa radyo ay nailigtas namin ang isang OFW na anim na araw nang nagkulong sa kanyang kuwarto dahil siya ay tinangkang ibenta umano ng kanyang amo sa ibang employer. Ang mabilis na aksyon ni Atty. Llewelyn Perez, Kuwait Welfare Officer ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ay naging inspirasyon…
Read MoreMACHO CHIQUITO NG BI, HAWAK NG ‘SINDIKATO’
SA kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan itong kawani ng Bureau of Immigration (BI) na binansagan nating “Macho Chiquito” ay tila “untouchable” kay mismong pinuno ng ahensiya na si Commissioner Jaime Morente. Ipinarating sa Bistador ng mapagkakatiwalaang source na hanggang ngayon ay walang ipnag-utos si Morente na imbestigasyon laban kay alyas Macho Chiquito. Ibinulong ng source sa Bistador na madalas na nakikita si Macho Chiquito na pumapasok sa Commissioner’s Office. Habang naglalakad patungo sa tanggapan ni Morente ay halos pumutok umano ang bulsa nitong si…
Read MorePACQUIAO, ISKO BATIKUSIN N’YO LAHAT NG KAPALPAKAN NI DUTERTE
BINABATIKOS na ngayon ni Senador Emmanuel ”Manny” Pacquiao si Pangulong Rodrigo dahil balak nitong tumakbong pangulo sa halalan sa Mayo 2022. Dati, hindi binira ni Pacquiao si Duterte dahil solido ang suporta ng mambabatas sa pangulo. Ngayon, pinuna ni Pacquiao si Duterte dahil “nakukulangan” ang una sa aksyon ng pangulo laban sa pagpasok, paglalayag at pagtambay ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). Kung tutuusin, napakababaw ng pahayag ni Pacquiao kay Duterte, pero tila nabuwisit na ang boksingero sa pangulo. Pinitik lang ni Pacquiao si Duterte. At…
Read MoreSaso, Obiena pinalakas ang tsansa ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold medal
SINO ang nagsabing naghihingalo na ang Philippine sports at malapit nang pumanaw? Ilang kaganapan nitong nakaraang linggo ang nagpatunay na ang resulta ng pagsusuring ginawa ng ilang sektor ay walang katotohanan. Sa ngayon! Una, isang napakalaking karangalan ang naihandog ng Filipina-Japanese golfer na si Yuka Saso nang makoronahan siyang kampeon ng U.S. Women’s Open noong Linggo (Lunes sa Maynila) sa Lake Course ng Olympic Club sa San Francisco, California. Kauna-unahan niyang panalo ito sa LPGA Tour na nag-akyat sa kanya mula sa ranggong pang-22 ng International Golf Federation Olympic qualifiers…
Read MorePASAWAY ANG DAHILAN NG PAGKALAT NG COVID-19
TINUMBOK ng Social Weather Survey (SWS) na ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay maraming Filipino ang pasaway. Sa SWS survey noong Abril 28 hanggang Mayo 2, mayroong 79 porsiyentong adult Filipinos ang nagsabing paglabag sa health protrocols ang pangunahing dahilan sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Labing-isang porsiyento naman ang nangatwirang kakulangan sa kahandaan ng gobyerno ang dahilan ng malalang COVID-19 at 10% lang ang naniniwalang bagong COVID-19 variants ang dahilan. Anu-ano ba ang hindi sinusunod ng mga pasaway? Ito ay ang ‘di…
Read MoreNAGPAPARAMDAM NA SI MR. SECRETARY
PINANINIWALAAN ng mga taga-probinsya na naghahahanap na ng fallback ang isang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil walang kasiguraduhan na magkakaroon uli ito ng posisyon sa susunod na administrasyon. At ang fallback: Gustong maging politiko na lang ng opisyal. Kaya, sasali siya sa lokal, o national elections, para siguradong makapangyarihan siya kahit sino pa ang pumalit kay Duterte. Nalaman ng inyong DPA, as in Deep Penetration Agent (DPA), na panay ang ikot ngayon ng Cabinet official sa iba’t ibang probinsya, lalo na sa Norte kung saan siya ipinanganak…
Read MoreKONTRA KORAPSYON NI BONG GO WALANG PATUNAY
KAMAKAILAN, kinuha ng Presidential Anti-Corruption Commission (-PACC) ang Philippine National Police (PNP) upang makatuwang ng una ang huli sa paglaban at pagsugpo sa korapsyon. Bago maganap ang panunumpa ni General Guillermo Lorenzo Eleazar, mayroong ipinalabas ng dalawang video kung saan nagpahayag sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ng kani-kanilang pahayag laban sa korapsyon. Kauna-unawa na magpahayag si Duterte dahil pangulo siya ng Pilipinas. Si Go ay senador, ngunit hindi siya ang pangulo ng Senado. Katunayan, bagitong senador si Go dahil unang panalo niya sa halalan. Kaya,…
Read More