BELMONTE, QCPD ‘TIKLOP’ KAY PUMAREN

HINDI talaga nawawala ang palasakasan system sa bayan ni Juan Dela Cruz. Bakit kamo? Partikular itong naganap sa Quezon City na pinangangasiwaan sa ­ngayon ni Mayor Joy Belmonte kung saan maraming nakapansin sa ­”superspreader event” ni Quezon City Major Leader Franz Pumaren sa Brgy. Old Balara kamakailan. Nagkaroon ng “community pantry” si Konsehal Pumaren sa nasabing barangay na dinagsa ng 6,000 residente. Batay sa press ­release ng administrasyon ni Belmonte, posibleng ­kasuhan nito si Pumaren dahil ­superspreader event ng coronavirus ­disease 2019 (COVID-19) ang ­community pantry ng konsehal. Press release…

Read More

Pagbubukas ng PBA 46th Season, on target

MULA sa Angeles City sa Pampanga kung saan idinaos ang ika-45 season noong nakaraang taon, ang PBA ay malamang bumalik sa Metro Manila para sa pagdiriwang ng naantalang ika-46 taong ­anibersaryo nito. Ipinahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa pakikipag-usap sa SAKSI NGAYON kahapon, ang Ynares Sports Center sa Antipolo City o ang sangay nito sa Pasig City ang napipisil ng liga na maging ­venue kapalit ng Batangas City na naunang napili. Ang pagpapalawig ng ­quarantine classification sa NCR Plus sa June 1-15 ang nagtulak sa PBA na ganapin sa…

Read More

AYAW PAUWIIN NG MGA AMO DAHIL MAHAL ANG TIKET SA EROPLANO

NITONG Miyerkules, isinulat ko sa aking kolum ang sumbong ng grupo ng mga OFW sa Damman, Saudi Arabia na ayaw pang pauwiin ng kanilang employer dahil mahal pa umano ang ­presyo ng tiket sa ­eroplano pauwi ng Pilipinas. Ang nasabing grupo ay kinabibilangan nina Everlyn M. Corcuera, Renalin T. Pajares, Sherilyn Julie, Arlyn A. Maharajun, Jiena Dancil, Shaima M. ­Gabriel, Ma. Kristina Demesa Aquino, Baby Ruth Bico, Samantha Hajira Mercado, Marilyn Ramos, Ma. Victoria Salvan, Mary Ann Dela Mayao, Rosario R. Hucamis, Lorna V. Sison at Annalyn Lumba Catalan. Nagtrabaho…

Read More

ISKO, MAYNILA MUNA BAGO AMBISYON

NAPAKARAMING ­problemang iniwan si Mayor Joseph “Erap” ­Estrada sa Maynila. At hindi pa natatapos ang mga problemang ito kahit na aktibo at masipag si Mayor Isko Moreno, ayon sa kanyang mga press release. Mahigit isang taon na lang, tapos na ang termino ni Isko. Inaasahang muli siyang tatakbo sa parehong posisyon sa eleksyong 2022 upang makadalawang termino na siya kung muling mananalo. Ngunit, hindi maipagkakailang sobrang aktibo ni Moreno sa media. Sabi nga sa ingles: “very visible” sa mga pahayagan ang mga istorya ni Moreno hinggil sa kanyang mga nagawa,…

Read More

BLIND ITEM ULIT TAYO

SINO ang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na biglang nagkaroon ng boses matapos ang halos walong taon sa Kongreso dahil sa kanyang mas mataas na ambisyon sa susunod na eleksyon? Ayon sa inyong DPA, as in Deep Penetration Agent, nasa huling termino na ang mambabatas, o nasa ­Kongreso ito sa loob ng pitong taon at 11 buwan bilang kinatawan ng isang ­malayong distrito sa Kabisayaan. Gayunpaman, sa loob ng nabanggit na panahon ay halos hindi ito makausap, o mainterview, ng media dahil wala naman itong sasabihin, kaya iwas na…

Read More

BALOT NAMAN NG KONTROBERSIYA ANG PNP

MULI na namang nababalot sa kontrobersya ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pamamaril ng dalawang miyembro nito sa mga sibilyan. Ang pinakabagong pangyayari ay ang pamamaril ni P/Master Sergeant Hensie Zinampan, nakatalga sa Police Security and Protection Group (PSPG), sa isang ginang sa Brgy. Greater Fairview, ­Quezon City. Kitang-kita sa nag-viral na video sa social media ang paghawak ni Zinampan sa buhok ng 52-anyos na si Lilibeth Valdez bago niya ito barilin. Lasing daw ang pulis nang makasalubong si Valdez, kaya binaril niya ang babae. Ang pamamaril ng pulis…

Read More

TRILLANES INSULTONG PAMBATO NG OPOSISYON SA PAGKAPRESIDENTE

ANG oposisyon sa eleksyong 2022 ay ang 1SAMBAYAN. Isa sa pagpipilian ng 1SAMBAYAN bilang pambato sa pagkapresidente ay si ­dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. Panawagan ko sa mga convenor ng ­1SAMBAYAN tulad ng NAGKAISA ­Labor ­­Coalition at Bayan Muna na tanggalin nila si ­Trillanes sa mga ­kandidato sa ­pagkapangulo, o sa ­pagkapangalawang pangulo, ng oposisyon dahil mayroon na itong nagawang krimen. Malaking insulto hindi lamang sa mga botante, kundi sa 110 milyong Filipino, na ang kandidato ng ­1SAMBAYAN ay mayroong “criminal record”. Pokaragat na ‘yan! Ang nagawang krimen ni…

Read More

PATOK ANG FREE WI-FI

PILIT na binibigyang kulay at ginagawan ng ­kontrobersya ang mga proyekto ng pamahalaan na direktang pinaki­kinabangan ng ating mga kababayan. Bakit kasi hindi maalis-alis sa kultura natin na kapag ang puno, hitik sa bunga, binabato? Ganiyan natin mailalarawan ang proyektong Free Wi-Fi for All Program (FW4A) ng Department of Information and Communications Technology o DICT na pinamumunuan ng beteranong mambabatas at Action Man na si Secretary Gregorio Honasan II. Nang umupo si Honasan sa DICT pagkatapos ng kaniyang termino sa Senado noong 2019 ay nakalatag na ang proyektong FW4A na…

Read More

GRUPO NG MGA OFW SA SAUDI STRANDED DAHIL SA EMPLOYER NA SOBRANG TUSO

ISANG grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumulog sa AKOOFW upang iparating ang kanilang sumbong laban sa kanilang employer na ayon sa kanila ay sobrang tuso sa panggugulang ng kanilang mga empleyado. Ang nasabing grupo ay kinabibilangan nina : Everlyn M. Corcuera, Renalin T. Pajares, Sherilyn Julie, Arlyn A. Maharajun, Jiena Dancil, Shaima M. Gabriel, Ma. Kristina Demesa Aquino, Baby Ruth Bico, Samantha Hajira Mercado, Marilyn Ramos, Ma. Victoria Salvan, Mary Ann Dela Mayao, Rosario R. Hucamis, Lorna V. Sison at Annalyn Lumba Catalan. Nagtatrabaho ang mga nabanggit…

Read More