MASYADONG MARAMING KASALANAN SI TRILLANES

ISANG kagaya ba ni Antonio Trillanes IV ang iluluklok natin sa pagka-Pangulo sa 2022? Gustong-gusto niyang tu­mak­bo at nagsabi na siya ­kamakailan na kung hindi susunggaban ni Vice President Leni Robredo ang sabong sa pagka-Pangulo ay siya ang tatakbo bilang kandidato ng oposisyon. Kapal lang din di po ba? Masyado nang maraming kasalanan sa sambayanang Filipino itong si Trillanes. Hindi ko maintindihan bakit ang lakas pa ng loob nitong tumakbo at maging Pangulo? Wala naman napakinabang sa kanya ang taumbayan, kung tutuusin! Hindi po ba mga kababayan? Kahit nga siguro…

Read More

EBIDENSYA VS CHINA

HINDI ubra ang propaganda ng Chinese Communist Party na hindi sa kanila nagsimula ang COVID-19 at hindi nila itinago ang katotohanan sa pandemyang kumitil na ng 3,556,375 katao sa buong mundo. Iniisip siguro ng China lalo na ang kanilang pangulong si Xi Jinping na ubra ang kanilang ginagawa sa kanilang mamamayan na kung ano ang kanilang sasabihin ay yun na ang totoo at hindi puwedeng kontrahin. Marami ng ebidensya ang hawak ng United States (US) na sadyang itinago ng China ang katotohanan at lumilinaw na rin ang katotohanan na nagmula…

Read More

EDUKASYON SA PINAS HINDI PARA SA LAHAT

DATI ipinangangalandakan ng gobyerno na free tuition na raw sa ating mga State Universities and Colleges sa buong bansa. Makalipas ang ilang taon ayan na lumalabas na ang katotohanan na hindi pala libre ang bayarin sa mga paaralan na ito na pag-aari ng gobyerno. Bakit kamo? Lalo na ngayon panahon ng pandemya problemado ang mga magulang kung saan nila kukunin ang pambayad ng kanilang mga anak na nag-aaral sa mga State Universities at Colleges. Kaya raw pala free tuition sa pag-aaral ang ibang estudyante dahil scholar daw sila sa mga…

Read More

SA PILIPINAS LANG SOLUSYON ANG ‘CHACHA’ LABAN SA EKONOMIYANG PINABAGSAK NG COVID – 19

WALA akong nabalitaang bansa na hindi inabot at inatake ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Lahat ng bansa pinasok, ngunit magkakaiba nga lang ang antas ng perwisyong inabot nila. May napakatindi at mayroong maliit lang ang tama. Lahat ng matindi ang atake ng COVID-19 ay matindi ang epekto sa ekonomiya, kabilang na ang mauunlad na mga bansa tulad ng Amerika, Rusya, Japan, Italy at China. Nagtulong ang kani-kanilang mga pamahalaan at pribadong sektor upang mapigilan ang masamang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya, sa negosyo at sa mamamayan. Ngunit, wala akong nabalitaang…

Read More

100 IMMIGRATION OFFICERS, NATUWA KAY GRIFTON MEDINA

IMBES na paghihiganti laban sa mga umapi at nag imbento na may ginawang katiwalian ay maganda pa rin ang ginawa ni Senior Immigration Officer, Grifton Medina matapos itong makabalik matapos ang 6 months preventive suspension na ipinataw sa kanya at sa iba pang dating ­opisyales ng BI- Ports Operations Division (POD) ng Office of the Ombudsman matapos ang mala ­teleseryeng palabas sa Senado sa Pastillas Scheme na sinakyan ng ilang pulitiko para sa kanilang political agenda. Ayon sa mga Immigration Officers na nag text sa Bistador kanilang pinasalamatan si Medina…

Read More

LIBRE ANG SWAB TEST, REBOOKING AT HOTEL SA MGA NAAPEKTUHAN NG DOLE ADVISORY NO. 66

NAGWALA sa galit ang halos 500 OFW na patungo sana sa Saudi Arabia matapos na biglang maglabas ng Advisory no. 66, Series 2021 ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan ay ipinagutos ni Secretary Silvestre Bello ang “Temporary Suspension of Deployment of Overseas Filipino Workers to the Kingdom of Saudi Arabia” nitong Mayo 27 . Nakasaad sa kautusan ni Sec. Bello na ito ay ipatupad sa lalong madaling panahon, kung kaya ay kagyat na umaksyon ang Bureau of Immigration at hindi pinayagan ang mga OFW patungo sa Saudi…

Read More

DAAN PATUNGO SA PAGKAMIT NG HERD IMMUNITY

SA ganitong panahon ng pandemya, ako ay lubos na nagpapasalamat na ako ay nasa ilalim ng lokal na pamahalaan na mayroong maayos at mahusay na sistema. Noong nakaraang linggo ay nakumpleto ko ang ikalawang dosis ng bakuna kontra ­COVID-19. Nais kong pasalamatan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig dahil sa napakaayos na sistema nito. Napakalaking kagaanan sa aking kalooban ang maging protektado laban sa COVID-19. Ayon sa mga eksperto sa usaping pangkalusugan, ang pagkumpleto sa bakuna ay hindi nangangahulugan na hindi na magkakaroon ng sakit na COVID-19 ang…

Read More

MVP: ‘Hindi dapat kalimutan

“HUWAG muna, hindi pa panahon!” Ito ang naging reaksiyon ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan sa pagkabahala ng ilang sektor na mas mabuti pang kalimutan na ang ating pangarap na kauna-unahang medalyang ginto galing sa Olimpiyada. Ito ay matapos na mabigo ang boksingerong si Eumir Marcial, ang may pinakamalakas na tsansang maputol ang halos 100 taong pagkauhaw ng ­sambayanan sa gintong medalya na patuloy na humuhulagpos sa palad ng ating mga atleta mula noong ang Pilipinas ay unang lumahok sa Olimpiyada noong 1924. Si middleweight Eumir Marcial, muling binuhay ang pag-asang…

Read More

15 MILLION BOTANTE SAAN NA KAYO?

ISANG resolusyon ang ihinain sa Kamara na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang kanilang satellite office sa iba’t ibang panig ng bansa dahil mayroon pa raw 15 million botante ang hindi pa nakakapagparehistro. Sa ganang akin, hndi na dapat kalampagin ang Comelec para gawin nila ang kanilang trabaho. Mayroon silang sapat na pondo para sa registration at dapat gawin nila ang lahat para maabot ang mga hindi pa ­nakakapagrehistro. Base daw kasi sa datos ng Philippine Statistics ­Authority (PSA), 78 Million na raw ang bilang ng mga…

Read More