POEA HINDI KINONSULTA ANG HEALTH WORKERS

WALA pa ring katiyakan kung hanggang kailan mag-aantay ang mga health care worker na gustong magtrabaho sa ibang bansa matapos na maabot ang 5,000 ­maksimum na bilang ng deployment sa ibang ­bansa na itinakda sa Philippine Overseas ­Employment Administration (POEA) Advisory No. 71. Maliban sa United Kingdom (UK) na nakahingi ng exemption  sa deployment limitation, ang iba pang bansa, kabilang ang mga ­kasama sa Middle East, ay hindi pa maaaring magpadala ng health workers sa kanila. Sa kasalukuyan, ­tanging health workers na nagbabakasyon lang sa bansa tulad ng mga nurse,…

Read More

BABAGUHIN BA NI SARA ANG KAPALPAKAN NI DUTERTE?

HINDI pa nagdedeklara si Mayor Sara Duterte – Carpio na tatakbo siya sa pagkapangulo ng bansa sa halalang 2022. Ang nag-anunsiyo at nagtiyak sa publiko ng “siguradong pagtakbo” ni Sara D. Carpio ay sina Albay Repressentative Joel Salceda, ­dating Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. Si Salceda na kilalang dumidikit sa mga politikong alam niyang ‘mabango’ sa simula, ngunit iniiwanan ­kapag bagsak ang ­politikong linapitan ay iniuungos ­ngayon sa media na siya ay ‘bata’ ni Sara D. Carpio. Si Andaya naman ang ‘kanang – kamay’, o ‘alalay’ ni dating Defense…

Read More

TOGA MUNA BAGO TRAJE DE BODA

MAY magulang na naringgan ko na sinabihan ang kanyang dalagitang anak ng “uy, toga muna ha, bago ­trahe de boda” dahil nakatutok ang bata sa social media, hindi para mag-aral, kundi nakikipag-chat lang naman. Alam ni nanay na ang ka-chat ng kanyang anak ay ang kanyang manliligaw, kaya panay ang paalala nito sa dalagitan n’ya na magtapos muna ng pag-aaral bago mag-asawa, o magsuot muna ng toga bago trahe de boda. Hindi ko masisisi si nanay dahil sa panahon ngayon, ­parami nang parami ang mga batang nag-aasawa nang wala sa…

Read More

COVID-19 TUMATAAS SA MGA PROBINSIYA, BUMABABA SA NCR PLUS

HINDI nakapagtataka kung bakit tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya dahil kahit naka-lockdown na ay may nakalulusot pa rin at nakapapasok na mga tao sa kanilang mga lugar. Isa d’yan ang mga taong galing sa National Capital Regon (NCR). Kaya, hindi nakakapagtaka kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan. Lalo na nitong dumami ang bagong COVID variant na nakapasok sa Pilipinas. Pangalawang dahilan ay nakapokus sa NCR plus bubble ang bulto ng bakuna. Kakaunti lang ang nakararating sa Visayas at Mindanao.…

Read More

PANGAKO NI PACQUIAO SUNTOK SA BUWAN

NAG-IMBITA si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ng ilang tao at mga mamamahayag sa kanyang bahay sa Forbes Park nitong Sabado. Hindi nagdeklara si Pacquiao na tatakbo siyang pangulo sa halalang Mayo 2022. Hindi rin niya sinabing wala talaga siyang kabalak-balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyong 2022. Si Pacquiao ay napabalitang tatakbo sa pagkapangulo ng bansa. Ngunit, hindi siguradong Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban) ang partido niya dahil benabalewala siya ng mga bataan ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Energy Secretary Alfonso…

Read More

PAGPAPATULOY NG ISPORTS SA GITNA NG PANDEMYA

NGAYONG panahon ng ­pandemya kung saan ­limitado ang mga industriyang kinakayang makapagpatuloy, napakalaking bagay para sa mga sumusubaybay sa isports na kasama ang industriyang ito sa patuloy na namamayagpag sa gitna ng pandemyang ­COVID-19. Sa totoo lang, hindi ko inakala na maaaring makabilang sa mga negosyong maaaring magpatuloy ng operasyon ngayong panahon ang mga negosyong may kinalaman sa isports. Ang mga propesyonal na atleta at ang mga organisasyon na nangangasiwa rito ay magandang ehemplo ukol sa pagpapanatili ng kalusugan kasabay ng muling pagbabalik operasyon. Sa mga miyembro ng industriya ng…

Read More

HEALTH WORKERS UMALMA SA DESISYON NG POEA

HINDI nakapagtatakang maraming OFWs at mga lider ng iba’t-ibang samahan ng OFWs ang nanawagang buwagin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil hindi nito ginagampanan ang tunay na layunin ng nasabing ahensya. Noong Enero 1, 2021, ­naglabas ang POEA ng kautusan na limitahan sa 5,000 healthcare workers ang ­maaaring makapagtrabaho sa ibang bansa. Nitong Hunyo 1, muling naglabas ng Advisory 71, Series of 2021 ang POEA na nagsabing naabot na ang quota na 5,000. Pansamantala na nitong ipinahinto ang pagpapadala ng mga nurse, nursing aide at nursing assistant sa iba’t…

Read More

BAGONG RAKET NI MACHO CHIQUITO

SANIB-puwersa ang ilang tauhan ng Immigration Regulation Division (IRD) ng Bureau of Immigration (BI) na ­pinangungunahan ng isang alyas “Macho Chiquito” at ng ilang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa isang ‘bagong raket’. Ang raket na ito ay ang ‘di paglalagay, o hindi pag-iencode, sa database ng BI ang mga pangalan ng Chinese ­nationals na umaalis ng bansa upang hindi sila mailagay sa listahan ng blacklisted. Lahat ng foreign nationals na ipinatatapon ng BI palabas ng bansa na natapos na ang kanilang visa at nais nang…

Read More

PAASA

TINANONG ko sa isang press conference ang isang administration ­congressman kung paasa lang, o hindi, ang ­Bayanihan Act 3 na ­kanilang ipinasa dahil walang certification mula sa gobyerno na naggagarantiya na may pagkukunan ng pondo para rito. Kahit alam kong sasabihin nila na hindi paasa ang Bayanihan 3, itinanong ko pa rin. Pero, sa nakikita ko, mukhang paasa ang pet bill na ito ng liderato ng mababang kapulungan ng ­Kongreso. Panay ang pressure ng Kamara de Representantes sa gobyerno, lalo na ang Bureau of Treasury (BTr), na maglabas ng certification…

Read More