MULTI-BILYONG PISO DEKWAT SA ONLINE GAMING

FOR THE FLAG

Bilyun-bilyong piso na ang nawawala sa bansa, sa usapin ng online gaming pa lang. Ito ay mga walang permit o business license mula sa pamahalaan, partikular na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Mayroong isang kompanya ang naiulat sa akin ng isang confidential informant na nag-operate noon sa Siyudad ng Makati, diyan sa Chino Roces Avenue, na kunwa ay isang call center, ngunit isang gaming operation pala. Ang kanilang operation ay nagpatuloy sa tulong na rin ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan umano, ngunit nang itinaas nila ang…

Read More

NAHALUAN NG POLITIKA ANG INSIDENTE SA RECTO BANK

SIDEBAR

Normal lang para sa mga Filipino na makisimpatiya sa 22 kababayan nating mangingisda na muntik nang mangamatay nang mabangga ng isang Chinese trawler ang kanilang bangkang pangisda noong Hunyo 9 sa may Recto Bank (Reed Bank). Ang hindi normal ay kung anu-anong ispekulasyon na ang lumabas pagkatapos ng insidente kahit wala pang pormal na imbestigasyon. Pinakamalala ay nang mahaluan ng politika ang insidente. Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim nanggaling ang pahayag na posibleng gamitin ang RP-US Mutual Defense Treaty sakaling magkaroon ng eskalasyon ang namumuong tensyon…

Read More

PAGPAPASARA NG KAPA TAMA O MALI?

PRO HAC VICE

Kapa mula sa “kabu-padatuon”, meaning mahihirap payayamanin. Maituturing nga bang tama o maling aksyon ang nagawa ni Pangulong Duterte nang ipasara nito ang KAPA International Community Ministry, Inc.? Kung pagbabatayan kasi natin ang mga lumalabas na report, sinasabing tatlong taon nang gumagana ang operas­yon ng KAPA at wala ni isang reklamo na lumutang sa nasabing panahon, na naloko sila o nabiktima. Saan ka makakakita na ‘yung mga sinasabing biktima umano ng pyramiding scam ng KAPA ay siya pang nanawagan kay Pa­ngulong Duterte na huwag nitong pakialaman ang operasyon ng KAPA…

Read More

KONDENAHIN NG SENADO ANG PAMBU-BULLY NG CHINA

TINGNAN NATIN

NATUTUWA tayo sa mga pahayag ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng pambabangga at paglubog ng bangkang pangisda, at pag-iwan sa 22 mangingisdang Pinoy na lulutang-lutang sa dagat para mamatay. Tingnan Natin: hanggang kailan pa natin malulunok ang pambu-bully ng China? Tanong ni Senador Lacson. Ang pinakahuling insidente ay muling pagsubok sa respeto at pagti­timpi, aniya, respeto sa bahagi ng China at pagtitimpi ng Pilipinas. Sukdulan na ang pambabastos sa Pilipinas at mga Filipino ng pamunuan ng China, at ito’y hindi na bago. Tingnan Natin: mala­king kontribusyon dito ang mga nauna…

Read More

REBISAHIN ANG 4PS

EARLY WARNING

Hindi maipagkakaila na malaking pakinabang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa maraming mahihirap pero kailangan sigurong i-review ito dahil lumalabas na maraming beneficiaries nito ay hindi naman talaga dapat maisama. Tulad na lang ng aking kaibigan na guro sa isang pribadong paaralan na 4Ps member at ang kanyang kasambahay ay mi­yembro rin. Dagdag pa n’ya marami sila at ganoon din ang kani-kanilang mga kasambahay ay bahagi rin ng programa. May palakasan. Kung malapit ka halimbawa sa barangay chairman, kahit wala ka sa poor sector ay t’yak ubra ka rito.…

Read More

ANG NAGBABAGONG TREND SA EDUKASYON

Psychtalk

(HULING BAHAGI) Bilang bahagi ng patuloy na paghimay sa usa­pin ng pagtaas ng bilang ng mga kalalakihang ‘di nakatatapos ng pag-aaral, susubukan din na­ting unawain dito ang ilan pang salik na pinapalagay na nagdulot ng trend na ito sa edukasyon. Ayon sa ilang pag-aaral, tinitingnan na may epekto ang obserbasyon na tila mas nahuhuli ang maturity ng mga lalaki kaysa mga babae. Dahil dito, isang mala­king hamon sa kanila ang pagharap sa mga mabilis na pagbabago ng mga sitwasyon, pati na rin kung sobrang nagiging mahirap o kumplikado ang mga…

Read More

TOKHANG SA MGA AKTIBISTA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Matinding galit at pighati ang damdamin ng sambayanan sa pagpatay sa dalawang lider ng Karapatan at volunteers ng Bayan Muna sa Sorsogon nito lamang Sabado. Walang-awang pinagbabaril si Ryan Hubilla, senior high school student, at si Nely Bagasala, isang maybahay, habang lulan ng traysikel umaga ng Hunyo 15. Sila ay pinatay sa gitna ng isang residential area sa Phase 2, Seabreeze Homes Subdivision Brgy. Cabid-an, Sorsogon City. Nangyari ang madugong pagpatay kulang sa isang kilometro lamang ang layo sa City Police Office. Tokhang sa mga akti­bis­­ta ang nangyayaring pag­­­patay gaya…

Read More

PAGTUGON SA MASIKIP NA PALIPARAN

SA GANANG AKIN

(Sa Ganang Akin /  Joe Zaldarriaga) Sorpresang bumisita si Pangulong Duterte sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong isang linggo kasunod ng mga reklamo ng pagkaantala sa iskedyul ng ilang flights bunsod ng suspensyon ng ground operation ng lahat ng NAIA terminal. Ang pagkaantalang ito na tumagal ng 2.5 oras ay bunsod ng ini-syung lightning red alert ng paliparan. Nasaksihan mismo ng pangulo ang tindi ng epekto nito sa mga pasahero sa terminal. Kaya, ipinag-utos niya ang paghanap ng solusyon sa suliranin ng kasikipan ng terminal. Napakalaking…

Read More

KAPA FOUNDER PASTOR JOEL APOLINARIO NAGTATAGO NA

HAGUPIT NI BATUIGAS

SA loob ng humigit kumulang 30 taon sa industriya ng media ay nakakataba ng puso na muli tayong pinagkakatiwalaan at pinayagang makasama ng aking dati at ngayon ay muling boss sa kanyang batikang pahayagang “SAKSI” na walang iba kundi si Boss Rey Briones upang maging isa sa kanyang mga magagaling na kolumnista kasama ang mga masisipag na Staff, Editor, News Editor at iba pa. Bilang paunang balita ko ay tungkol sa KAPA… Makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation at Criminal Investiga-tion and Detection Group (CIDG-PNP)…

Read More