(UNANG BAHAGI) Mahabang panahon ang nagugugol ng bawat isa sa atin sa paaralan. Marami ring pera ang nauubos ng bawat pamilya para sa edukasyon. Alam natin na mataas ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa larangang ito ng ating buhay. Kung sa mga nakalipas na dekada, anim o pitong taon ang umpisa ng buhay-mag-aaral, sa ngayon, unang hakbang pa lang yata ng isang bata, minsan ay gusto na siyang ipasok ng mga magulang sa paaralan, lalo na kung may-kaya naman ang pamilya. Dahil isa sa pangunahing iniikutan ng buhay ng bawat…
Read MoreCategory: OPINYON
HUWAG SISIHIN ANG MGA MANGINGISDA
NITONG mga nakalipas na araw ay umaatikabo ang balitaktakan tungkol sa barko ng mga mangingisdang Pinoy na binangga at pinalubog ng barko ng mga Chinese. Bakas natin ang pagkadismaya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabi nito na ang pangyayari ay hindi katanggap-tanggap at kailangang panagutan ng pamahalaan ng Tsina. Ngunit biglang nagbago ang kuwento noong nagsalita na si Pangulong Duterte at sabihin na ang pangyayari ay isang simpleng “maritime incident” na hindi na dapat palakihin. Nagbabala pa ang pangulo na maaaring pagsimulan pa ng gulo ang naturang pangyayari kaya’t…
Read MoreDILG USEC. DINO UMAKSYON; ZHK MOBILE LUMABAG SA DO 168
INAKSYUNAN na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec Martin Dino at pinadalhan na ng abiso noong June 14, 2019 si Jose R. Jacob Jr., kapitan ng San Luis Nabua Camarines Sur., na dinulog sa pamamagitan ng Misyon Aksyon noong April 27, 2019 na “KAPITAN, IBA PA LUMABAG SA R.A. 8749, R.A. 9514.” Dito, mismong kapitan at mga kagawad ang siyang nangunang lumabag sa Clean Air Act makaraang ipasunog sa kaniyang Barangay ang mga basurang kanilang nakolekta. Kakasuhan sila ng abusing of authority. oOo Misyon Aksyon, isa po…
Read MoreDEPRESSION: MENTAL HEALTH AT EKONOMIYA
MAYROONG dalawang kahulugan ang salitang depression. Isa ay patungkol sa mental illness, ang isa naman ay tungkol sa mahirap na kalagayan ng ekonomiya. Hindi ba’t sinasalamin din ng ating kalusugan ang tunay na lagay ng ating lipunan? Mahigit sa tatlong milyong Filipino na ang apektado ng depression ayon sa Department of Health. At may higit na 300 milyong katao ang nakakaranas nito sa buong mundo. Tumaas ang bilang ng nakakaranas nito ng 18 porsyento mula 2005 hanggang 2015 at patuloy na dumarami pa. Isa ang depression sa pangunahing dahilan sa…
Read MorePAPANAGUTIN ANG MGA RESPONSABLE SA DENGVAXIA CONTROVERSY
Tama lang ang naging hakbang ng isa sa pamilya ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccines at ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng hepe nito na si Percida Acosta na isama sa civil suit ang dalawa pang dating opisyal ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) makaraang makitang mayroon silang malinaw na partisipasyon. Sa amended complaint, nakasama na sina ex-PCMC deputy director for Professional Service Dr. Raymundo Lo at department manager for Medical Services Dr. Sonia Gonzales. Nauna nang kinasuhan ang mga opisyal ng French pharmaceutical Sanofi Pasteur…
Read MorePANGAMBA NG MGA MANGINGISDA
HINDI biro ang hanapbuhay na pangingisda. Tingnan Natin: pumapalaot, nabibilad sa init ng araw at lamig ng gabi, inaalug-alog ng mga alon, at nangangamba sa pagsama ng panahon, at maging sa mga pirata. Ang masaklap, ayon sa mga mangingisda natin dito sa Zambales, sa West Philippine Sea dagdag na inaalala ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat ng mga Intsik. Paano ba naman, binubunggo ang bangka at iniiwan ang mga mangingisdang lulutang-lutang, makaligtas o malunod, bahala na si Batman. Tingnan Natin: totoo naman ang pangamba dahil kailan lang, isang…
Read MoreOFWs MISTULANG HINO-HOSTAGE NG SSS AT PHILHEALTH
Mistulang hino-hostage ng SSS at PhilHealth ang OFWs dahil gusto nitong itali o gawing sapilitan na magbayad ang OFWs ng kanilang membership bago makakuha ng OEC o Overseas Employment Certificate na isang document na kailangan na maipakita sa Immigration Officers para makalabas ng bansa. Mariing tinutuligsa at tinututulan ito ng halos lahat ng OFW leaders at advocates dahil sa pananaw na mistulang ginagawang gatasan ng iba’t ibang institusyon ang OFWs. Napakadali kasi para sa mga ito na i-hostage ang OFWs dahil sa kagustuhan na makapaghanapbuhay sa ibang bansa at wala…
Read MoreHINDI BA MAHALAGA ANG BUHAY NG MGA MANGINGISDA?
Sa sinabi ni Pangulong Duterte sa insidente sa Reed Bank na “little maritime accident,” tila minamaliit niya ang sinapit ng 22 mangingisdang binangga ng isang Chinese fishing vessel. Pati ang mga miyembro ng gabinete ng pangulo ay sunud-sunod na nagpahayag ng pagmamaliit sa pangyayari, na wala man lamang pinakitang malasakit at pagtatanggol sa ating mga maliliit na ma¬ngingisda. Hindi man lamang tinulungan ng mga nakasanggi na Tsino ang mga Pinoy, at hinayaan lamang silang lumubog at lumaban para sa kanilang buhay. Kung hindi pa sa mga Vietnamese na mangingisda na…
Read MoreMARAMING NAKISAWSAW KAYA LALONG NAGULO ANG ISYU SA RECTO BANK
Sa simula pa lamang ay nagkamali na sa diskarte si Defense Secretary Delfin Lorenzana nang agad niyang ianunsyo sa media ang tungkol sa paglubog ng isang bangka ng mga Filipinong mangingisda matapos itong mabangga ng isang Chinese boat sa Recto Bank noong hatinggabi ng Hunyo 9. Mismong sa Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12 nag-anunsyo si Secretary Lorenzana sabay pagkondena sa insidente kaya marahil nag-init agad ang damdamin ng mga Filipino kahit hindi pa kumpleto ang impormasyon na hawak ng kalihim ng tanggulang pambansa na nanggaling sa Philippine Navy. Mabilis…
Read More