MULING nagpahayag ng suporta si Angono, Rizal Mayor Jeri Mae Calderon sa AKO-OFW Partylist. Ito’y kasunod na rin ng paghayag nito na ang 116- AKO-OFW Partylist pa rin ang kanilang iboboto sa darating na May 12, 2025 midterm election. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos silang nagpapasalamat sa walang sawang pagtitiwala na ibinibigay ng mga taga-Angono simula pa noon. Binigyang-diin ni Dr. Umandap na hindi nila bibiguin ang mga taga-Angono, Rizal at gagawin ang mga bagay na makatutulong para sa ikauunlad ng naturang lugar. Pormal…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
NPA INGINUSO AIDE NI HARESCO IBILANG TERRORISM FINANCIER
INGINUSO ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang top aide ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. bilang terrorism financier, bagay na mariin niyang itinanggi sa kanyang counter-affidavit. Sa kanyang 17-pahinang affidavit, itinanggi ni Benjie Tocol, local chief of staff ni Haresco, ang kasong paglabag sa Republic Act 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 na isinampa laban sa kanya ng Criminal Investigation and Detection Group-Aklan Provincial Field Unit (CIDG-PFU) sa pangunguna ni PMSG Bella Ladera. Bukod kay Tocol, sinampahan din ng kaso ng…
Read MoreHIRIT NA TRO NINA DIGONG, BATO TABLADO SA SC
SA isang burado nang post, hindi pinaboran ng Korte Suprema ang hiling nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bato dela Rosa sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, na maglabas ng Temporary Restraining Order para pigilan ang pamahalaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC). Batay sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, denied ang prayer for TRO at petition for certiorari nina Duterte at dela Rosa. Inihain ang petisyon bago pa man makalipad ang dating Pangulo noong Martes ng gabi. Gayunman, pinagkokomento ng SC ang Respondents sa…
Read MoreEMPLEYADO BUKING SA TANGKANG PAGPUSLIT NG MARIJUANA
CAVITE – Hindi nakaporma ang empleyado ng isang cold storage facility nang mabuking sa tangkang ipasok na pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Carmona sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Hawak na ng Carmona Component City Police Station (CCPS ang suspek na si alyas “Rocky”. Ayon kay Margie Bautista, Lady guard ng METS Cold Storage sa Brgy. Bancal, Carmona City, nagsasagawa siya ng body search sa lahat ng mga pumapasok sa naturang kumpanya nang biglang nalaglag ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuna mula sa bulsa ng pantalon ng suspek…
Read MorePARAYNOS HINDI NA PAPAYAGAN NG PNP, DILG NA MAKAPASOK SA URDANETA CITY HALL
BASE sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), hindi na papayagan makapasok sa city hall ang magpinsang Urdaneta City Mayor Julio Parayno Jr. at Vice Mayor Jimmy Parayno. Ito’y matapos kordonan ng mga tauhan ng PNP at DILG ang luma at bagong city hall ng Urdaneta City, Pangasinan para tiyaking hindi na makapapasok ang magpinsan sa city hall. Kaugnay ito ng kautusan ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay DILG region 1 director Jonathan Leusen base sa desisyon ng Malakanyang na 1 year suspension laban sa magpinsan…
Read MoreDPWH INURIRAT SA PAGBAGSAK NG TULAY SA ISABELA
HUMINGI ng sagot si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung paano hinahawakan ng ahensya ang mga palpak na kontraktor, proseso ng inspeksyon, at iba pang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng publiko. “Hindi lang itong bridge ang pinag-uusapan natin dito. We don’t want faulty generalization here. We have to get to the bottom of this. Yung intention ng bridge na ‘to is to really transform the countryside. Gateway ito, napakagandang project, but now it’s a symbol of our failure as a government,” sabi…
Read MoreNAG-VIRAL NA CHINESE ‘CAT KILLER’ ARESTADO
HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral dahil sa pagtadyak sa isang pusa na ikinamatay nito sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City. Kinilala ang Chinese national na si Jiang Shan, 32, inaresto ng BI sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palanan, Makati City dahil sa pagiging overstaying nito. Ayon sa datos ng BI, dumating si Jiang sa bansa bilang isang turista noong Mayo 2023 subalit hindi na ito nag-extend ng kanyang visa simula Setyembre 2023. Inaresto ng mga awtoridad si Jiang matapos…
Read MoreP221K SHABU NASAMSAM SA TANZA, CAVITE
CAVITE – Mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng street level individuals (SLIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza noong Miyerkoles ng gabi. Hawak na ng Tanza Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Christopher”, ng Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Tanza MPS sa Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite na nagresulta sa…
Read MoreEU MAGDE-DEPLOY NG EOM SA PHL MAY 12 ELECTION
MAGPAPADALA ang European Union (EU) ng Election Observation Mission sa Pilipinas upang obserbahan ang midterm elections ngayong Mayo 12. Napagpasyahan ni High Representative/Vice President of the European Commission (HR/VP) Kaja Kallas na mag-deploy ng EU Election Observation Mission (EOM) para obserbahan ang midterm polls. Ang EU ang kauna-unahang na magpapadala ng EOM sa pamamagitan ng imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ng EU na ang hakbang ay nagmamarka ng mas matibay na relasyon ng EU at Pilipinas. Itinalaga ni Kallas si Marta Temido, miyembro ng European Parliament, bilang chief…
Read More