LAGUNA – Patay ang isang lalaki sa pamamaril ng riding in tandem gunmen sa Purok 2, Brgy. San Pedro, San Pablo City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Zeus Javier Magnaye, miyembro ng Scouts Royale Brotherhood (SRB) fraternity, at residente ng Barangay San Lorenzo, sa nasabing lungsod. Ayon sa report, dakong alas-5:00 ng hapon, pauwi na sa kanila ang biktima matapos ihatid ang isang kakilalang babae sa bahay nito, nang harangan ito ng mga suspek at pinagbabaril. Tinamaan ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BRGY. PEACEKEEPER PATAY, 2 ANAK SUGATAN SA AMBUSH
COTABATO – Target ng manhunt operation ng Cotabato PNP ang ilang armadong kalalakihan na responsable sa paglikida sa isang kasapi ng Barangay Peacekeeping and Action Team ng Barangay Colambog, sa bayan ng Pikit sa nasabing lalawigan. Bukod sa biktimang napatay, malubha ring nasugatan ang dalawang anak nitong menor de edad makaraang pagbabarilin ng mga suspek habang sakay ng kanilang payong-payong motorcycle, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala naman ng Aleosan Municipal Police Station ang biktimang napatay na si Amilil Sasamin Lumenda, 25-anyos, residente at volunteer BPAT ng Barangay Colambog…
Read More2 PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE
CAVITE – Kapwa hindi umabot nang buhay sa ospital ang dalawang indibidwal makaraang masangkot sa aksidente sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Dra. Salamanca Hospital ang biktimang si alyas “Jerome” habang sa Silang Medical Specialist Hospital isinugod si alyas “James” subalit kapwa idineklarang dead on arrival dahil sa grabeng pinsala sa kanilang katawan. Ayon sa ulat, minamanaho ni Jerome ang kanyang sasakyan habang binabagtas ang Manila-Cavite Road patungo sa direksyon ng Cavite City proper bandang alas-5:30 ng umaga. Minamaneho naman ni alyas “Rodel ang…
Read MoreDELIVERY MAN DINUKOT, PINATAY NG ‘5 POLICE OFFICERS’?
MAGKATUWANG na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Carmona City Component Police Station at Tanauan City Police Station, hinggil sa insidente ng umano’y pagdukot at pagkamatay ng isang Foodpanda delivery man at pagkakasugat ng isang online seller. Kinilala ang namatay na si John Mark Samonte, 24, habang sugatan ang kasama nitong si Marithe Ashley Tila, 21. Nagsasagawa naman ng dragnet operation ang pulisya sa isang itim na Mitsubishi Montero na may plakang NCK 5430, na ginamit ng mga suspek, at isang itim na Toyota Wigo na may plakang ABT 2885, na pagmamay-ari…
Read MoreNA-DEPRESS SA ASTHMA, GOITER; GINANG NAGBIGTI
CAVITE – Hinihinalang dahil sa karamdamang asthma at goiter na nagdulot ng depresyon, ang dahilan ng pagbibigti ng isang 33-anyos na ginang sa Trece Martires City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Roxan, may asawa, ng Package 2, Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Ayon sa ulat, bandang alas-6:20 ng umaga nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kapatid nitong si Raymark, sa kanilang bahay sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite. Ayon kay Raymark, ang sakit na goiter at asthma ng biktima na nagdulot ng depresyon,…
Read MoreSa Kalangitan Landfill closure ILLEGAL DUMPSITES, MATINDING PAGBAHA PINANGANGAMBAHAN
NAGPAHAYAG ng pangamba si Senador Raffy Tulfo na ang local government units (LGUs) sa Central at Northern Luzon, ay babalik sa paggamit ng mga ilegal na dumpsite at pagtatapon ng basura sa mga kailugan na magdudulot ng matindi pang pagbaha, kung isasara ang Kalangitan Landfill sa Capas, Tarlac sa susunod na buwan. Sa kanyang privilege speech noong Martes, sinabi ni Senador Raffy Tulfo, ang napipintong pagsasara ng nag-iisang engineered sanitary landfill–na nagsisilbi sa dalawang rehiyon ng Central at Northern Luzon na may makapal na populasyon na binubuo ng mahigit 150…
Read MoreCHINESE NALAGLAG SA WAREHOUSE, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang Chinese steel structure specialist matapos na mahulog mula sa itaas ng ginagawang warehouse sa construction site sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Xiaolong Zhang, 48 anyos. Ayon sa report, nasa itaas ito ng ginagawang building sa loob ng compound ng Time Ceramics Philippines Inc. sa Brgy. Gelerang Kawayan. Habang nag-a-align ng mga bakal para sa kisame ang biktima nang mawalan ito ng panimbang, nahulog at bumagsak sa kongkretong sahig mula sa tinatayang 7 metrong taas. Grabeng…
Read MoreTUMANGAY NG MOTORSIKLO, MENOR DE EDAD ARESTADO
CAVITE – Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang isang 13-anyos na binatilyo na tumangay sa isang motorsiklo na nakaparada sa isang gasolinahan sa Gen. Trias City. Nasakote ng General Trias Component City Police Station ang isang 13-anyos na suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na isang 17-anyos na binatilyo. Ayon sa biktimang si alyas “Salvador”, isang pump attendant, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo na isang Honda TMX CCG125WHF, sa parking space ng gasoline station sa Brgy. Tejero, Gen Trias City, bandang alas-4:30 ng madaling araw…
Read MoreTEENAGER HULI SA 2 KILO NG SHABU
NADAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7), ang isang teenager makaraang makumpiskahan ng P13.6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Mandaue City nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nakumpiska mula sa 17-anyos na drug personality sa bayan ng Ubay sa Bohol, ang dalawang kilo ng shabu. Ayon kay Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, inilagay ng ahensya ang suspek sa isang case buildup sa loob ng dalawang linggo at matapos…
Read More