CAVITE – Arestado ang isang lalaki na nagpanggap na buyer makaraang tangayin ang ni-road test na motorsiklo sa bayan ng Silang, sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Silang Municipal Police Station ang suspek na si alyas “John” makaraang madakip matapos ireklamo ng biktimang si alyas “JR”. Ayon sa salaysay ni JR, nag-post siya sa Marketplace apps para sa ibinebenta niyang motorsiklo na isang Suzuki Raider na may plakang ND76558, kung saan tumugon ang suspek at nagkasundong magkita sa Brgy. Tubuan 2, Silang, Cavite bandang alas-7:30 ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P48-B DROGA NASAMSAM NG PDEA
IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot sa P47.94 bilyon ang halaga ng narcotics na nasamsam sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Base sa PDEA The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign, kabilang dito ang 6,231.13 kg. ng shabu, 74.72 kg. ng cocaine, 109,169 party drugs o ecstasy tablets, at 5,398.35 kg. ng marijuana na nasamsam mula Hulyo 2022 hanggang Agosto 31 ngayong taon. Samantala, 29,032 sa 42,000 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” sa parehong panahon…
Read MoreMISSING NA MANGINGISDA NASAGIP NANG BUHAY
HIMALANG nakaligtas at nasagip nang buhay ang isang mangingisda na mahigit ng isang buwang nawawala sa karagatan ng Pacific Ocean. Noong Huwebes, nasagip ng isang cargo vessel ang 50-taong gulang na si Robin Dejillo habang sakay ng kanyang maliit na bangka sa karagatang sakop ng Batanes matapos magpalutang-lutang sa dagat ng 46 na araw. Dehaydrated at halos hindi na ito makapagsalita nang matagpuan. Nagawa nitong makatagal sa karagatan sa pamamagitan ng tubig-ulan na siya nitong iniinom at sa mga isdang nahuhuli nito at bunga ng niyog na nakuha niya sa…
Read MoreP272K SHABU, BARIL, BALA, NASABAT SA 3 TULAK
CAVITE – Himas-rehas ang tatlong hinihnalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, makaraang nahulihan ng tinatayang P272,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek na sina alyas “Alex”, “Roilan” at “Princess”. Ayon sa ulat, bandang alas-10:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Intel/City Drug Enforcement Team…
Read More17 ARESTADO SA ILLEGAL FISHING SA QUEZON
QUEZON – Inaresto ng mga awtoridad ang 17 sakay ng isang commercial fishing boat dahil sa ilegal na pangingisda sa karagatan malapit sa Balesin island, sa bayan ng Polillo sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Nasabat ng nagsanib pwersang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A – Fisheries Protection and Law Enforcement CALABARZON, kasama ang Naval Forces Southern Luzon, PNP Polillo Maritime Group, at mga tauhan ng Philippine Army at ang Bantay Dagat Polillo, ang isang unmarked commercial fishing boat na napag-alamang gumagamit ng…
Read MoreSEAMAN, ASAWANG GURO NATUSTA SA SUNOG
HINDI nagawang makalabas ng kanilang nasusunog na bahay ang isang seaman at asawa nitong guro nang lamunin ng apoy ang kanilang baha noong Linggo hapon sa Lingayen, Pangasinan. Kinilala ang Lingayen PNP ang mag-asawang biktima na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher, naninirahann sa Barangay Matalava ng nasabing bayan. Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat base sa salaysay ni Roger de Guzman, ama ni Ronaly, nakaamoy ito ng tila nasusunog sa loob ng kusina bandang alas-2:40 ng hapon. Nagulat ito nang…
Read More32 PASAHERO NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA
NASAGIP ng Philippine Coast Guard Sub-Station sa Siasi, Sulu ang 32 indibidwal mula sa tumaob na pampasaherong motor banca noong Sabado, Setyembre 14. Umalis ang motor banca na pag-aari ni Aradjul J. Kahalan, sa Bongao, Tawi-Tawi patungong Jolo, Sulu, na may sakay na 23 pasahero at siyam na crew. Ayon sa kapitan na si Sam Sabturani, tumaob ang bangka habang naka-angkla sa layong 500 yarda sa kanluran ng Siasi Pier dahil sa masamang panahon. Isang concerned citizen na si Barok ang nagbigay ng impormasyon sa PCG na agad namang nagsagawa…
Read More6 patay kay ‘Ferdie’, 2 LPA binabantayan BLUE ALERT STATUS NG NDRRMC MANANATILI
NANATILING naka-blue alert ang puwersa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahit tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ferdie na nag-iwan ng anim kataong patay. Ayon sa NDRRMC, binabantayan nila ngayon ang dalawang low pressure areas na posibleng magpalakas sa umiiral na southwest monsoon at magdala ng malalakas na mga pag-ulan at pinsala sa apektadong mga lugar. Kinumpirma kahapon ng PAGASA state weather bureau, na may dalawang weather system ang kanilang binabantayan at naging ganap nang tropical depression. Paglilinaw ng PAGASA, ang…
Read MoreBANGKAY NG BATA SA SAKO, BUMULAGA SA TAYTAY
RIZAL – Isang bangkay ng batang babae na nakasilid sa sako ang nadiskubre sa Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana sa bayan ng Taytay sa lalawigan dakong alas-12:00 ng madaling araw nitong Biyernes. Kinilala ang biktimang si Rylai Kaye Barunn, 8-anyos, residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay, unang napaulat na nawawala noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report, nakita ng isang 43-anyos na babaeng residente sa lugar ang isang sakong asul na may nakasilid na kahina-hinalang bagay na iniwan sa unahan ng isang nakaparadang sasakyan sa Mabunga St. Purok 5. Agad…
Read More