P74K NG KUMPANYA WINALDAS NG SALESMAN SA ONLINE CASINO

CAVITE – Arestado ang isang salesman makaraang waldasin ang mahigit P74,000 na kita ng kumpanya sa online casino, sa Gen. Trias City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si alyas “Jaypee”, salesman ng MTW Battery Trading at residente ng Brgy. san Francisco Gen. Trias City, dahil sa reklamo ng negosyanteng si Mary Ann Barallas Sneng. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang ipaaresto ng biktima ang salesman nang matuklasan nitong kinupit ng suspek ang halagang P74,260,00 na kita ng kumpanya. (SIGFRED ADSUARA) 437

Read More

Natagpuan kasama ng P8-M shabu BABAE NAMATAY SA DRUG OVERDOSE

CAVITE – Hinihinalang namatay sa drug overdose ang natagpuang bangkay ng isang babae dahil sa nadiskubreng mahigit P8 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang bahay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Sa panayam kay Police Major Dennis Villanueva, chief of police ng Tanza Municipal Police Station, overdose ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng babaeng natagpuan sa isang bahay sa Phrist Park Subdivision sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite. “Wala tayong nakitang anomang foul play sa pagkamatay ng biktima kaya tinitingnan natin ang overdose sa…

Read More

RESIDENTE NG CSJDM TUTOL SA HUC

TINUTUTULAN ng nakararaming residente ng City of San Jose Del Monte sa Bulacan na maging Highly Urbanized City ang nasabing lungsod dahil hindi pa umano ito handa na maging isang fully independent city. Ito ang tiniyak ni District 2 City Councilor Romeo Agapito kaugnay ng nalalapit na Plebesito na gaganapin kasabay ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre 30, 2023 hinggil sa planong ihiwalay ang CSJDM sa provincial government ng Bulacan. Sa panayam kay Agapito, mahigpit nitong tinututulan ang pagiging isang highly urbanized city ng kanilang lungsod…

Read More

Barumbado sa pagmamaneho sinita PAHINANTE SUGATAN SA SAKSAK NG DRIVER

LUCENA CITY – Sugatan ang isang truck helper nang saksakin ng kanyang driver na sinita nito dahil sa barumbadong pagmamaneho ng kanilang truck sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Jeremy Soriano Guado, 26, residente ng Brgy. Macabaclay, Bongabon, Nueva Ecija. Ayon sa report, mag-aalas-11:00 ng gabi nang magkasagutan ang biktima at ang nakainom na driver ng truck na si alyas “Felix”, 46, na kababayan ng biktima, habang sila ay bumibiyahe sa Lucena City proper para mag-deliver ng mga sibuyas sa Lucena City…

Read More

INIINDANG SAKIT TINAPOS SA LUBID

TAGAYTAY CITY – Hinihinalang dahil sa iniindang sakit kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki sa likod ng isang hotel sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Zaldan” ng Bgy. Francisco, Tagaytay City, na pinaniniwalaang may ilang oras nang patay bago natagpuan. Ayon sa salaysay ni Rolando Rodil, 64, maintenance staff ng Econo Inn sa Brgy. Francisco, Tagaytay City, nagsasagawa siya ng roving inspection sa likurang bahagi ng hotel nang mapansin nito ang biktima na nakabitin sa steel ladder ng fire exit…

Read More

HUBAD NA BANGKAY NG BABAE, P8-M SHABU NADISKUBRE SA CAVITE

CAVITE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P8 milyong halaga ng umano’y shabu nang magresponde ang mga ito hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa isang bahay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang 30-35 anyos, natagpuang walang buhay at walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama sa isang bahay sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa natagpuang…

Read More

2 ANAK KINATAY NG INA SAKA NAGLASLAS NG LEEG

CAVITE – Hinihinalang naburyong ang isang ina kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang 4-anyos at 3-anyos na anak saka tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa ospital si Clarisse Tapang y Romalte, 26, may live-in partner, ng Brgy. Pacheco, Magallanes, Cavite, suspek sa pagpatay sa dalawa niyang anak. Ayon sa ulat ni Police Corporal Kervi G. Lopez ng Magallanes Municipal Police Station, dakong alas-9:40 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil…

Read More

BANK TELLER PATAY SA SALPOK NG CLOSED VAN TRUCK

QUEZON – Patay ang isang teller ng bangko nang masagasaan ng isang closed van truck sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Francis Segarra Sunga, 26, residente ng Barangay Binambang. Ayon sa report ng pulisya, ang biktima ay nasagasaan ng Isuzu closed van nang ito ay biglang tumawid sa highway dakong alas-6:00 ng gabi. Hindi na ito naiwasan ng truck na noon ay patungo sa direksyon ng Maynila. Isinugod ang biktima sa Saint Jude Hospital sa nasabing bayan…

Read More

SASAKYAN BUMANGGA SA POSTE, 1 PATAY

TAGAYTAY CITY – Patay ang isang babae habang sugatan ang asawa nito nang bumangga ang minamanehong Toyota Grandia ng huli sa isang konkretong poste sa gilid ng kalsada sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital ng Tagaytay ang mag-asawang sina Patrick Ambat y Tactay, 33, at Juvy Ambat y Mortel, 38, subalit hindi umabot nang buhay ang ginang. Ayon sa ulat, minamaneho ni Patrick ang isang Toyota Hiace GL Grandia na may plakang DEZ 4132, kasama ang kanyang asawa at binabagtas ang east direction patungo…

Read More