2 ANAK KINATAY NG INA SAKA NAGLASLAS NG LEEG

CAVITE – Hinihinalang naburyong ang isang ina kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang 4-anyos at 3-anyos na anak saka tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa ospital si Clarisse Tapang y Romalte, 26, may live-in partner, ng Brgy. Pacheco, Magallanes, Cavite, suspek sa pagpatay sa dalawa niyang anak. Ayon sa ulat ni Police Corporal Kervi G. Lopez ng Magallanes Municipal Police Station, dakong alas-9:40 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil…

Read More

BANK TELLER PATAY SA SALPOK NG CLOSED VAN TRUCK

QUEZON – Patay ang isang teller ng bangko nang masagasaan ng isang closed van truck sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Francis Segarra Sunga, 26, residente ng Barangay Binambang. Ayon sa report ng pulisya, ang biktima ay nasagasaan ng Isuzu closed van nang ito ay biglang tumawid sa highway dakong alas-6:00 ng gabi. Hindi na ito naiwasan ng truck na noon ay patungo sa direksyon ng Maynila. Isinugod ang biktima sa Saint Jude Hospital sa nasabing bayan…

Read More

SASAKYAN BUMANGGA SA POSTE, 1 PATAY

TAGAYTAY CITY – Patay ang isang babae habang sugatan ang asawa nito nang bumangga ang minamanehong Toyota Grandia ng huli sa isang konkretong poste sa gilid ng kalsada sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital ng Tagaytay ang mag-asawang sina Patrick Ambat y Tactay, 33, at Juvy Ambat y Mortel, 38, subalit hindi umabot nang buhay ang ginang. Ayon sa ulat, minamaneho ni Patrick ang isang Toyota Hiace GL Grandia na may plakang DEZ 4132, kasama ang kanyang asawa at binabagtas ang east direction patungo…

Read More

EMPLEYADO NALUNOD SA COMPANY OUTING

CAVITE – Nabahiran ng lungkot ang masayang outing ng mga manggagawa ng isang kumpanya, nang umano’y malunod ang isang 31-anyos na empleyado sa pool sa isang resort sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Isinugod sa ospital ang biktimang si Jayboy Lagari y Halog, 31, subalit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat, nagkayayaang mag-outing ang mga manggagawa ng isang kumpanya sa Hardin ng Postema sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite kung saan nag-inuman ang mga ito. Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay lumusong sa pool…

Read More

VAN NAHULOG SA ELEVATED PARKING LOT, 6 SUGATAN

BATANGAS – Anim na magkakapamilya ang nasugatan nang ang sinasakyang van ng mga ito ay mahulog mula sa elevated parking lot sa rooftop ng San Juan public market sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Sabado ng tanghali. Ayon sa report ng San Juan Police, paalis na ang mag-anak sa parking lot nang ang minamanehong Starex van ng 54-anyos na padre de pamilya na si Juan Perez, ay magkaroon ng ‘malfunction’ at nawalan ito ng kontrol. Sumalpok muna ito sa mga metal barrier bago nalaglag…

Read More

2 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CAVITE – Patay ang isang rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo habang nagulungan naman ang isa pang rider ng isang truck na may backhoe, sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ang biktimang si alyas “Arnulfo”, 57, ng Brgy. San Esteban, Dasmariñas City, ay idineklarang dead on arrival sa Pagamutan ng Dasmarinas City, habang namatay sa pinangyarihan ng insidente si alyas “Gary”. Ayon sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi, habang minamaneho ni Arnulfo ang kanyang motorsiklong Yamaha Fazzio at binabagtas ang Phase 2 ng Town and County…

Read More

HVI TIMBOG SA P1.5-M SHABU SA LUCENA

LUCENA CITY – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang high value individual (HVI) sa drug watchlist, sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Isabang sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi. Hindi nakapalag ang suspek na si Frederick Apuya nang damputin ng mga operatiba ng Quezon PNP Provincial Drug Enforcement Unit at ng mga tauhan ng Lucena police station sa isinagawang buy-bust operation pasado alas-9:00 ng gabi. Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 grams at…

Read More

LALAKI PINALAKOL HABANG NAGDARASAL SA CHAPEL

PAMPANGA – Patay ang isang lalaki makaraang tagain ng palakol ng kanyang kasamahan sa relihiyon, habang nagdarasal sa kanilang chapel sa Brgy. Sampaloc, sa bayan ng Apalit sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Franklin Quiamba, nasa hustong gulang, at kasapi ng isang sekta sa kanilang lugar. Ayon sa report ng Apalit police, nagdaraos ng pista ng pasasalamat ang mga miyembro ng simbahan ngunit habang nagdarasal ang biktima nang lumapit umano ang suspek na si Fernando Llangco Gapuz, 56, residente ng Valenzuela City, at biglang inundayan ito ng taga ng…

Read More

HIGH RISK AREAS SA MINDANAO TUTUKAN NG AFP

TINIYAK ni Armed Forces of the Philippine-Western Mindanao Command chief, Lt. General Steve Crespillo na nagpapakita sila ng dagdag na puwersa sa itinuturing na high risk areas bago pa sumapit ang October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan election. Inihayag ng heneral na magde-deploy ang militar ng mga tauhan nito upang maging katuwang ng PNP sa monitoring lalo na sa lugar na mataas ang antas ng karahasan. Pahayag ni Lt. Gen Crespillo, ibibigay ng Western Mindanao ang kanilang ‘best effort’ para matiyak ang seguridad sa BSKE 2023. Ayon kay WESTMINCOM Commander…

Read More