NORTHERN QUEZON, UNANG HINAGUPIT NI TS KARDING

UNANG hinagupit ng Super Bagyong Karding ang extreme Northern Quezon kabilang ang mga islang bayan sa Polillo Group of Islands at ang Real, Infanta at General Nakar (Reina) Area. Ayon kay Quezon PDRRMO head Dr. Mel Avenilla, dakong alas-3 ng hapon nang magsimulang lumakas ang hangin na may kasamang pag-ulan sa mga islang bayan ng Polillo, Panukulan, Patnanungan Burdeos at Jomalig na pawang nasa karagatan na nakaharap sa dagat Pasipiko. Sa bayan ng Jomalig, halos 80 porsyento na ng mga residente ng 5 barangay ang nasa mga evacuation center. Ang…

Read More

MAG-INA, PAMANGKIN HULI SA P1.6-M DROGA

RIZAL – Arestado ang mag-ina at pamangkin makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng ilegal na droga sa anti-illegal drugs operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A – Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Joana Babasa y Cielo alyas “Joan”, high value individual; Ana Mae Oliva y Babasa, at Neavie Guzman y Babasa, pawang nakatira sa Brgy. Ampid sa nasabing bayan. Ayon kay…

Read More

P612K DROGA NASABAT SA TULAK, ADIK SA RIZAL

RIZAL – Kalaboso ang 9 na katao makaraang makumpiskahan ng 150 gramo ng umano’y shabu sa anti-drug operation ng mga operatiba ng Cainta PNP noong Sabado sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A – Regional Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Mary Claire Gamoza Rivera, Leslie Atienza Noche, Manuel Tutal Hibay, Alexie Paolo Santos Nilo, Jean Michael de Jesus Ealdama, Erwin Tudla Naval, Erwin Mina Angeles, Joy Dait Bernabe at…

Read More

Ikinulong ng employer? 2 CHINESE, NAGPASAKLOLO SA CAVITE POLICE

CAVITE – Nagpasaklolo sa Cavite Police ang dalawang Chinese national na umano’y ilegal na ikinulong sa kanilang pinagtatrabahuan at hindi pinapasuweldo ng halos limang buwan sa Bacoor City, noong Linggo ng madaling araw . Kinilala ang mga biktimang sina Hao Chen, 30, at Jiaxin Liu, 34, kapwa customer service ng Brickhartz Technology Inc. sa Shuanama Industrial Park, Bacoor Boulevard, Brgy. Niog III, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Police, nabunyag  ang nasabing aktibidad dahil sa reklamo nina Vanessa Joy Bayog at Jackie Casas…

Read More

ILEGAL NA SUGAL SA MINDORO ‘DI MASUGPO NI GEN. HERNIA?

PATULOY ang operasyon ng ilegal na sugal partikular ang jueteng sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa kabila ng isinagawang panghuhuli kamakailan ng mga tauhan ni Police Regional Office (PRO4B) Regional Director PBGen Sidney Hernia. Ayon sa mga nagrereklamong residente, matapos ang hulihan ay ilang araw nahinto ang bolahan ng jueteng na ang ginagamit ay Peryahan ng Bayan. Ngunit ngayon ay tuloy na naman umano ang ligaya sa ilegal na sugal sa labing-apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro. Banggit pa ng mga nagrereklamo, ang jueteng na nakatago sa…

Read More

BULACAN LGUs NAGKAISA SA PAGRESOLBA SA MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon at kasaysayan ng Bulacan, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa pangunguna nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro upang resolbahin ang mga kasalukuyang problema ng lalawigan sa ginanap na kumperensya na may temang “Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management” sa The Manor, Camp John Hay, Baguio City mula Setyembre 19 hanggang 21, ngayong taon. Kabilang sa mga dumalo rito ay ang lahat ng mga punong lungsod at punongbayan, pangalawang punong lungsod at bayan, bokal, ahensya ng pamahalaang nasyunal, at mga pinuno…

Read More

2 DRUG GROUP MEMBERS, 2 PA TIMBOG SA RIZAL

RIZAL – Nasukol ang apat na katao sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PIU sa Sitio Tadlak, Brgy. Looc, sa bayan ng Cardona sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Iniulat ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay, kay Calabarzon Acting Regional Director Police Brigadier Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina John Carlo Santos y Roldan, alyas “Dune”, lider ng John Carlo Santos drug group; Janie Sesbreño y Toleno, miyembro; at dalawang high value individual na sina Mark Nelson Belleza…

Read More

Nagtalo sa dami ng utang MISTER ARESTADO SA PAGPATAY KAY MISIS

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang 25-anyos na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa isang subdibisyon sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw.   Kasong murder ang isinampa laban sa suspek na si Glen Fuentes y Manili, dahil sa pagpatay sa live-in partner na si Rutchie Elegio Jamero, 41, kapwa residente ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite   Si Rutchie ay binaril at napatay ng suspek dakong alas-3:00 noong Lunes ng madaling araw sa kanilang bahay   Ayon sa ulat ni…

Read More

3 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA QUEZON

patay

QUEZON – Tatlong hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army ang nalagas sa engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng rebeldeng grupo sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito, noong Martes. Batay sa report ng General Nakar Police, nagsasagawa ng focus military operation ang isang platoon ng Army sa pamumuno ng isang  1Lt. Genosolanggo, nang makasagupa ng mga ito ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde sa Kimaloab, Sityo  Lagak, Barangay Pagsangahan, General Nakar dakong ala-1:00 ng hapon. Tumagal ng ilang minuto ang labanan hanggang sa umatras…

Read More