BULACAN – Pinangunahan ng SM Foundation ang isang medical at dental mission sa SM City Marilao, kung saan nasa 982 residente ng Bulacan ang nakatanggap ng libreng pangangalagang medikal mula sa nagsama-samang mga boluntaryong doktor, health workers, at iba pang mga propesyonal sa medisina noong Pebrero 26, 2026. Ang misyong ito ay nagbigay ng iba’t ibang serbisyo upang mapataas ang akses sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagsubaybay sa presyon ng dugo, mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng uric acid, kolesterol, hemoglobin, screening ng asukal sa dugo, bone scan, pagsusuri…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Makalipas ang siyam na taon MARAWI SIEGE: 300 PA RIN ANG MISSING — ICRC
SIYAM na taon matapos ang 2017 Marawi siege, nasa 300 katao pa rin ang hindi natatagpuan, ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC). Patuloy umanong hinahanap ng kanilang mga pamilya ang mga nawawala na pinaniniwalaang nasawi sa armadong hidwaan sa Marawi. Nitong nakaraang taon, naglabas ng fatwa ang BARMM Darul Ifta na nagpapahintulot sa paghukay ng mga labi sa Maqbara cemetery kasunod ng konsultasyon sa mga ulama. Ayon kay Aleem Ansary Abdulmalik, chairman ng Ulama Council ng Lanao del Sur, layunin ng paghuhukay na makilala ang mga labi…
Read MoreHALOS P4.8-M NATANGAY SA PAMILYANG NILOOBAN, GINAPOS NG 6 ARMADO
TINUTUGIS ng pulisya ang anim na lalaki na sakay ng Toyota Fortuner matapos pasukin at looban ang isang bahay sa subdivision sa Imus kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa biktimang si alyas “Marie,” 38, real estate sales officer at residente ng Legian 1 Subdivision, Brgy. Carsadang Bago, dakong alas-3:10 ng umaga nang sirain ng mga suspek ang padlock ng gate at pasukin ang kanilang bahay. Iginapos umano ang biktima, ang kanyang asawa at anak gamit ang tali at tinakpan ng adhesive tape ang kanilang mga bibig bago tinangay ang tinatayang…
Read More18K ESTUDYANTENG BULAKENYO TUMANGGAP NG EDUCATIONAL AID
AABOT sa 18,000 estudyante sa Bulacan ang regular na tumatanggap ng educational assistance sa ilalim ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando kasama si Vice Gov. Alexis Castro ang Scholarship Grant Payment para sa 1,900 benepisyaryo sa ginanap na general assembly sa Bulacan Capitol Gymnasium. Muling humarap sa publiko si Fernando, at pinasinungalingan ang kumalat sa social media na umano’y nagtatago siya dahil sa insidente ng pananakit kaugnay ng sinasabing road rage. Ang tulong ay P3,000 para sa mga naka-enroll sa…
Read MoreMAG-AMA BINARIL NG EX-KAGAWAD; 6-ANYOS PATAY
PATAY ang isang 6-anyos na bata matapos pagbabarilin ng dating barangay kagawad ang mag-ama sa Silang kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang mag-amang sina alyas “Sab,” 35, caretaker, at anak nitong si alyas “Ruel,” 6, kapwa residente ng Brgy. Pasong Lanka, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis ngayon ang suspek na si alyas “Elpedio,” 68, residente ng Brgy. Ulat at dating barangay kagawad sa ibang barangay. Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang…
Read More2 LTO-7 EXECS PINASISIBAK SA ‘P8-M KADA BUWAN’ SCHEME
PINAGPAPALIWANAG at pinatatanggal sa pwesto ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez ang dalawang matataas na opisyal ng Land Transportation Office-Central Visayas (LTO-7) kaugnay sa umano’y P8 milyong buwanang “koleksyon” sa rehiyon. Labis na ikinagalit ng kalihim ang isyu nang bumisita siya sa Cebu noong Pebrero 20 para inspeksyunin ang paghahanda sa Mactan-Cebu International Airport kaugnay ng 2026 ASEAN Summit. Ayon sa source, doon isinumbong kay Lopez ang umano’y P8-million monthly collection scheme sa LTO-7. “Si Sec. Lopez ay halatang galit. Sinabi sa kanya na ang LTO-7 ay diumano’y…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN, PAMANGKIN PATAY SA AMBUSH; 2 PA SUGATAN
DEAD on the spot ang isang barangay chairman at ang pamangking babae nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan, na ikinasugat din ng misis ng opisyal, at isa pang lalaki na kasama sa convoy noong Martes ng gabi sa sa bahagi ng Calaba Bridge sa Bangued, Abra. Ayon sa inisyal na ulat, pasado alas-6:00 ng gabi nang tambangan at pagbabarilin sa bahagi ng Calaba Bridge, ang convoy nina Barangay Captain Ezequiel Parado, 35-anyos, ng Barangay Collago, Lagayan, Abra, na ikinasawi nito at ang kanyang pamangkin na si Arlene…
Read MoreMAHIGIT P3-M SHABU, NASAMSAM SA 2 TULAK
CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak na kabilang listahan ng high value individuals ng pulisya, at nasamsam ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 in Rel. to Sec 26B, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, ang naarestong mga suspek na sina alyas “Yolly”, 70, at “Arnie”, 29, kapwa residente ng Tramo, Talaba 1, Zone 7, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-5:01 ng…
Read MoreAKYAT-BAHAY TIMBOG MATAPOS TUMALON AT BUMAGSAK SA BARANGAY TANOD SA GEN. TRIAS
NAARESTO ang isang hinihinalang akyat-bahay matapos itong bumagsak sa isang barangay tanod nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng nilooban nitong bahay sa Gen. Trias City, Cavite noong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek sa alyas na “Daniel” at kasalukuyang nasa kustodiya ng Gen. Trias Component City Police Station. Ayon sa ulat, pinasok umano ng suspek ang bahay ng alyas na “Judy” sa Brgy. Pasong Kawayan 2 bandang alas-5 ng umaga sa pamamagitan ng hindi naka-lock na bintana. Tinangay umano ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P16,000 ngunit napansin ito…
Read More