NO. 9 MOST WANTED SA REGION 6, ARESTADO

ARESTADO ang tinaguriang rank no. 9 most wanted person ng regional level ng Police Regional Office 6 (PRO6) na may kasong rape. Hindi nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ng Panay Municipal Police Station ang warrant of arrest noong Lunes ng umaga. Kaagad naaresto ang target na si alyas “Josh”, 23-anyos, sa isinagawang manhunt operation dakong alas-11:33 ng umaga noong Oktubre 5, 2026, sa Brgy. Cogon, Panay, Capiz. Ikinasa ng mga operatiba ng Panay Municipal Police Station (MPS) Warrant Section ang operasyon sa bisa ng warrant…

Read More

3 BATA, 1 PA PATAY SA PAGSABOG NG RIFLE GRENADE SA ISABELA

APAT katao, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi matapos sumabog ang hinihinalang rifle grenade sa Barangay Sinamar, Roxas, Isabela, bandang alas-9 ng umaga noong Linggo, Oktubre 4. Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ang isang 8-anyos na bata na agad pumanaw sa pinangyarihan ng insidente matapos umano nitong mapulot ang isang hindi pa matukoy na bagay at ihagis sa bato. Nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 85-anyos na babae at dalawa pang bata na edad 8 at 10. Apat pang bata ang nasugatan sa insidente…

Read More

PRO-DUTERTE VLOGGER AT MANAGER NG MINING COMPANY ITINUMBA

PATAY sa pamamaril ang isang manager ng mining company at kilalang pro-Duterte vlogger nitong Linggo ng umaga sa CarCan, Surigao del Sur. Nakilala ang biktima na si Philip M. Engbino, 48-anyos, may-asawa at residente ng Minglanilla, Cebu. Si Engbino ay manager ng EZMMI GenCon ng Strong Group Mining Corporation (SGMC) at aktibo rin sa social media bilang isang pro-Duterte vlogger. Sa ulat, minamaneho ni Engbino ang isang puting pick-up habang binabagtas ang national highway sa Barangay Bacolod, Carrascal, Surigao del Sur nang bigla itong pagbabarilin dakong alas-6:00 ng umaga. Batay…

Read More

11 SUGATAN SA PANANAMBANG SA MILITARY CONVOY SA BASILAN

LABING-ISANG tauhan ng pamahalaan ang nasugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang lawless elements o terrorist group ang military convoy sa Tipo-Tipo, Basilan, kahapon ng umaga. Tatlo sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang pananambang sa mga tauhan ng Philippine Army. Bukod sa anim na sundalo mula sa 45th Infantry Battalion (45IB), kabilang din sa mga nasugatan ang mga miyembro ng Civilian Armed Auxiliary (CAA), dahilan upang umabot sa 11 ang kabuuang bilang ng mga biktima. Ayon sa Joint Task Force Orion, tinatahak ng mga tauhan ng 45IB…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS AT PEDESTRIAN SUGATAN

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas at isang babaeng tumatawid sa kalsada matapos masagasaan ng motorsiklo ang huli at bumangga sa isang Toyota Corolla sa Governors Drive, Barangay Poblacion 1A, Ternate, Cavite, Sabado ng gabi. Kinilala ang motorcycle driver na si alyas Ricky at angkas nitong si alyas Jomar. Kapwa si;a isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Ricky dahil sa malalalang sugat sa katawan. Samantala, isinugod naman sa Tanza Doctors Hospital ang babaeng tumatawid na si alyas Nice, na patuloy…

Read More

PCG sa pagtaboy sa Chinese research vessel CHINA NOTORYUS SA PAGPUTOL NG SUBSEA CABLES

ITO ang dahilan kung bakit nag-deploy ang Philippine Coast Guard ng patrol vessel at eroplano para paalisin ang JIA HAI KE 7, na hinihinalang nagsasagawa ng hindi awtorisadong marine scientific research sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, “Itong Chinese research vessel na ito, kaya ito concerning is because it has the capability to locate some sea cables.” “Ibig sabihin, underneath sa karagatan. itong critical infrastructure natin, ‘yung sub-sea cables which is our national interest concerning telecommunications,…

Read More

MASS SHOOTING SA LA SALLE DASMA, FAKE NEWS

NILINAW ng Dasmariñas City Police na walang nangyaring shooting incident sa La Salle Dasma. Nauna nang kumalat sa social media na may naganap na mass shooting sa lugar. Nang beripikahin at imbestigahan ng investigation section ng pulisya ang nasabing impormasyon ay negatibo naman ito. Subalit, hiwalay naman ito sa natuklasan na labi ng babae sa loob ng isang sasakyan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Barangay Burol Main noong gabi ng Setyembre 30. Ayon sa pulisya, misleading ang mga post na pinagsama ang dalawang insidente. Wala…

Read More

TANKER VESSEL NASUNOG, 2 CREW NASUGATAN

NASUNOG ang isang tanker vessel habang nasa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas noong Miyerkoles ng gabi na ikinasugat ng dalawang crew members. Batay sa ulat ng PCG Southern Tagalog District, agad nagresponde ang Coast Guard Sub-Station Lemery kasama ang BFP Calaca City, at isang lokal na tugboat matapos makatanggap ng impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO. Ang Motor Tanker na MTKR GINDARA, na may kargang molasses, ay mayroon umanong 22 crew members nang sumiklab ang apoy sa engine room.…

Read More

Sa loob ng kotse sa unibersidad ESTUDYANTE NATAGPUANG MAY PLASTIC SA ULO, MAY TALI SA LEEG

MASUSING nag-iimbestiga ang pulisya kung nagpakamatay ang isang estudyante ng isang kilalang unibersidad matapos matagpuang nakabalot sa plastic ang ulo at may tali sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa parking area ng De La Salle Medical Health Science Institute sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Gus”, 24, estudyante, residente ng South Grove Estate Subd., Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, hinahanap ng kanyang tiyahin ang biktima dahil hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay Tinangka…

Read More