CASH AID. Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro kasama si Gloria Carillo, hepe ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang pamamahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) 2022 mula sa Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa pamamagitan ng Regional Field Office nito sa nasa 1,803 benepisyaryong magsasaka ng palay mula sa Unang Distrito sa Bulacan Sports Complex, lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Setyembre 12, 2022. UPANG punan ang kawalan sa kita ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
UMBAGERONG PULIS INIREKLAMO NG ‘EX’
QUEZON – Nahaharap sa kasong physical abuse ang isang pulis matapos na ireklamo ng kanyang dating live-in partner na kanya umanong binugbog sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Noong Martes, dumulog sa pulisya ang biktimang si alyas “Ana” at ipinagharap ng reklamo ang kanyang dating ka-live-in na miyembro ng Lopez MPS na may ranggong police corporal. Ayon dito, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang dumating ang pulis sa kanyang bahay at nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog ng suspek. Tinakot pa ito ng pulis…
Read More2 TRIKE SINALPOK NG TRUCK, 4 PATAY
QUEZON – Apat na katao ang namatay at lima ang nasugatan matapos makasalpukan ng isang truck ang dalawang tricycle sa Maharlika highway sa Barangay Ikirin, sa bayan ng sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles. Batay sa imbestigasyon ng Pagbilao Police, dakong alas-9:00 ng umaga, nasabitan ng elf truck na minamaneho ng 42-anyos na si Junior Rafael Jovinal , ang tricycle na minamaneho ng 24-anyos na si Marvin Aro Lopez na may apat na pasahero, kabilang ang isang bata. Base sa kuha ng CCTV sa lugar, galing sa kurbadang bahagi ng highway ang tricycle at halos sakop nito ang kabilang lane kaya bumangga ito sa kasalubong na northbound…
Read MoreDALAGITA NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
CAVITE – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Cavite Police upang matukoy at maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Apat na mga kalalakihan ang ‘persons of interest’ ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, isang Grade 9 student, at residente ng Trece Martires City. “Yung apat na menor de edad na naunang persons of interest ay pinakawalan na namin dahil wala namang maiuugnay sa kanila, pero meron…
Read MoreP10-M SHABU NASAMSAM SA VENDOR SA MARIKINA
TINATAYANG P10 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Marikina PNP at District Special Operation Unit (DSOU) sa 32-anyos na vendor noong Lunes ng gabi sa Marikina City. Kinilala ang nadakip na si Habib Pangalian y Ampuan, may asawa, ng Brgy. Fortune ng lungsod. Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang magkasanib na puwersa ng Marikina PNP, EPD, District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operation Unit at DECU sa McDonald Avenue, Brgy. Sto. Niño,…
Read MoreNAGLAHONG KALSADA
GINAMITAN ng heavy equipment para maalis ang makapal na putik at abo na tumakip sa mga kalsada sa ilang barangay sa bayan ng Agoncillo. MISTULANG naglaho ang mga kalsada sa ilang barangay sa Agoncillo, Batangas nang matakpan ng putik at abo galing sa bulkan dahil sa malalakas na pag-ulan noong Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw. Ayon sa MDRRMO ng Agoncillo, nagkaroon ng makakapal na soil deposits sa Agoncillo-Laurel Circumferential Road dahil sa mga landslide at mudslide na tinangay ng mga baha patungo sa mga kalsada. Ayon pa sa MDRRMO,…
Read MoreHIPAG IPINAARESTO SA KINUPIT NA P50K
CAVITE – Ipinaaresto ng isang ginang ang kanyang hipag na inakusahan nitong tumangay ng kanyang P50,000 cash sa kanyang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Chewie Tolentino y Magpayo, 43, dahil sa reklamo ng kanyang hipag na si Irene Tolentino y Gabriel, 40-anyos. Ayon sa salaysay ni Irene kay Corporal Christian Espiritu ng Mendez Police Station, dumalaw ang kanyang hipag at asawa nito sa kanilang bahay sa Brgy. Panungyan 2, Mendez, Cavite dakong alas-2:30 ng hapon. Habang…
Read More2 RIDER PATAY, 1 SUGATAN SA SALPOK NG KASALUBONG
PATAY ang dalawang motorcycle rider makaraang mabangga ng kanilang kasalubong sa magkahiwalay na aksidente sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite nitong Linggo. Batay sa report ng CALABARZON Police, parehong sumalpok ang dalawang motorsiklo sa kanilang kasalubong dahil sa pag-overtake at pagsakop sa opposite lane ng highway. Unang namatay ang motorcycle rider na si Charles Jewel Rara matapos na sumalpok sa kasalubong na tractor head truck sa Maharlika highway sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna dakong alas-5:20 ng umaga. Samantala sa General Trias, Cavite, dead on arrival sa ospital ang motorcycle rider na…
Read MoreMAYOR SA MAGUINDANAO TIMBOG SA PNP-CIDG SA DOUBLE MURDER
NASA ilalim ng hospital arrest ang isang Maguindanao town mayor na kapatid ni dating Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu, dahil sa pagkakadawit sa pagpatay sa isang mag-asawa sa Sultan Kudarat, 12 taon na ang nakalilipas. Inaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, BangsaMoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)-CIDG Field Unit, ang 44-anyos na si Khaddafe “Toy” Mangudadatu, mayor ng Pandag, Maguindanao, sa Royal Mandaya Hotel sa Palma St. sa Davao City, dakong alas-4:15 noong Linggo ng hapon. Ayon kay Lieutenant Colonel Bernard Lao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group…
Read More