UMABOT sa P936 milyong halaga ng asukal ang nadiskubre sa isang bodega sa inilunsad na joint inspection sa ilang bodega sa Meycauayan, Bulacan. Matapos na ma-validate ang nakalap na intelligence information ay agad ikinasa ang joint inspection sa tinukoy na mga bodega ng pinagsanib na pwersa mula Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Enforcement and Security Service-Quick Response Team (ESS-QRT), katuwang ang Armed Forces of the Philippine-Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), Philippine National Police-Criminal Investigation…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ARMAS, PAMPASABOG NASAMSAM NG MILITAR
NADAGDAGAN na naman ang bilang ng narerekober na mga armas ng Spear Troopers at Philippine National Police (PNP) mula sa Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon, . Ayon kay Lt. Col. Nelson B. Mico, Commanding Officer ng 22nd Infantry Battalion (22IB), ilang mga residente ang nagpaabot ng sumbong sa kanilang tropa hinggil sa mga nakatagong armas sa isang koprahan. Isang joint AFP at PNP operation ang binuo at sa pangunguna ng Philippine Army 22nd Infantry Battalion katuwang ang local PNP, ay sinalakay ang ang…
Read More3 SUGATAN SA PAGSABOG NG LUMANG PAPUTOK
CAVITE – Tatlo ang sugatan, anim na sasakyan at ilang kabahayan ang nasira makarang sumabog ang mga lumang paputok sa isang bahay sa Imus City, noong Biyernes ng umaga. Isinugod sa Our Lady of Pilar Medical Center ang mga biktimang sina Marylyne Ochoa y Garcia, 56, at Alaisa Marie Ochoa y Garcia, 28, habang sa Medical Center Imus naman isinugod si Jay Arvin Ochoa y Garcia, dahil sa mga sugat sa kanilang katawan. Masuwerte naman na hindi nasugatan ang iba pang mga miyembro ng pamilya na sina Agapito Ochoa y…
Read MoreSINGKABAN FESTIVAL 2022 UMARANGKADA NA
CITY OF MALOLOS- Nagsimula na ang selebrasyon ng lalawigan ng Bulacan sa tinaguriang “mother of all fiestas” – ang Singkaban Festival 2022 sa pormal na pagbubukas nito na ginanap sa harap ng kapitolyo nitong Huwebes, Setyembre 8, 2022. Ito ang kauna-unahang face-to-face celebration ng pamahalaang panlalawigan sa naturang okasyon makaraan ang 2 taong pandemiya kung saan ang bawat dumalo ay nag-enjoy sa “Parada ng Karosa” bilang bahagi ng selebrasyon. Ayon kay Katrina Anne B. Balingit, head of Provincial Public Affairs Office, ang selebrasyon sa taong ito ay kinasabikan dahil sa…
Read MoreCRIME GROUP LEADER HULI SA MANHUNT
LAGUNA – Nasakote ng mga awtoridad ang hinihinalang lider ng crime group sa isinagawang manhunt operation ng Biñan CPS noong Miyerkoles. Ang suspek ay kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, na si Gerald Cerdeña, 40-anyos, lider umano ng criminal group na nag-ooperate sa lalawigang ito at karatig na mga lugar sa Cavite. Nahaharap ang suspek sa 2 counts ng robbery na isinampa noong Agosto 22, 2022 na may inirekomendang piyansa na P100,000 bawat bilang. Samantala, arestado rin ang rank no.5 most wanted person na isang 71-anyos na lolo sa…
Read MoreSUSPEK SA KIDNAPPING SA CAVITE, SUMUKO
CAVITE – Kasama ng mga kamag-anak, sumuko sa mga awtoridad ang isang 56-anyos na lalaki na may kasong kidnapping at serious illegal detention sa Imus City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Si Alvin Miranda y Dumaliang ng Bacoor City, ay sinamahan ng kanyang mga kamag-anak sa pagsuko sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City. Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Imus City Police Station, matapos malaman ng mga kamag-anak ni Miranda na may nakabinbin itong kaso ng kidnapping at serious illegal detention, agad nilang kinumbinsi ang suspek…
Read More5 GURO SA BACOOR NA INIREKLAMO NG SEXUAL HARASSMENT KINASUHAN NA
CAVITE – Pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Education ang lima sa pitong high school teachers na inakusahang ng sexual harassment sa Bacoor City. Ayon kay DepEd spokesman, Attorney Michael Poa , ang limang guro ng Bacoor National High School ay nahaharap sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, at violation of DepEd Order 40, Series of 2012. Sinabi rin ni Poa na suspendido na ng 90-days ang hindi pa pinangalanang mga akusado. Ipinatutupad ang zero-tolerance policy sa lahat ng pang-aabusong ginagawa sa mga paaralan lalo…
Read MoreBINATILYO NABITAG SA P.5-M SHABU
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P500,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang isang 18-anyos na binatilyo sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Jam Balanon ng Brgy. San Antonio De Padua 2, Dasmarinas City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba ng Dasmariñas City Police Station, alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Office…
Read More3 PATAY SA MOTOR NA SUMALPOK SA TRUCK
BATANGAS – Tatlong magkakaibigan na sakay ng motorsiklo ang namatay matapos na ang kanilang sasakyan ay sumalpok sa likuran ng truck na nakaparada sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Jenny Lyn Alvarez, 29; Daniella Tracy Alava, 21, at ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Billy Joe Aquino, 27-anyos. Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga ito ang highway nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihan ng truck na nakatigil at nasiraan sa Diversion Road sa Barangay Latag. Grabeng napinsala ang ulo at…
Read More