Akala ay kanyang mister GINANG MUNTIK MA-RAPE NG TIYUHIN

QUEZON – Isang 26-anyos na ginang ang muntik nang magahasa ng kanyang tiyuhin habang natutulog sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, sa bayan ng Panukulan sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong attempted rape ng suspek na si Amado Venida matapos na ipagharap ng sumbong ng biktima sa Panukulan Police Station noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa biktima, nangyari ang insidente noong nakaraang buwan. Habang natutulog aniya siya sa kwarto nang maramdamang may humihipo at yumayakap sa kanya at kalaunan ay pumatong sa kanyang katawan. Sa pag-aakalang ang kanyang mister…

Read More

5 EKTARYANG ILLEGAL QUARRY NADISKUBRE SA BULACAN

HINDI makapaniwala si Gob. Daniel Fernando (gitna) sa natuklasang illegal quarry ng high grade escombro na hinukay mula sa halos limang ektaryang farmland na ino-operate nang walang permit sa loob ng nakalipas na 30 taon. Ang illegal quarry ay natuklasan ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) Sa pamumuno ni Atty. Juvic Degala at CIDG-Bulacan operatives sa pangunguna ni PMaj. Bante Tabigo-on sa Sitio Alimasag, Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan noong Setyembre 2, 2022. (Kuha ni ELOISA SILVERIO) NAMANGHA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa natuklasan…

Read More

Oriental Mindoro mayors ginigipit? GOBERNADOR KALADKAD SA PERYAHAN NG BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TALIWAS sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy ang pamamayagpag ng iligal na pasugalan – partikular yaong tinatawag na Peryahan ng Bayan, sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Batay sa impormasyong nakalap ng pahayagang SAKSI NGAYON, lumalabas na laganap na ang operasyon ng Peryahan ng Bayan (PNB) sa 15 lokalidad ng naturang lalawigan bunsod ng di umano’y pamumwersa ng isang mataas na opisyal na nanggigipit sa mga alkalde para bigyan ng pahintulot ang operasyon ng iligal na palaro ng Globaltech Mobile Online Corp. na nasa ilalim…

Read More

9 ARESTADO SA MGA BARIL SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang siyam katao sa reklamong panggugulo at masamsam sa mga ito ang iba’t ibang klase ng armas sa Purok-2, Lower Sakura, Brgy. Mahabang Parang sa bayan ng Angono sa lalawigang ito Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Marvin Manlonongan Perez, Jerry Manlonongan, Reneboy Regala, Russel Gamilde, Reynaldo Regala, Randy Delfina, Noel Salan , Allan Pagdanganan at Ramon Silvestre. Napag-alaman, dakong alas-9:00 ng gabi noong Setyembre 4, inireklamo…

Read More

SCAMMERS NG DELIVERY RIDERS PARUSAHAN – EJERCITO

NAIS ni Senador Joseph Victor Ejercito na makulong ang mga nanloloko ng delivery riders. Ginawa ni Ejercito ang hakbang dahil sa dumaraming reklamo ukol sa mga na-scam na delivery riders ng mga umoorder ng items tulad ng pagkain, groceries at mga gamot na una nilang binabayaran ngunit sa sandaling kanilang ideliver ay hindi na makontak o matagpuan ang mga umorder. Dahil dito, inihain ni Sen. Ejercito ang Senate bill 1234 na naglalayon ng mabigyang proteksyon ang mga delivery rider. Layunin ng naturang panukalang batas na huwag nang obligahin ang mga…

Read More

316 TIMBOG SA 1 WEEK ANTI-CRIME OPS SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa 316 drug personalities at iba pang crime suspects ang natimbog sa isang linggong kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigang ito. Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna PPO, 124 sa mga arestado ay most wanted persons sa lalawigan. “Mula August 15 hanggang 31, nagkaroon tayo ng iba’t ibang operation laban sa illegal drugs, loose firearms, most wanted and other wanted persons, at illegal gambling na nagresulta sa pagkaaresto ng 316 suspects at iba pang akusado,” ayon kay Silvio. Sa arestadong most wanted persons, tatlo ang regional level most wanted persons, tatlo…

Read More

LALAKI ARESTADO SA ‘BAWAL BASTOS LAW’

Nasakote ang isang 47-anyos na lalaki sa Daet, Camarines Norte sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis noong Sabado. Kinilala ang suspek na si Marlon Corbito y Ortiz, 47, residente ng Purok 5, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law na may kaugnayan sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 11313 o The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law). Ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek batay…

Read More

MOTORSIKLO NASALPOK NG TRUCK, 2 PATAY

patay

BATANGAS CITY – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang masalpok ng kasalubong na ten-wheeler truck sa Brgy. San Isidro sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa dead on the spot ang dalawa matapos na parehong pumailalim sa truck. Kinilala ang mga biktimang sina Paolo Miguel Aquino, 20, nagmamaneho, at John Paul Noche, 27-anyos, kapwa nagtatrabaho bilang barista at waiter sa isang restaurant. Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway sa Sitio Curva. Nasakop umano…

Read More

MGA ILOG SA MALOLOS AT HAGONOY SUMAILALIM SA SIMULTANEOUS DREDGING OPERATION

(ELOISA SILVERIO) NAGSAGAWA ng sabayang dredging operation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO) sa mga ilog at creek sa lungsod ng Malolos at bayan ng Hagonoy nitong Sabado, Agosto 3, 2022. Sa kasagsagan ng mga pag-ulan ay personal na binisita ni Governor Daniel Fernando ang mga lokasyon ng dredging operation kasama sina Congressman Danny Domingo ng Unang Distrito at Vice Governor Alexis Castro at mga PEO personnel sa pangunguna ni Engr. Glenn Reyes. Unang tinungo ni Fernando ang creek sa tabi ng Malolos Marine…

Read More