BATANGAS CITY – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang masalpok ng kasalubong na ten-wheeler truck sa Brgy. San Isidro sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa dead on the spot ang dalawa matapos na parehong pumailalim sa truck. Kinilala ang mga biktimang sina Paolo Miguel Aquino, 20, nagmamaneho, at John Paul Noche, 27-anyos, kapwa nagtatrabaho bilang barista at waiter sa isang restaurant. Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway sa Sitio Curva. Nasakop umano…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MGA ILOG SA MALOLOS AT HAGONOY SUMAILALIM SA SIMULTANEOUS DREDGING OPERATION
(ELOISA SILVERIO) NAGSAGAWA ng sabayang dredging operation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO) sa mga ilog at creek sa lungsod ng Malolos at bayan ng Hagonoy nitong Sabado, Agosto 3, 2022. Sa kasagsagan ng mga pag-ulan ay personal na binisita ni Governor Daniel Fernando ang mga lokasyon ng dredging operation kasama sina Congressman Danny Domingo ng Unang Distrito at Vice Governor Alexis Castro at mga PEO personnel sa pangunguna ni Engr. Glenn Reyes. Unang tinungo ni Fernando ang creek sa tabi ng Malolos Marine…
Read MoreRET. NAVY ARESTADO SA PAMAMARIL
CAVITE – Inaresto ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy (PN) dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang naaresto na si Benito Gomez y Enguanzo, 58, isang retiradong miyembro ng PN at residente ng Brgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite. Sa ulat ng Magallanes Police, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa umano’y pagpapaputok ng baril ni Gomez dahilan upang magresponde ang mga awtoridad at naaktuhan itong hawak ang isang kalibre .45 na baril na nagresulta sa pagkakadakip nito.…
Read MoreMOST WANTED SA SORSOGON NALAMBAT SA CAVITE
CAVITE – Natunton sa bayan ng Naic sa lalawigang ito ang no. 1 most wanted person (MWP) sa Magallanes, Sorsogon sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad. Si Eduardo Espedillion y Gojo, 36, isang construction worker, ay itinuturing na MWP rank no. 1 municipal level sa Magallanes, Sorsogon. Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang Magallanes Police Station at Sorsogon Provincial Police Office (PPO) sa Intelligence and Warrant Operatives ng Naic MPS nang nakatanggap ng ulat na si Espedillon ay nagtatrabaho bilang isang construction worker sa Naic, Cavite. Dahil dito, agad na nagsagawa ng…
Read MoreSENIOR PATAY SA MAGNANAKAW
QUEZON – Hinihinalang pinasok at pinagnakawan saka pinatay ng hindi kilalang akyat-bahay ang isang senior citizen na nadiskubreng naaagnas na sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Malusak sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Batay sa report ng Atimonan Police, nasa early stage of decomposition na nang makita ang bangkay ng 76-anyos na biktimang si Venancio Erne Fajardo sa sahig ng kanyang bahay at natatakpan ng foam pasado alas-10:00 ng umaga. Nadiskubre ito nang magreklamo ang mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa bahay ng biktima. Sa…
Read MoreSANGGOL NALAGLAG SA TRIKE, NASAGASAAN NG JEEP, PATAY
RIZAL – Patay ang isang taong gulang na babaeng sanggol nang mahulog mula sa sinasakyang tricycle matapos mabitiwan ng kanyang kapatid sa J. Sumulong Avenue, Barangay Bagumbayan, sa bayan ng Teresa sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Lumalabas sa imbestigasyon ng Teresa Police, dakong alas-10:30 ng umaga, sakay ng kanilang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya na si Joseph Ramirez, ang mag-anak at tinatahak ang highway nang biglang nahulog ang sanggol mula sa nasabing sasakyan. Ayon sa Teresa Police, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa at ang magkakapatid na tatlong bata ang nasa loob…
Read MoreDYOWA, LALAKING PINAGSELOSAN PATAY SA MANGINGISDA
BATANGAS – Bunsod nang matinding selos, pinagsasaksak ng isang mangingisda ang kanyang live-in partner at ang lalaking pinagbibintangan nitong karelasyon ng ginang sa Brgy. San Piro sa bayan ng Balayan, noong Biyernes. Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Remegio Doble, 38-anyos, nahaharap sa kasong murder. Dead on arrival sa ospital ang 35-anyos na biktimang caretaker ng isang bahay na si Edison Garilao dahil sa malubhang sugat sa leeg at dibdib. Hindi rin umabot nang buhay sa pagamutan ang 36-anyos na si Analyn Alico, live-in partner ng suspek, na…
Read More3 GCASH SCAMMERS TIMBOG SA LAGUNA
LAGUNA – Natimbog ng mga awtoridad noong Huwebes ang tatlong hinihinalang GCash scammers sa Cabuyao City sa lalawigang ito, makaraang makakulimbat ng pera gamit ang social media account ng biktima. Kinilala ang mga suspek na sina Jazer Del Mundo at Neil Patrick Magas at isa pang babae. Batay sa report ng Cabuyao City Police, dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Andres Capacete makaraang mabatid na nagamit ng mga suspek ang kanyang Facebook account at nag-message sa kanyang FB friends para mangutang ng pera. Sinabi umano ng mga suspek na ipadala…
Read MoreBISITA ITINUMBA SA BIRTHDAY PARTY
RIZAL – Patay ang isang bisita makaraang pagbabarilin sa birthday party habang patay rin ang isang lalaki makaraang paputukan habang nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang mga biktimang sina Rez Latoza Leonor at Nemencio Timonera, kapwa nasa hustong gulang. Unang binaril at napatay ng hindi kilalang suspek si Latoza, dakong alas-9:25 ng gabi noong Agosto 31 sa Brgy. San Jose habang nakikipag-inuman sa kaibigan na si Pedro Lucena Jr. na nagdiriwang ng kaarawan. Habang dakong…
Read More