19-ANYOS NA RIDER PATAY NANG MAHULOG SA TULAY SA MARINDUQUE

Patay ang isang 19-anyos na rider matapos mahulog sa ilog ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Matandang Gasan, bayan ng Gasan, Marinduque nitong Martes ng madaling araw, Pebrero 24. Ang biktima ay residente ng Brgy. Sihi, Buenavista. Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng biktima ang ginagawang diversion road nang dumiretso ito sa putol na bahagi ng kalsada malapit sa ginagawang tulay at nahulog sa ilog. Kinaumagahan na natagpuan ang wala nang buhay na biktima. Inaalam ng mga awtoridad kung may pananagutan ang contractor ng tulay sa insidente. Ayon sa ulat, may…

Read More

DPWH QUEZON 4TH DISTRICT SISINGILIN SA PALPAK NA GUMACA BYPASS ROAD

MAGKAKASA ng mapayapang martsa ang Gumaca Concerned Citizens Movement upang ipanawagan ang agarang aksyon ng DPWH Quezon 4th District Engineering Office sa umano’y masamang kondisyon ng mga pangunahing kalsada sa distrito. Sa anunsyo ng grupo, isasagawa ang “Martsa para sa Ligtas at Maayos na Kalsada” sa Marso 4, 2026. Magtitipon ang mga kalahok alas-8 ng umaga sa Gumaca Cathedral at magmamartsa patungong Gumaca City Coast bago magtungo sa tanggapan ng DPWH sa Brgy. Panikihan para sa programa. Tututukan sa pagkilos ang kalagayan ng Gumaca Bypass Road at Maharlika Highway na…

Read More

P55-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

MAHIGIT sa P55 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa kanilang Back-to-Back Operations sa dagat, sakop ng Zamboanga at Sulu. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta PN, tatlong sasakyang dagat na may lulan na undocumented cigarettes, na may kabuuang market value na aabot sa P55,766,870.00, ang nasabat ng mga tauhan ng Western Mindanao Naval Command sa magkahiwalay na sea interdiction. Noong Linggo nasabat ng Naval elements ang M/V SARHANA…

Read More

BRIDE PATAY, GROOM SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTOR AT KOTSE

LAGUNA – Nasawi ang isang 27-taong gulang na guro na nakatakdang ikasal habang sugatan ang groom-to-be nito matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at isang kotse sa Barangay 6, Calamba City noong Sabado ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Crislyn Paro, residente ng Palingon, angkas sa motorsiklo na minamaneho ng kasintahan nitong si Miguel August Ocampo, 26, na napinsala rin sa insidente. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng umaga, binabagtas ng motorsiklo ang JP Rizal Street patungong Crossing, Barangay Uno nang sumalpok ito sa isang puting Toyota Wigo na minamaneho…

Read More

HOMEOWNERS SA LAGUNA NAGKAISA LABAN SA DUES HIKE

STA. ROSA CITY, Laguna — Buong pagkakaisang nananawagan sa pamahalaang lungsod ng Santa Rosa ang homeowners ng Villa Caceres Estate upang obligahin ang kasalukuyang Board of Directors ng kanilang samahan na maglabas ng audited financial report at actuarial studies kaugnay ng isinusulong nitong halos 200 porsiyentong pagtaas sa buwanang homeowners’ dues. Ayon sa mga residente, mahalagang maipakita muna ng pamunuan ang malinaw at detalyadong ulat pinansyal bago ipatupad ang anomang dagdag-singil. Giit nila, karapatan ng bawat miyembro ng asosasyon na malaman kung paano ginagastos ang kanilang mga kontribusyon at kung…

Read More

KAMPANYA NG PNP KONTRA ILEGAL AT SMUGGLED CIGARETTES PAIIGTINGIN

PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang information drive laban sa pagbebenta ng smuggled at illicit manufactured cigarettes sa mga sari-sari store sa buong bansa. Kasunod ito ng banta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na paglulunsad ng mas maigting na kampanya laban sa economic saboteurs kasabay ng paalala na walang piyansa ang mga makakasuhan ng economic sabotage. Matatandaan, nauna nang nagbabala si Interior Secretary Jonvic Remulla na magsasagawa ang mga awtoridad ng mga raid sa mga pampublikong pamilihan at maging sa maliliit na retailer bilang bahagi…

Read More

SHABU LAB NADISKUBRE, HIGH-VALUE DRUG PERSONALITY ARESTADO

ISANG high-value drug personality ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagkakadiskubre sa hinihinalang kitchen type shabu laboratory sa Barangay Viente Reales, Valenzuela City. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadiskubre ng kanyang mga tauhan ang clandestine shabu laboratory matapos madakip sa inilatag na anti-illegal drug operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cavite Provincial Office, PDEA Regional Office-National Capital Region-Northern District Office, at Valenzuela City Police Station, ang kanilang target nitong…

Read More

P200-M TOBACCO PRODUCTS, MANUFACTURING MACHINES, RAW MATERIALS NADISKUBRE SA CAVITE

NADISKUBRE ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang mahigit P200 milyong halaga ng illicit cigarette manufacturing equipment, raw materials, at finished products kasunod ng inilunsad na joint inter-agency operation na layuning wasakin ang sindikato sa likod ng large-scale violations ng customs at economic sabotage laws. Ayon sa ulat na ibinahagi ng BOC, mahigit P200 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga gamit sa paggawa nito…

Read More

SALUDO HOTLINE NG NAPOLCOM, INILUNSAD SA QUEZON

PINALAKAS ang ugnayan ng pulisya at komunidad matapos ilunsad ang NAPOLCOM SALUDO Hotline sa Quezon Convention Center sa Lucena City nitong Pebrero 19. Pinangunahan ito ng National Police Commission (NAPOLCOM) CALABARZON katuwang ang Quezon Police Provincial Office at mga hepe ng bawat bayan upang hikayatin ang publiko na magpahayag ng papuri at positibong ulat hinggil sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP). Dumalo rin ang mga kinatawan ng Association of Barangay Captains, People’s Law Enforcement Board, homeowners’ associations at iba pang community stakeholders. Ayon kay Quezon Police Provincial Director PCOL…

Read More