NABIDYUHAN ang isang aso habang kinakaladkad ng tricycle sa kalsada sa Bauan-San Pascual Road sa Batangas noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa video uploader na si Angel Luzon, aksidente nilang nasundan ng kanyang kasama sa motorsiklo ang tricycle at agad nilang sinubukang sitahin ang driver nang mapansin ang asong nakaladkad sa kalsada. Hindi umano nila malinaw na nakita ang plaka at buong itsura ng driver, pero sinundan nila ang tricycle mula sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Bauan hanggang sa tapat ng isang supermarket. Sa kanyang Facebook post, nanawagan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PASLIT MUNTIK MASAPOL NG TRIKE SA HIGHWAY
MUNTIK nang masapol ang isang 3-anyos na paslit ng isang dumaraang tricycle sa national road sa Barangay Calit-Calit, San Juan, Batangas noong Martes ng umaga. Base sa kuha ng CCTV, dakong alas 9: 28 ng umaga, nakitang nakalabas ang paslit mula sa kanilang compound at tumakbo patungo sa gitna ng highway. Sakto namang paparating ang isang tricycle at isang ten-wheeler truck. Agad naman itong hinabol ng isang naka-duty sa katabing barangay hall na isang babaeng miyembro ng Lupong Tagapamayapa. Nakabig naman kaagad ng driver ng tricycle ang manibela at naiwasan…
Read More6 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, TIMBOG
ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang anim na indibidwal na nasa listahan ng Most Wanted Persons (MWP) ng pulisya sa isinagawang magkakasunod na operasyon sa Cavite. Unang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rocille Aquino Tambasacan, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 21, Imus City, Cavite, si alyas “Allan”, nasa listahan ng MWPs Regional Level, bandang alas-9:15 ng umaga sa Brgy. Bayang Luma, Imus City, dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). Sumunod na…
Read MoreFISHKILL NAITALA SA ROMBLON DAHIL SA EL NIÑO
NAITALA ang ilang insidente ng fish kill sa ilang bahagi ng baybayin ng Odiongan, Romblon, na iniuugnay ng Municipal Agriculture Office o MAO sa matinding init at pagtaas ng temperatura ng tubig-dagat na dulot ng El Niño. Ayon sa MAO ng Romblon, kabilang sa mga naapektuhan ang Barangay Canduyong at ilang bahagi ng Barangay Libertad at Gabawan. Ipinaliwanag ng MAO na maaaring maapektuhan ang maliliit na organismo at isda sa mabababaw na bahagi ng dagat kapag mataas ang temperatura ng tubig, lalo na kapag tumatapat ang low tide sa tanghaling…
Read More‘UMBAGERONG MISTER’ TIMBOG SA SHABU
ANGONO, Rizal — Isang 36-anyos na lalaki ang nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Barangay Kalayaan, Angono, Rizal, noong gabi ng Oktubre 6, 2026. Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Dondon,” residente ng Kandrenai, Barangay Kalayaan sa nasabing bayan. Ayon sa Angono Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon bandang 10:31 p.m., kung saan nakumpiska kay Dondon ang isang sachet na naglalaman umano ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.17 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,156. Nasamsam din ang dalawang tig-₱100 na perang ginamit umano…
Read MoreP20.7M HALAGA NG KETAMINE NASABAT NG BOC SA PORT OF CLARK
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang tinatayang ₱20.7 milyong halaga ng hinihinalang ketamine sa Port of Clark. Namarkahan ang kargamento na idineklarang naglalaman umano ng “compact ceramic fan” matapos makitaan ng mga kahina-hinalang imahe sa isinagawang X-ray examination ng mga tauhan ng BOC. Sa physical examination, natuklasan ang pitong transparent plastic bags na naglalaman ng kabuuang 4,140 gramo ng white crystalline substance na hinihinalang ketamine. Batay sa mga dokumento ng kargamento, nagmula ito sa Amsterdam, Netherlands, at nakatakdang ihatid sa Valenzuela City.…
Read More4 LUGAR MAKARARANAS NG MATINDING TAGTUYOT SA MARSO 2027
PINAYUHAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na paghandaan ang posibleng epekto ng matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan bunsod ng El Niño, na inaasahang makaaapekto sa pamumuhay ng maraming Pilipino. Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 428,000 indibidwal na ang naapektuhan ng El Niño sa buong bansa. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring umabot sa napakalakas na antas ang El Niño sa pagtatapos ng 2026 at magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027.…
Read More16 VOLCANIC EARTHQUAKES, NAITALA SA MAYON
NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 16 volcanic earthquakes sa muling pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa pinakahuling monitoring nito nitong Martes, October 6, 2026. Patuloy namang nakataas ang Alert Level 2 sa paligid ng Bulkang Mayon. Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng puting usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa tinatayang 500 metro ang taas, habang naobserbahan ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis. Patuloy na ipinagbabawal ng ahensya ang pagpasok sa 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng…
Read More2 KOREANO HULI SA P1M KETAMINE
NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3 ang dalawang Korean national na sinasabing POGO workers matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 200 gramo ng ketamine na nagkakahalaga ng P1 milyon sa Clark Freeport Zone, Pampanga. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Isagani Nerez, isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA ROIII bago magbukang-liwayway nitong Martes, October 6, 2026. Sa ulat na natanggap ni PDEA Deputy Director General for Operations Renato Gumban, kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na Jung, 38,…
Read More