NASAWI ang isang 51-anyos na dining supervisor matapos ratratin habang nakaupo sa kanyang nakaparadang sasakyan sa Sitio Centro, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas, bandang alas-9 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang biktima na si Benson, na tinamaan ng bala sa kanang pisngi. Isinugod pa ito sa Apacible Memorial District Hospital ngunit idineklarang patay ng doktor. Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, subalit sa follow-up operation ay naaresto ang unang suspek na si alyas “MJ” sa Tagaytay City matapos positibong ituro ng saksi. Nabawi ng pulisya ang ginamit na motorsiklo, improvised…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ICPO DIRECTOR, STATION COMMANDER SINIBAK SA LAMASAN DEATH PROBE
SINIBAK sa pwesto sina Iloilo City Police Office Director P/Col. Kim Legada at Station 2 Commander PCapt. Jeffrey Delgado dahil sa lapses sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Vice Mayor Aimee Lamasan. Ayon kay PRO-6 Director Police Brig. Gen. Josefino Ligan, epektibo nitong Huwebes, Enero 8, ang pagkaka-relieve sa dalawang opisyal at naipaalam na ito kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas. Ugat ng desisyon ang matinding pagkaantala ng SOCO, na umabot ng 36 oras bago makarating sa crime scene na lantad na paglabag sa standard procedure ng PNP. Itinalaga bilang Officer-in-Charge…
Read MoreRICE TARIFF COLLECTION, BAGSAK NG 60% SA 2025
BUMAGSAK ng 60 porsyento ang koleksiyon ng gobyerno mula sa rice tariff noong 2025, ayon sa datos ng Bureau of Customs (BOC). Umaabot lamang sa ₱13.7 bilyon ang nakolektang taripa sa bigas na malayong mas mababa kumpara sa ₱34 bilyon noong 2024. Iniuugnay ito sa pagbaba ng rice tariff mula 35% ay naging 15%, bagay na inaasahan na umano ng mga nasa rice industry. Dagdag pa rito ang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) na temporary ban sa pagpasok ng imported rice simula Setyembre 1. Gayunman, inaasahang tataas muli ang…
Read MoreDEPED SYSTEM SINISI SA PAGKAMATAY NG GURO SA MUNTINLUPA
NANINIWALA ang kinatawan ng mga guro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang sistema ng Department of Education (DepEd) ang ugat ng pagkamatay ng isang public school teacher sa Muntinlupa City. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, nasawi ang gurong si Agne Buenaflor noong Miyerkules, Enero 7, habang nagtuturo sa ilalim ng classroom observation sa Pedro E. Diaz High School. Nagpaabot ng pakikiramay si Tinio sa pamilya at mga kasamahan ng yumaong guro, at iginiit na ang matinding pressure at stress na dulot ng evaluation system ng DepEd…
Read MoreP48.39-M TAX EVASION ISINAMPA NG BIR SA WAWAO BUILDERS
NAGHAIN ng mga reklamong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Mark Allan Villamor Arevalo, sole proprietor ng Wawao Builders, dahil sa tinatayang P48.39 milyong tax deficiency na may kinalaman sa umano’y ghost projects sa Malolos City, Bulacan. Ayon sa BIR, nilabag ng Wawao Builders ang National Internal Revenue Code sa pamamagitan ng tax evasion at hindi tamang pagdedeklara ng income tax at VAT returns para sa una at ikalawang quarter ng taon 2024. Ayon sa ahensya, may kontrata ang Wawao Builders para…
Read More1,200 RED CROSS VOLUNTEERS KASADO SA 2026 TRASLACION
INIHAYAG ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit sa 1,200 katao ang magboboluntaryo para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga deboto sa Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong araw, Enero 9, 2026. Ito ang inihayag ng dating senador at ngayo’y chairman ng PRC na si Richard “Dick” Gordon sa ginanap na press conference noong Miyerkoles ng hapon sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City, kasama ang mga mamamahayag na miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps. Ayon kay Gordon, handa na sila para sa kapakanan ng milyong deboto na…
Read MoreTUMAWID NA LOLA NABUNDOL SA KALSADA
CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lola nang masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng umaga. Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Nida” ng Tolentino St., Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay. Inaresto naman ang suspek na si alyas “Daryl”, 27, binata, ng Brgy. Bungahan, Biñan, Laguna, na nagmamaneho ng isang KIA K2500 na may plakang NEQ 2141. Ayon sa ulat, bandang alas-6:27 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Tagaytay-Sta.…
Read MoreTULAK TIMBOG SA P800K SHABU
QUEZON – Nasakote ng Tiaong Municipal Police Station–Drug Enforcement Team ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong sa lalawigan. Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na 0.16 gramo ang timbang at tinatayang may standard drug price na P1,088 at street value na P3,264. Ngunit sa isinagawang masusing paghahalughog, nasamsam din ng mga pulis ang apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 39.60 gramo at tinatayang may street value na…
Read MoreBAHAY NATUMBAHAN NG TRUCK, 2 PATAY
LAGUNA – Dalawa ang patay makaraang mawasak ang isang bahay at tricycle matapos na matumbahan ng isang dump truck na nawalan ng preno sa national road ng Barangay Mayatba sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ilan pa ang nasugatan sa insidente na nagdulot din pansamantalang brownout sa lugar. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries, and damage to property. (NILOU DEL CARMEN) 138
Read More