AIR FORCE NAKAKALIMA NA

AIR FORCE-2.jpg

KINULEKTA ng Air Force ang ikalimang sunod nitong panalo sa Premier Volleyball League Open Conference, nang talunin ang BanKo, 26-24, 25-8, 25-21, kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nagsumite si Joy Cases ng 15 points para sa Lady Jet Spikers para sa kanilang 5-5 record. Ito’y matapos ang limang sunod na kabiguan sa pagsisimula ng torneo. Tumulong si middle blocker Dell Palomata na may 14 points, 12 attacks at two blocks, habang si Mary Ann Pontino ay nagdagdag ng 13 points at 12 digs para sa Air…

Read More

WIN STREAK NG UP, 3 NA

(NI JOSEPH BONIFACIO) ANTIPOLO – Dumeretso ang UP Fighting Maroons sa ikatlong sunod na panalo matapos magtala ng 62-56 win laban sa UE Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center dito. Si Bright Akhuetie ang bumuhat sa UP sa kanyang 16 points, five rebounds, three assists at three steals na kontribusyon para iangat sa standings ang koponan, 4-1. Maging si Kobe Paras ay ipinagpatuloy ang impresibong laro, nang magsumite ng 12 points, 10 rebounds, three blocks at two assists. Nagawang ibaba sa solitary point ng…

Read More

LYCEUM, MAPUA RUMATSADA

(PHOTO BY MJ ROMERO) PINANGUNAHAN ni Jaycee Marcelino ang Lyceum of the Philippune University (LPU) Pirates tungo sa 85-83 panalo laban sa College of Saint Benilde Blazers kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan city. Habang sinundan ng Mapua Cardinals ang malaking panalo noong Biyernes laban sa Letran Knights, nang talunin naman nito ang Emililo Aguinaldo College Generals, 79-76. Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pirates, kung saan ang third-year guard na si Marcelino ay bumato ng walo sa kanyang…

Read More

PAPALITAN? SALAMAT, ANDRAY – SBP

(NI JOSEPH BONIFACIO) NAGPASALAMAT ang pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kay naturalized player Andray Blatche. Indikasyon ba ito na tapos na ang serbisyo ng dating NBA player sa Philippine national team? “I’d like to thank Andray. He performed really well in Seville. If not also because of him, we’ll not make it back to this World Cup. You know, he’s a big asset and big factor to our Gilas program for years,” lahad ni Al Panlilio, SBP president. Sinabi ni Panlilio na ang kapalaran ni Blatche ay nakasalalay sa…

Read More

NAITALA NG SAN BEDA RED LIONS; SANDOSENANG PANALO

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI pa rin natitinag ang defending three-time champion San Beda. Umalagwa sa fourth quarter para talunin ang Jose Rizal University, 65-47 kahapon, idineretso ng Red Lions sa 12 ang panalo sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Nagawang malimitahan ng Heavy Bombers sa anim na puntos sa second quarter, 31-27, nagising ang Red Lions sa huling bahagi ng third quarter, gumamit ng 23-4 run para kontrolin ang laro patungo sa kanilang 24th straight win sapol pa noong nakaraang season. Nanahimik ang Heavy…

Read More

UP UNGOS SA NU GA-BUHOK!

(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) NAKATAKAS na naman ang University of the Philippines Fighting Maroons sa isa pang dikitang laro. Habang nagpatuloy naman ang kabiguan sa panig ng National University. Kahapon, umiskor ang UP ng 80-79 win laban sa NU sa pagpapatuloy ng aksyon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nabitiwan ng Fighting Maroons ang 14-point second quarter advantage at ang 78-71 lead sa huling 2:13, at nangailangan ng swerte sa dulo para hablutin ang panalo. Sinikap ni Dave Ildefonso…

Read More

SUPORTA, BUHOS SA PH WOMEN VOLLEY TEAM

seagames12

(NI VT ROMANO) TODO ang suportang ibinubuhos ng Philippine Superliga (PSL) para sa national women’s volleyball team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games. Katunayan, tatayong punong-abala ang PSL sa second leg ng Southeast Asian Grand Prix sa Oktubre 4-6 sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan ang koponan mula sa Vietnam at Thailand ang ilan lamang sa mga lalahok. Ang Philippine team ay kasalukuyang nasa Thailand para sa first leg ng nasabing Grand Prix na lalaruin sa Setyembre 20-22. Ayon kay Dr. Ian Laurel, pangulo ng PSL, na lahat ng…

Read More

CASIMERO DADAYO SA LONDON PARA KAY TETE

BIGO ang kinatawan ni Filipino boxer Johnriel Casimero na manalo sa ginanap na purse bid. Resulta: Kinakailangang dumayo ni Casimero sa London para harapin si regular World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Zolani Tete sa Nobyembre 23. Ang Queensberry Promotions ni Frank Warren, kinatawan ni Tete, ay naglatag ng $301,000 bid, para laktawan ang offer na $258,500 ng TGB Promotions na kumatawan kay Casimero. Kung nanalo, nais sana ng kampo ni Casimero na gawin sa U.S. ang laban. Gayunpaman, wala namang nakikitang problema ang kampo ni Casimero, kahit bumiyahe pa…

Read More

BLU GIRLS, HIHIRIT NG OLYMPIC SPOT

(NI JJ TORRES) HAHARAPIN ng Philippine Blu Girls ang Korea sa unang laro sa WBSC Asia/Oceania Qualifiier sa Shanghai, China, sa muling pagtatatangka na makasungkit ng spot sa 2020 Tokto Olympics. Bukod sa Korea, makakasagupa rin ng mga Pinay ang powerhouse teams na Chinese-Taipei, Australia, China at New Zealand, gayundin ang Indonesia at Hong Kong. “Everybody in this team, whether player or coach, has an input before the game. That’s something that’s very relevant in this year’s tournament. I believe that each and every player and coach has something valuable…

Read More