NU MULING TUMIKLOP; LUHOD SA UST

(NI JOSEPH BONIFACIO) MULING tumiklop ang National University Bulldogs at sa pagkakataong ito’y sa kamay ng University of Santo Tomas Tigers, 87-74, kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Umiskor si Rhenz Abando ng seven points sa final 1:32 sa regulation period, bago nagsalaksak si Rhenz Abando ng dalawang triples sa overtime para tuldukan ang panalo ng UST. Tumapos si Abando ng 21 points, six rebound at two assists, nang pangunahan ang UST sa pagbangon mula sa 68-63 deficit, 42.3…

Read More

LADY EAGLES, HUMABOL SA BYAHE

(PHOTO BY MJ ROMERO) HUMABOL sa biyahe ang Ateneo Lady Eagles nang talunin ang University of Perpetual Help, 25-18, 25-9, 25-17, para sa huling tiket sa semis ng Pool ng PVL Collegiate Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Habang siniguro naman ng College of Sta Benilde ang upuan sa Final Four, nang gapiin ang Technological Institute of the Philippines, 25-13, 25-16, 25-9 para sa No. 2 spot sa Pool B. Matapos yumuko sa Adamson noong nakaraang linggo, ang una nilang talo sa torneo, at sa pagbabalik…

Read More

UE UMISKOR NG UNANG PANALO VS DLSU

(NI JOSEPH BONIFACIO) UMISKOR ng unang panalo ang UE matapos silatin ang DLSU, 89-88, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nagningning para sa Red Warriors si Rey Suerte na nagtarak ng back-to-back three-point baskets sa huling mga segundo upang bitbitin ang koponan sa 1-3 baraha. Matapos masayang ang 13 puntos na kalamangan nang maagaw ng La Salle ang manibela 85-83 sa huling 29 segundo, sumandal ang UE sa mainit na kamay ni Suerte nang kumonekta ito ng pambihirang…

Read More

APO NI ELORDE, SASABAK SA WORLD TITLE FIGHT

ITO na ang ‘moment of truth’ ni Juan Miguel Elorde  (aka Mig Elorde). Inaasahang ibubuhos lahat ni Elorde ang lakas, kakayahan at taktika sa pagtatangkang mahablot ang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight crown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada ngayong araw. Si Elorde, 32, apo ni Hall of Famer at Filipino boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde, ay sasagupa kay reigning champion Emanuel Navarrete ng Mexico. Ang 12-roound battle ay isa sa undercards ng Tyson Fury-Otto Wallin heavyweight showdown. Sa official weigh-in, si Elorde ay tumimbang ng 121.2 lbs, habang…

Read More

PEREZ, BOLICK MAY BITBIT; NLEX, GINEBRA, SMB DADAYO SA DUBAI

(NI JJ TORRES) LAHAT ng natutunan at naranasan nina rookie players CJ Perez at Robert Bolick sa pagsabak sa FIBA World Cup bilang miyembro ng Philippine team, ay bibitbitin at gagamitin sa kani-kanilang koponan sa pagbabalik aksyon ng PBA. Magsisimula sa Setyembre 20 ang Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena. Ang season-ending conference ay tatampukan din ng dalawang laro sa Dubai ang NLEX kontra San Miguel Beer sa Oktubre 4 at crowd-darling Brgy. Ginebra Barangay Ginebra sa susunod na araw. Haharapin ni Perez at ng Columbian Dyip ang Alaska…

Read More

GOVERNORS’ CUP IMPORTS, KINUMPLETO NI WATTS

(NI JOSEPH BONIFACIO ) WALONG mga dating mukha at apat na baguhang reinforcements ang masisilayan sa pagbubukas ng 2019 PBA Governors’ Cup sa Setyembre 20. Ito’y matapos makumpleto ang listahan ng mga import ng 12 koponan na magbabakbakan sa season-ending conference. Pinangalanan ng Alaska si Justin Watts bilang kapalit ng naunang import na si Branden Dawson na hindi pumasa sa 6’5 height requirement. Dumating sa bansa ang 29-anyos na international basketball veteran subalit hindi muna naglaro sa 79-92 kabiguan ng Alaska sa tune-up game kontra Korean team na KCC Egis…

Read More

STAGS, RUMESBAK  SA BLAZERS

(PHOTO BY MJ ROMERO) IDINERETSO ng San Sebastian College Golden Stags, sa pangunguna ni Allyan Bulanadi sa ikalimang sunod ang kanilang panalo, matapos resbakan ang College of Saint Benilde, 83-67 kahapon sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nagtala si Bulanadi ng bagong career-high 32 points, may kasama pang four rebounds, two assists at two steals, para makisosyo sa second place (7-3) kasama ang Lyceum of the Philippines University at Colegio de San Juan de Letran. Tinalo ng Blazers ang Stag, 77-72…

Read More

 YENG GUIAO, QUITS!

NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan. Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan. “In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in…

Read More

SAN BEDA RED LIONS ‘DI NAAWAT; PERFECT 10!

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI nagpaawat ang defending three-time champion San Beda at sinungkit ang ikasampung sunod na panalo, matapos balyahin sa ika-22 sunod na pagkakataon ang Emilio Aguinaldo College, 98-66 kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Dahil sa panalo, ang San Beda ay 10-0 na sa ongoing tournament. “Even though we’re number one, I’m happy with what I’m seeing with my boys. They are coming in early and taking their shots. Hopefully, we could sustain this but it’s still a long way…

Read More