(NI JEAN MALANUM) DETERMINADO ang national wrestlers na magpakitang gilas lalo na at dito gagawin ang 30th SEA Games. Matapos ma-scrap sa SEAG calendar sa 2015 (Singapore) at 2017 (Malaysia), magbabalik ang wrestling sa torneo na lalaruin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar, 20 events sa Freestyle, Greco-Roman at Grappling categories ang paglalabanan. “Only 14 events were approved but we requested for additional events. We now have 20 events and if the extra events are finally confirmed, our athletes…
Read MoreCategory: SPORTS
NCC AQUATICS CENTER BIBINYAGAN
(NI JEAN MALANUM) MABIBINYAGAN ang papatapos nang Aquatics Center sa loob ng New Clark City Sports Complex sa pagdaraos ng National Open sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2. Ito ang magsisilbing final qualifying event ng mga Pinoy swimmer na sasabak sa 30th SEA Games, kung saan umaasa ang Pilipinas hahakot ng medalya ang mga pambato rito. Ayon kay Philippine Swimming, Inc. (PSI) president Lailani Velasco, kasalukuyang abala ang mga atleta sa training para masiguro na maganda ang magiging performance nila sa harap ng mga kababayan. “Malaki ang expectation sa mga…
Read MoreGAME 4: GIRIAN, TITINDI PA!
(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 6:30 P.M. — SAN MIGUEL VS TNT (TNT 2-1) MAGIGING sentro na naman ng atensyon ang composure ng inaasahang Best Import winner na si Terrence Jones ngayong gabi sa pagsubok ng TNT KaTropa na makuha ang 3-1 lead laban sa San Miguel Beermen sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum. Hinihintay ng karamihan ang magiging susunod na move ni Jones sa laro na magsisimula ng alas-6:30 ng gabi, matapos makalusot mula sa ejection noong Biyernes nang…
Read More11th SUNOD NA PANALO TATANGKAIN NG PETRON
(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) LARO NGAYON: (Corpus Christi Gym Cagayan De Oro) 4:00 p.m. — PLDT vs F2 Logistics 6:00 p.m. — Foton vs Petron MATAPOS ang pambihirang comeback win kontra sa karibal na F2 Logistics kamakalawa, walang planong magpaawat ang Petron ngayon sa huling preliminary round assignment nito kontra Foton sa 2019 PSL All-Filipino Conference sa Corpus Christi Gym sa Cagayan De Oro City. Sisiklab ang aksyon sa alas-6:00 ng gabi kung saan magtatangka ang Blaze Spikers ng ika-11 sunod na panalo upang masiguro ang no. 1…
Read MoreTOKYO 2020 OLYMPICS: CALUAG SASABAK SA TEST EVENT
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) NAPILI si Filipino BMX rider Daniel Caluag na sumali sa Tokyo 2020 Olympics test event sa Oktubre 1-5. Si Caluag, nag-iisang gold medal winner ng Pilipinas sa 2014 Asian Games, ay isa lamang sa 64 riders mula sa top 28 na bansa na inimbita ng Union Cycliste Internationale (UCI) sa test event na gagawin sa Ariake Urban Sports Park, kung saan gaganapin ang Tokyo 2020 MBX event. Ang imbitasyon kay Caluag ay malaking bagay sa kanyang kampanya para makasabak sa quadrennial meet, kung…
Read More‘JOKE’ NI DU30: HAMON, MOTIBASYON NG GILAS
(NI JJ TORRES) POSITIBO ang pagtrato ni head coach Yeng Guiao sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tsansa ng Gilas Pilipinas at nais niyang gawin itong hamon at motibasyon sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Matatandaang sinabi ni Duterte na walang tsansa ang Gilas na manalo laban sa Italy, ang unang team na kakalabanin ng pambansang koponan sa World Cup sa Agosto 31, dahil na rin sa kanilang height advantage. Habang nag-ani ng magkaibang reaksyon ang mga wika ng punong ehekutibo sa…
Read MorePH VS ANGOLA: ITO PUWEDE NATIN ILIBING NANG BUHAY – DU30
(NI JJ TORRES) HINDI nangimi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang saloobin hinggil sa tsansa ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Italya sa nalalapit na FIBA World Cup simula sa Agosto 31 sa China. Walang gatol niyang inihayag na malabo ang tsansa ng pambansang koponan laban sa nasabing bansa. “Problema unang kalaban natin Italy. Wala, talo tayo, walang laban,” pahayag ni Duterte, kamakalawa habang nagsasalita sa ginanap na oath-taking ng Filipino-Chinese businessmen sa Malakanyang. “We will lose dito sa Italya. Ang lalaki kaya niyang mga gagong yan,” dagdag pa…
Read MoreBEERMEN LUSOT SA DOUBLE-OVERTIME WIN
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) NAILUSOT ng San Miguel Beermen ang 127-125 double overtime win kontra TNT KaTropa, Miyerkoles ng gabi sa Game Two ng PBA Commissioner’s Cup finals sa Smart-Araneta Coliseum. Sinamantala ng Beermen ang pagkakatalsik ni TNT import Terrence Jones at ang pagkawala ni Troy Rosario sa ikalawang overtime period bunga ng anim na foul, para itabla ang best-of-seven series sa 1-1. Swak ang dalawang free throws ni June Mar Fajardo sa huling 32.1 segundo sa second overtime tungo sa 124-122 count. Nadulas si Jayson Castro…
Read MoreLADY VOLCANOES TUTOK SA SEA GAMES
(NI JEAN MALANUM) PATULOY ang training ng women’s rugby team upang mabigyan ng karangalan ang Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEAG). Noong 2015 Singapore SEAG ay naka-bronze ang Lady Volcanoes at nakuha nila ang ika-apat na pwesto sa Malaysia (2017). Isa sa mga pre-SEAG tournament na lalahukan ng Lady Volcanoes ang 2019 Asia Rugby Women’s Trophy Series sa Jakarta, Indonesia ngayong buwan. Makakalaban ng Pilipinas ang Chinese Taipei, Brunei at Guam sa Agosto 10 bago harapin ang host Indonesia sa susunod na araw. Ang Pilipinas ay nasa Pool A…
Read More