P1.2-B PONDO; PSC TODO-SUPORTA SA MGA ATLETA

(NI JEAN MALANUM) NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) kabuuang P1.2 billion pondo para sa pangangailangan ng pambansang atleta sa 30th Southeast Asian Games. Ang nasabing halaga ay hinati sa tig-P600 million  –  para sa aktwal na partisipasyon ng mga atleta sa biennial meet at sa iba’t ibang foreign exposure o training sa abroad bago ang aksyon sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. “This is the first time the PSC is spending P1.2 billion just for the athletes,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez matapos lagdaan…

Read More

CHOCO MUCHO, WAGI SA DEBUT

mucho55

(PHOTO BY MJ ROMERO) PINANGUNAHAN ni Ateneo standout Kat Tolentino ang debut game ng koponang Choco Mucho kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, sa pamamagitan ng straight sets win laban sa BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Si Tolentino ay nagsumite ng 14 points mula sa 10 kills, two blocks at two aces, para itala ng Flying Titans ang magaang na panalo laban sa Water Defenders. Ito ang ika-11 sunod na talo ng Balipure, matapos ang 10-0 sa Reinforced Conference. Nag-ambag naman…

Read More

ISA NA LANG, BEERMEN, KAMPEON NA

mc44

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) IDINIKIT ni Chris McCullough ang San Miguel Beermen sa ikalawang PBA championship ngayong season. Ito’y matapos muling magpamalas ng mahusay na performance, 35 points at 22 rebounds sa panalo ng Beermen kontra TNT KaTropa, 99-94 sa Game Five kagabi ng Commissioner’s Cup sa Big Dome. Si McCullough ang trumabaho sa bandang huli, habang ang karibal na si Terrence Jones ay panay ang sablay, kung saan hinirit niya ang apat sa anim na puntos ng SMB para kunin ang panalo. Umiskor si McCullough mula…

Read More

30TH SEA GAMES: TRIPARTITE AGREEMENT NILAGDAAN

seagames6

(NI JEAN MALANUM) NILAGDAAN kahapon ang tripartite agreement sa pagitan ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa matagumpay na hosting ng biennial tournament. Ang mga pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) na nagtatalaga ng mga responsibilidad ng bawat entities ay sina POC chairman Steve Hontiveros at president Cong. Abraham “Bambol” Tolentino, PSC chairman William “Butch” Ramirez at PHISGOC chief operating officer Ramon “Tats” Suzara. “The provisions in the MOA clearly define the role each entity play with regards to…

Read More

PACQUIAO- MAYWEATHER REMATCH, MALABO PA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) HINDI pa rin bumibitiw si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibilidad ng rematch kay Floyd Mayweather, ayon kay Sean Gibbons. Pero, inamin rin niyang sa ngayon ay malabong mangyari ang rematch at hangga’t walang pormal na inihahayag ang retiradong American boxer, lahat ng lumalabas na balita ay pawang espekulasyon lamang. “End of the story on the Floyd thing right now. There is no fight, there is no possibility at this moment. Floyd has said numerous time that I’m retired, I’m enjoying my…

Read More

2ND WIN HINABLOT NG MAPUA

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINABLOT ng Mapua Cardinals ang ikalawang sunod na panalo nang talunin ang Emilio Aguinaldo College (EAC), 76-66, kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nagtulung-tulong sina Cyril Gonzales, may 13 points, Paolo Hernandez (11 points) at Laurenz Victoria (10 points) para akayin ang Cardinal sa third quarter breakaway. Abante pa ang Mapua, 35-27 sa half, bago nagpakawala ng 25 points sa third period upang iwanan ang Generals, na nilimitahan lamang sa 12 points, kung saan pitong puntos…

Read More

GOLD SINUNGKIT; LADY VOLCANOES, NAGPASABOG

rugby77

(NI JEAN MALANUM) PINASABOG ng Philippine Lady Volcanoes ang host Indonesia, 26-7, para sungkitin ang gold medal at kumpletuhin ang kampanya sa 2019 Asia Rugby Women’s Sevens Trophy, Linggo ng gabi sa Jakarta. Kinontrol nina Aldee Denuyo, Aiumu Ono, at Helena Indigne ang laro para ihatag sa Pilipinas ang panalo. Dahil sa nasabing panalo, ang Lady Volcanoes ay umangat sa Asia Rugby Women’s Seven Series sa susunod na season. Blinangko rin ng Pilipinas ang Qatar, 27-0 at Laos, 24-0. Pagkatapos ay isinunod ang India, 19-12 para umabante sa finals laban…

Read More

COOL SMASHERS, MAAGANG NAGPARAMDAM

volley55

(PHOTO BY MJ ROMERO) SINIMULAN ng Creamline Cool Smashers ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng straight sets win laban sa Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa pambungad na aksiyon sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Pinangunahan ni Michelle Gumabao ang atake ng Cool Smashers sa kanyang 14 points, lahat galing sa kills, habang si Alyssa Valdez ay nagsumite ng 13, 10 mula sa hits, dalawa sa service aces at isang block. “We’re really expecting a long and…

Read More

BEST PLAYER SI CASTRO, BEST IMPORT SI JONES

(VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) HINABLOT ng TNT KaTropa teammates na sina Jayson Castro at Terrence Jones ang dalawang individual awards ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi bago ang Game 4 sa Smart Araneta Coliseum. Si Castro ang waging Best Player of the Conference sa ikalimang pagkakataon, habang si Jones naman ang Best Import. Tinalo ng 33-anyos na si Castro sa nasabing karangalan sina five-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel at rookies Ray Parks, CJ Perez at Robert Bolick. Ito ang unang BPC award ni Castro sapul…

Read More