MORALES, BARRERA SOLID KAY PACQUIAO

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Solidong pinili nina Mexican legends Erik Morales at Marco Antonio Barrera si eight division world champion Manny Pacquiao na siyang magwawagi laban kay Keith ‘One Time’ Thurman, sa kanilang welterweight battle sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena dito. Sa Legends roundtable discussion nitong Huwebes, magkatabi sina MOrales at Barrera, habang nasa likuran nila ang isang interpreter, kasama sina dating champion Winky Wright at current WBC champion Shawn Porter. “It’s gonna be a complicate bout, no doubt…

Read More

PACQUIAO, THURMAN WEIGH-IN NGAYONG SABADO

pacquiao22

(Ni VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Hindi na tumapak sa running oval o kahit sa gym si eight division world champion Manny Pacquiao nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para magpapawis. Ibig sabihin, hindi ito nag-aalala sa kanyang timbang. Sina Pacquiao at Thurman ay tutuntong sa weighing scale ngayong araw ng Biyernes (Sabado sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena dito para sa official weigh-in ng kanilang 12-round WBA welterweight showdown bukas. At dahil hindi na nagpapawis si Pacquiao kahapon, tiyak na swak ito sa 147-pound…

Read More

MAYWEATHER KUNTENTO NA SA BUHAY; NO SA REMATCH

(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Hindi interesado si Floyd Mayweather na makipag-rematch kay Manny Pacquiao. Ito ay ayon kay Leonard Ellerbe, CEO ng Mayweather Promotions at adviser ng retired American boxer. “Floyd has no interest in fighting Pacquiao again,” komento ni Ellerbe matapos ang grand arrival ceremony nina Pacquiao at Keith Thurman sa MGMG Grand. Ayon kay Ellerbe, kuntento at inienjoy ni Mayweather ang kanyang buhay matapos magretiro. “He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned…

Read More

DEPENSA NI PACQUIAO PAPASUKIN NI THURMAN

pacman1

(Ni VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – May nakita si Keith ‘One Time’ Thurman na kahinaan ni eight division world champion Manny Pacquiao: depensa.Sa final press conference para sa kanilang 12-round WBA welterweight championship match sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena rito, muling iniyabang ni Thurman (29-0, 22KOs) na kaya niyang patulugin ang Pambansang Kamao, dahil hindi umano nito kaya ang kanyang lakas. “When he fought (Adrien) Broner, man, he didn’t feel the pain, that’s because his opponent is didn’t throw any…

Read More

30th SEA GAMES HOSTING PSC ANG HAHAWAK

(NI JEAN MALANUM) NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na  ang gobyerno lamang ang hahawak at magpapatakbo sa hosting ng Pilipinas sa papalapit na 30th Southeeast Asian Games at ito ay walang iba kundi ang Philippine Sports Commission (PSC). Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung saan napundi umano si Pangulong Duterte nang mabatid ang naganap na korapsyon  sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation, itinatag na private entity pero siyang tumanggap ng government funds para sa biennial meet hosting. “He said that he doesn’t want the foundation.…

Read More

NOV 8 FIGHT KAY KHAN IDINENAY NI PACQUIAO

amir55

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Pinasinungalingan ng kampo ni eight division world champion Manny Pacquiao na may pinirmahan itong laban para sa Nobyembre 8 sa Saudi Arabia, gaya ng inihayag ni British fighter Amir Khan. Sinegundahan nina international matchmaker Sean Gibbons at publicist Fred Sternburg na walang katotohanan ang mga inihayag ni Khan. “Manny has not signed a contract for that fight,” ani Sternburg. “The Amir Khan fight is news to us,” lahad naman ni Gibbons. “It’s simple, Senator Pacquiao is focused on his fight…

Read More

LABAN KAY THURMAN; PACQUIAO LIYAMADO

pac44

(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon Sports Editor)   LAS VEGAS – Tuluyan na ngang nabaligtad ang pustahan. Sa pagdating ni eight division world champion Manny Pacquiao dito,  umangat pa ang pagiging paborito niya laban kay Keith Thurman. Sa ngayon, si Pacquiao ay itinalagang -155 laban sa unbeaten champion na si Thurman para sa kanilang World Boxing Association (WBA) welterweight showdown sa Sabado sa MGM Grand Garden Arena. Habang si Thurman, na unang naging paborito sa laban ay underdog na ngayon sa +125. Ibig sabihin nito, ang pustang $155 kay…

Read More

NO. 3 JERSEY NI DAVIS, ON SALE NA SA STAPLES CENTER

davis44

OPISYAL na ngang jersey no. 3 ang gagamitin ni Anthony Davis sa koponan ng Los Angeles Lakers. Katunayan, sa mismong tindahan ng mga merchandise ng Los Angeles team na Lakers at Clippers sa Staples Center sa Los Angeles, California, ay nabibili na ang nasabing jersey ni Davis na may numero tres. At may display rin ito sa nasabing tindahan. Una rito, desidido na sana si LeBron James na ipagamit kay Davis ang kanyang No. 23 jersey, habang siya naman ay babalik sa numero 6, pero, mangyayari ito pagkatapos na ng…

Read More

HULING TRAINING; PACQUIAO ‘DI NAGPAAWAT

manny44

(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) HOLLYWOOD – Ibinuhos pa rin ni eight division world champion Manny Pacquiao ang lahat sa huling araw ng ensayo sa Wild Card gym, bago bumiyahe patungong Las Vegas nitong Lunes (Martes sa Maynila). Apat na rounds ng sparring kay AB Lopez, ipinamalas ni Pacquiao ang bilis ng kamay at mga paa, sinundan ng anim na rounds sa mitts katuwang si chief trainer Buboy Fernandez, dalawang round sa double-end ball at routine exercises. Pilit inaawat si Pacquiao ng kanyang training staff sa pangunguna ni Fernandez,…

Read More