THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGING usap-usapan sa social media ang panukalang batas na mag-uutos sa mga anak na suportahan ang kanilang mga magulang na matanda, may sakit, o kapos sa buhay. Marami nang klaripikasyon ang lumutang tungkol dito na kung tutuusin, maganda naman ang layunin. Pero ang katumbas nito, maaaring makulong at pagmultahin ng daang-daang libo kung mapatutunayang hindi ginampanan ng mga anak ang obligasyon nila. Ang una kong naisip, parang sapilitan naman. Kung talaga namang may kakayahan ang mga anak at napalaki nang maayos ng mga magulang —…
Read MoreCategory: CLAIRE FELICIANO
PAGPILING MAGING ‘FUR PARENTS’
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGING karaniwang eksena na sa Pilipinas na itinatrato na parang mga anak ang mga alagang hayop. Sa mga pasyalan at mga mall, maraming makikitang mga magkasintahan o mag-asawa na may dalang stroller, pero hindi sanggol ang laman—kundi aso o pusa. Nakikita rin natin ang pag-usbong ng mga negosyo na ang tinatawag na ‘fur parents’ ang primary market. Kung dati, veterinarian lang at maliliit na pet supplies shop lang ang mayroon, ngayon talagang sobrang laki na ng mga tindahang dedicated para sa mga hayop, may pet…
Read MoreKAILANGANG PATULOY NA MAKIALAM
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO OPISYAL nang nagsimula ang termino ng mga bagong pinuno ng ating bayan matapos ang halalan nitong Mayo. Bago na namang pagkakataon ang ibinigay ng taumbayan para patunayan nila na kaya nilang tuparin ang mga ipinangako noong nangangampanya pa lamang sila. Handa na nga ba silang manilbihan nang may malasakit, integridad, at pananagutan? Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga binoboto natin sa paghubog ng hinaharap ng bansa. Sila ang tagabuo ng batas at polisiya, tagapagpatupad ng programa, at tagapag-ugnay sa pagitan ng gobyerno at mamamayan. Kung…
Read MoreMAAYOS NA PAGTRATO SA MGA HAYOP
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA loob lang ng isang linggo, ang dami nang maugong na usapan sa social media na may kinalaman sa hayop — lalo na’t mayroon na namang isang insidente sa Maynila kung saan napag-initan at sinaktan ang isang aso na nananahimik at walang kalaban-laban. Hinataw ng isang lalaki si Daga, isang walong buwang aso na wala namang ginagawa sa kanya. May kaaway daw at napagbalingan lang ng galit. Malubha ang naging lagay ng aso kaya desidido ang may-ari nito na kasuhan ang nanakit dito. Nakagagalit talaga…
Read MoreAI-POWERED SCAMS
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAYROONG kumakalat ngayon sa social media na babalang pati mga screenshot ng legitimate bank transactions, kaya nang kopyahin at magamit para makapanloko — patunay na lalo pang tumitindi ang mga scam. Hindi na simpleng panloloko lang ang ginagawa ng masasamang loob. Laganap na nga ang cybercrimes at nagiging high-tech na rin ang mga ito. Sa mabilis na paglawak ng aplikasyon ng artificial intelligence (AI), mas pino, mas makatotohanan, at mas mahirap nang matukoy ang samu’t saring scams na araw-araw na bumibiktima sa mga ordinaryong mamamayan.…
Read MoreMAHALAGA ANG BAWAT SENTIMO PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PATULOY pa rin nating nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kaya hindi pa rin maiwasang sobrang dami pa ring nagrereklamo kapag oras na para maglabas ng pambayad para sa mga nakonsumo natin. Mabuti na lang, may magandang balita ang Meralco kamakailan. Alam naman natin na itinuturing na “grudge expense” ang kuryente — dahil dito talaga napupunta ang bahagi ng buwanang budget at bukod pa riyan, binabayaran ito matapos makonsumo hindi kagaya ng ibang produkto o serbisyo na kailangang bayaran muna bago…
Read MoreREHABILITASYON NG EDSA
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HALOS araw-araw na lang, matinding daloy ng trapiko ang madalas inirereklamo ng mga motorista at commuter. Kaya kapag maayos at walang abala ang biyahe, tila ba napakagandang bagay na ito. Mayroon ngang pag-aaral ang TomTom Traffic Index na umaabot ng 117 na oras kada taon o nasa halos limang araw ang nasasayang ng isang commuter dahil sa traffic congestion sa Metro Manila, kabilang na ang EDSA, noong 2023. Pero paano natin masosolusyunan ito? Marami nang mga sinubukang gawin — nariyan ang number coding scheme na…
Read MoreMALASAKIT AT PAGPAPAHALAGA SA MGA SUNDALO
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HALOS araw-araw, laman ng mga balita ang mga aksidente at krimen – nakababahalang mga pangyayari na nagbabanta sa ating seguridad. Kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pamahalaan kasama ang kapulisan para masiguro ang kaligtasan ng ating komunidad. Pati ang mas malawak na mga banta sa kalayaan at kapayapaan sa ating bansa, isa ring alalahanin dahil maraming lugar sa bansa ang may banta pa rin sa kaligtasan, at siyempre pati ang isyu sa ating teritoryo na hanggang ngayon hindi pa ganap na naaayos. Sa kabila…
Read MoreMAGANDANG BALITA PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAPAG ganitong panahon ng tag-init, tipikal na sumisipa talaga ang konsumo natin sa kuryente kaya kung limitado lang ang budget para sa bill, talaga namang kailangang maging madiskarte sa pagtitipid. Kaya magandang balita itong inanunsyo ng Meralco nito lang nakaraang linggo na mayroong malaking bawas-singil sa kuryente. Ayon sa distribyutor ng kuryente sa Metro Manila at mga karatig na lugar kagaya ng Rizal, Bulacan, Cavite — magkakaroon ng 75 centavos kada kilowatt-hour (kWh) na tapyas sa rate. Dahil mahigit 500 kWh ang konsumo ko buwan-buwan,…
Read More