CIGNAL HD NAGPAPALAKAS

MAKARAANG mangulelat sa 2021 PVL Open Conference, desidido ang Cignal HD na bumawi sa susunod na season.

Katunayan, may tatlong bagong players ang Cignal HD — spiker Angeli Araneta, libero Bia General at setter Gel Cayuna–upang palakasin ang team.

Nitong weekend pormal na kinuha ang serbisyo ni Cayuna, na umaksyon para sa Perlas Spikers sa nakaraang Open Conference noong Oktubre.

Huli namang lumaro sina Araneta at General kasama ang Generika Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga.

Sa nakalipas na PVL Open Conference sa Ilocos Norte ay tumapos ang HD Spikers sa ika-10 pwesto ng elimination round. Kaya hangad nito na mag-level up sa susunod na season.

Plano ng kauna-una­hang professional volley­ball league na mas maagang magsimula ng season sa 2022 (Pebrero). (ANN ENCARNACION)

173

Related posts

Leave a Comment