ISANG panalo na lang ang kailangan ng Magnolia kontra Rain or Shine upang tuluyang umusad sa 2021 PBA Philippine Cup.
Naungusan ng Hotshots ang Elasto ΒPainters, 81-70, sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinals matchup Linggo sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.
Saktong nag-init ang mga kamay sa third quarter at umiskor ng 20 puntos ang Magnolia main man na si Pau Lee, sa Βkabila ng kabuuang 6-for-22 shooting, na sinamahan pa ng apat na Βrebounds at tatlong assists.
Nagdagdag si Ian ΒSangalang ng double-double 19 points at 13 rebounds, samantalang may 10 points off the bench si Jio Jalalon at si Calvin Abueva ay may eight markers, 13 boards, two blocks, isang assist at steal.
Para sa koponan ng ROS, nanguna sa Βscoring si Santi Santillan na Βnagtala rin ng 17 points at 12 rebounds. double-double.
Nag-ambag si Rey Nambatac ng 16 puntos, habang 11 points at five boards mula kay Javee Mocon.
235 